Chapter 44 - Heartaches Demand

239 6 1
                                    

Chapter 44:


'Mahal ko na nga ba siya?' Tanging tanong ni Xynard sa isip niya habang nagmamaniho siya papunta sa lugar na hindi niya alam kung saan.


Flashback..


"Napakalabo mo naman tol. Gusto mo siya pero di ka siguradong mahal mo bang talaga siya?" ani Raven


Napayoko na lang siya habang ang dalawang kamay ay nasa magkabilang bahagi ng kanyang noo. Na para bang nasasakitan ng ulo.


"Ang labo lang talaga tol." ani Raven sabay inom ng Cali.


"I don't know tol. I just don't know if I love her ba talaga. Baka kasi masyado lang akong nasisiyahan kapag kasama siya." Saad ni Xynard.


"Kung sabagay mahirap din naman iyon. Pero ito lang payo ko sayo. Huwag mo masyadong bagalan ang pag-iisip sa kung ano ba talaga ang tunay mong nararamdaman dahil baka maunahan ka ng iba." sabay tayo at umalis.


Sa pagkasabing iyon ni Raven ay naiwang parang lito si Xynard. Nagtatanong siya kong may kahulugan ba ang mga sinabi nito. Kung meron? Ano naman?


End of flashback..


"Is this what Raven meaant to say?"


"Shiiiit!" Biglang napahinto si Xynard at tinabi ang kotse sa daan. Sinubsob niya ang ulo niya sa manibela ng kanyang kotse. Kasi nakaramdam siya g kakaibang kirot sa kanyang sarili... Sa puso.


"What's this?" He ask himself as if may sasagot.


Mga ilang minuto ang lumipas saka niya pinaharorot ang sasakyan.





Enna and Shan side:


Kasalukuyang nakaupo silang dalawa sa table na nasa gitna ng room. Iyak pa rin ng iyak si Enna.


"Hindi ka pa rin talaga nagbago no? Napakaiyakin mo pa rin." blankong saad ni Shan.


Hindi naman umimik si Enna, hindi niya pa rin maiwasan ang pagtulo ng kanyang luha.


"Alam ko ang nararamdaman mo. Even me still can't believe."


Napatingin si Enna sa mga mata ni Shan at nakita niya ang namumungay nitong mga mata na masaya na naiiyak na hindi makapaniwala inshort nakita ni Enna ang magkahalong emotion ni Shan.


"I don't know kung anong dahilan ng tadhana kung bakit nangyayari ang mga ito pero alam kong ang Diyos ang may pakana nito at alam mo bang napakasaya ko sa ginawang ito ng Diyos?" doon na hindi napigilan ni Shan ang kaninang pang naiiyak na mga mata.


"Hinanap kita." Pagpapatuloy nito. "Hinanap kita sa kung saan saan and it takes me years bago kita nahanap. Umabot pa nga sa puntong napagod na ako, na nawalan ng pag-asang makikita pa kita."

Making LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon