Chapter 24:
(Property of LetMeBeMysterious)
Enna's POV:
Maaga akong gumising sa sumunod na araw ng performance day namin. Bumili ako ng pandesal sa kaharap na bakeshop ng apartment ko. Bumili na din ako ng isang 3in1 na kape, yon lang pang-agahan ko ngayon. Paano wala na kasi akong budget gawa ng hindi pan ako sumasahod sa buwan na ito.
Pagkadating ko sa bahay ay hinatian ko agad alaga kong pusa na si bettymeme ng tinapay. Kumain naman ito na para bang alam kung bakit tinapay lang ang pinapakain ko sa kanya.
Pagkatapos kong makakain ay agad akong pumasok sa banyo at naligo. Kailangan ko magmadali dahil baka ma-late na ako sa school.
Nakaligo na ako at nakabihis. Saglit akong humarap sa whole body mirror ko at tiningnan ng mabuti ang tindig ko. Oh ha! Pang miss universe. Hahaha joke. Mabilis kong kinuha ang bag ko na nasa ibabaw ng silya at lumabas ng unit ko, ni-lock ang pinto at umalis.
"It's a brand new day na naman! Yes! Thanks God for the new life." Mahina kong saad sa sarili habang naglalakad papuntang school.
Habang naglalakad ako ay pumasok sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Si shan nag thank you sakin. Kahit saglit naging sincere siya. Wala lang, masaya lang ako isipan na 'yon.
Okay pala siya kung hindi siya magsusungit e. hehehehe.
Nasa daan na ako papuntang locker room ng Makita ko ang nagkukumpolang mga estudyante sa labasan ng canteen. Ano na naman kayang meron? Pagtataka kung tanong sa sarili.
Mula sa malayo ay tanaw ko ang isang malaking telon na may naka projek na palabas. Hindi ko alam kung anong palabas kasi wala naman akong tunog na narinig maliban sa natatanaw ko lang na may gumagalaw na imahe.
Nilagay ko muna sa locker ko ang mga gamit ko, pagtapos ay pumunta na din ako sa may canteen at nakisawsawan.
Nang papalapit na ako ay nakakagulat ang biglaang katahimikang nangyari, nakatingin lang ako sa paligid. At ako na naman ang tinitingnan nila. 'yong iba nanlilisik ang mga mata sa galit, sa galit?? Bakit? May nagawa ba ako na ikinagagalit nila? Wala naman akong matandaan e. 'yong iba naman nagbubulong bulungan habang nakapako ang mga mata nila sakin.
Nagkibit na lang ako ng balikat at tumingala sa kung ano man ang pinapanood nila. Ayos ah! Timing na timing kasi magsisimula ata ulit ang video. Ganito ang introduction ng video.
A GIRL WHO PUNCH THE STOMACH OF AN INNOCENT WOMAN. - - -
Pinakita naman sa video ang footage ng pagsuntok ng isang babae sa isa pang babae sa may tiyan / puson. Nung una ay hindi ko napansin kung sino ang nanuntok kasi nakatalikod sa camera ang babaeng nanuntok. Para itong naligo sa pintura. Pero ang babaeng nasuntok ay si princess.
Lahat naman ng nandun ay nakatingala na din gaya ko. Hindi naririnig ang mga sinasabi ng nasa footage, kaya may nakasulat na mga subtitles sa baba.

BINABASA MO ANG
Making Love
Teen FictionFirst story ko po ito... sana magustohan niyo. ^_^ Makwela po ang story.. pls give time to read po.. ^_^ a story of a girl who used to be inlove with someone who used to be her childhood sweetheart. anyway para po di kayo mahirapan sa pag imagine ch...