Chapter 10

810 9 3
                                    

Chapter 10:

(Property Of LetMeBemysterious)

(I wanna dedicate this chapter to my 1st ever fan AbbyLoveHurt or abby)

Enna's Pov:

1st day of the week at school.

Malamang lunes.

Isang nakakapagod na araw. Ang dami kasing ginawa during class hours.

Lunch break na kaya papunta na ako ngayon sa kainan place ko. Sa isang sulok ng meditation garden.

Nang papunta na ako dun ay nakasalubong ko ang isa sa mga kaklase ko si Abby Trinidad. Maganda din siya, naka make-up ng di makapal na lalong nagpatingkad sa aura nito.

Ngumiti lang ako kasi mabait naman si abby e. siya nga kauna unahang tao sa klase namin na pumansin sakin.

"Hi Erica? San ka pupunta?"

"Ha? Ahm kakain lang ako." Sagot ko

"Hindi naman dito ang daan papuntang canteen ah."

"Hindi naman ako sa canteen kakain e. hindi rin ako kumportable dun."

"Abby! C'mon nagugutom na kami." Tawag ng mga kasamahan niya.

"Andyan na! Aalis na ako ha?" she said.

"Okay eat well."

"You too." She replied with a smile.

Tiningnan ko na lang siya habang papalayo. Ang ganda niya.

Nagpatuloy na din ako sa paglalakad papuntang garden.

Pagkadating ko dun ay kumain na ako at ng natapos na akong kumain ay binuksan ko ang bag ko upang kunin ang notebook ko sa next subject namin.

Nagbabasa ako ng note ng mapansin ko ang isang babae sa gilid na nag-iisa at nakatingin ito sa kawalan.

Ewan ko ba napaka osyosera ko lang talaga. Nilapitan ko ito at napagtanto ko kung sino siya.

Siya 'yong babaeng nakita ko sa soccer field nun. 'yong may kausap siya na lalake na ka drama moment nito.

(She is daphne the girl who made Brix Xygorr cry.)

Mukhang malalim iniisip nito ah.

"Mind if I sit beside you?" tanong ko.

Lumingon lang ito at bahagyang ngumiti sakin.

Making LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon