Chapter 30

627 5 3
                                    

Chapter 30:

(Property of LetMeBeMysterious)

3rd person's POV:

Nakatayo sa labas ng kotse niya si shan. Nakapamulsa ito habang may hinihintay. Hinihintay niya na mag-out si enna sa pinagtatrabahuan nito which is pag-mamay-ari ng pamilya niya. And to be exact sa negosyo ng pamilya niya na sa kanya nakapangalan.

Pero tanging mga manager lang ang nakakaalam na siya ang may-ari ng business na 'yon at mahigpit ang bilin niyang huwag ito ipagsasabi.

Ang NASH ay nakuha sa pangalan na SHAN... dinagdagan lang ito ng -o-meal to become unique.

He was waiting for almost an hour already. Pero walang enna ang lumabas. He was waiting sa likod na bahagi ng establisimento kung saan naroroon ang pinto ng mga empleyadong lumalabas at pumapasok.

Nakayoko si shan habang may iniisip.

"Hoy! At ano na naman ang ginagawa mo dito?"

Nagulat si shan sa biglang pagsigaw ng isang babae. Napaangat ang ulo niya direkta sa nagmamay-ari ng boses. At si enna ito na nakapamewang.

"Tsk! Stalker ka talaga no?!"

Nanlaki mga mata ni shan sa sinabing iyon ni enna.

"Hoy! Babaeng ilusyonada, hindi ako stalker no! umayos ka kung ayaw mong piktusin ko yang tenga mo!"

"Aba! Hoy para sabihin ko din sayo, kaya na kitang sagotin ngayon dito dahil wala na ako sa loob ng pinagtatrabahoan ko! Kaya kung ako sayo tumigil ka na din!" enna said habang inaangasan ang tinig.

"At bakit ako titigil? May ginawa ba akong dapat kung tigilan ha?"

Saglit na hindi nakapagsalita si enna. Kasi wala naman kasi itong ginagawa for him to stop.

"Wala! Pero kahit na! doon din papunta yon!" saad nito habang iniwas ang mga paningin.

"NAPAKA mo talaga! Sana nagtanong ka muna kung bakit ako nandito bago ka manghusga na stalker mo 'ko."

"Oh? Ano nga bang sadya mo?" tanong ni enna na tinitigan na din si shan.

Para namang napaso si shan sa mga titig ni enna which he defined so weird.

"Ahm kasi... kuan, ahm kasi absent ako kaninang umaga kaya makikihiram lang sana ako ng notes." Nakayokong saad nito.

"Ganoon ba? Oh siya, teka." Saglit na naghalungkat si enna sa bag niya. Dala-dala niya kasi ang school bag niya dahil dumeritso na siya sa trabaho pagkatapos ng school hour. "Wala namang ganong lesson kanina e, maliban sa physics kaya heto ang notebook ko oh, hiramin mo muna." Sabay abot ng notebook kay shan.

Making LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon