Chapter 25

2.2K 61 8
                                    

VIENNA POV

Ilang oras na akong naghihintay sa loob ng storage room. Madilim at nakakasulasok ang amoy ng loob marahil sa mga alikabok ng mga gamit rito. Nandidiri man ngunit wala akong maggawa kundi tiisin ang paligid kesa mamatay sa kamay ng mga armadong lalaking iyon.

Kanina ko pa rin pinipigilan ang pag iyak ko. Dahil kung hindi ko iyon gagawin ay baka may isa sa mga armadong lalaki ang makarinig sakin at kung anong gawin sakin.

Kanina ko pa naririnig ang mga putok ng baril sa paligid. Parang di sila nauubusan ng bala. Ilan na kaya ang nakahandusay sa labas? Kami na lang ba ni Zoe ang natitirang tao sa paligid? Nasaan na ang mga kaibigan ko? Ligtas kaya si Zoe?  Sana naman ay walang masamang nangyare sa mga kaibigan ko lalong lalo na kay Zoe. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyare sa kanilang masama. Muling naglandas ang luha sa mga pisngi ko ng maisip ko ang mga kaibigan ko.

Napaangat ang mukha ko ng marinig ko ang pagbukas nang pintuan ng storage room. Naaninag ko ang katawan ng isang taong naroon hindi ko makita ang kanyang mukha sapagkat madilim. Sa tindig ng katawan nito ay masasabing isa siyang lalaki.

" S-sino ka?" Hindi ko mapigilan ang pagkautal dahil sa takot.

Napasiksik ako sa loob ng storage room at pilit na pinapasok pa ang katawan ko kahit alam kong wala na akong maaatrasan pa. Naglakad papasok ang nasabing lalaki. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba at takot.

" P-pls w-wag kang l-lumapit." Pagmamakaawa ko.

Niyakap ko ng mahigpit ang mga tuhod ko at umiyak ng umiyak. Sobrang natatakot na ako. Nasaan na ba ang mga pulis? Nasaan na ang mga kaibigan ko? Sana naman ay dumating na si Zoe. Sana may dumating na natulong sakin.

" Vienna."

Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang isang yakap. Familiar ang amoy nito guminhawa ang pakiramdam ko ng makilala kung sino ang taong ito. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit dahil alam kong ligtas na ako.

" Sshhh, tahan na nandito lang ako." Rinig kong sambit niya at itinayo ako ng maayos.  " Ayos ka lang ba? wala bang nangyare sayong masama?" sambit nito ng may pag-aalala.

Muling naglandas ang luha sa mga pisngi ko dahil nandito siya. Nandito si Tyron sa tabi ko. Niyakap kong muli siya.

" A-ayos lang ako pero natatakot ako." Naiiyak na sambit ko.

" Ssshhh tahan na. Wala na sila ligtas na tayo." Sambit nito habang hinahaplos nito ang likod ko. " Kaya mo bang maglakad?" Tanong nito sakin.

Tumango ako at sinubukang lumakad ngunit nanginginig ang mga tuhod ko. Hindi ko kayang lumakad marahil sa takot at kalasingan ko ito kaya ganito kahina ang mga tuhod ko.

Mukhang nahalata ito ni Tyron kaya naman ay mabilis na kinarga ako nito na pang Bridal style. Ikinawit ko ang mga braso ko sa leeg niya.

Nang makalabas kami mukhang tama nga si Tyron na wala na ang mga armadong lalaki dahil tahimik na ang paligid. Habang naglalakad kami ay naglilinga ako upang hanapin si Zoe ngunit hindi ko ito makita. Nang mapadaan kami sa lugar kung saan may humarang samin kanina ni Zoe ay wala na roon ang katawan nung lalaking sinipa niya. Walang bakas ng mga lalaking nasa paligid kani kanina lamang.

Tahimik lamang kami ni Tyron habang papunta sa kung saan. Marahil ay papunta kami sa parking lot ng school dahil dun ang tinatahak ni Tyron na daan. Hindi ko maggawang magsalita dahil natatakot akong mag ingay baka mamaya ay may bigla na lamang makarinig samin na armado na nagtatago.

Napatingin ako sa harap namin ni Tyron nang makarinig ako ng mga ingay. Nandito sa parking lot ang lahat ng mga estudyante ng empire high pati na rin ang ilan sa mga directress, teachers at ilang staff ng school.

You Are Mine ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon