Chapter 13

2.7K 86 1
                                    

VIENNA POV


" I know somewhere na maaring mapaglalabasan mo. " Nakangiting sambit ni Zoe sakin at binigyan ako ng isang halik sa noo.

Hindi ko pa kayang magsalita kaya niyakap ko nalang siya nnag mahigpit.  Buti nalang at  may isang Zoe ngayon sa tabi ko. Kundi baka hanggang sa pagbaba ko eh patuloy lang akong umiiyak at baka may nakakita pa saking mga staff rito sa Empire High.

" Let's go. " Sambit muli ni Zoe at tumango ako bilang pagsang ayon sa kanya na sumama.

Hinawakan niya ako sa braso at mabilis na hinila pababa nang hagdanan. Ngunit naalala kong hindi pa okay ang tuhod niya. Huminto ako sa pagbaba at tinignan ang iniwang saklay na nakasandal sa pader at muling tinignan siya na tila nagtataka.

Napakamot siya sa kanyang ulo. " Sorry, Umacting lang talaga ako kanina para bumaba ka. Kasi gusto kong magkausap na kayong dalawa. " Napayuko pa ito.

Hindi ko malaman kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Magagalit ba ako dahil sa pagsisinungaling niya o balewalain nalang dahil gusto niya lang naman na magkausap kami ni Raegan at magkaayos.


Bumuntong hininga nalang ako at mas piniling balewalain nalang ang bagay na yun. Hindi na kaya ng isip kong magdagdag pa ng bagong gulo.

"Sorry tala---" hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Ako na mismo ang humila sa kanya pababa ng hagdanan.


Nang makarating kami sa ibaba ay agad kaming pumunta ng parking lot. Nandoon pa si Mang Inggo na nakatayo lamang sa labas ng kotse. Agad kaming lumapit sa kanya at pinagbuksan ng pintuan ng kotse.


" Marunong ka bang magdrive?" tanong ko kay Zoe.


Tumango lamang si Zoe sa tanong ko. Mukhang nagiguulty siya sa ginawa niya kaya takot na magsalita. Kung okay lang siguro ako eh makyucute-an ako sa kanya. Dahil ang cute niya talaga kaoag nahihiya siya. kitang kita ang pamumula ang buong mukha niya kahit na nakayuko lamang siya.


" Give her the key Mang Inggo. You may go first. May pupuntahan lang kami. Tell Nanay Doris I'll sleep with her pad. " at tinuro ko si Zoe.

Tila naman nagulat si Zoe sa sinabi ko. Malamang na magugulat talaga siya lalo na at hindi ko naman hiningi yung permiso niya na dun ako matutulog sa condo unit niya. Akmang magsasalita pa sana siya pero tinignan ko na lang siya ng masama. Hindi siya pwedeng tumanggi lalo na at nagsinungaling siya sakin kanina lang.


" Sigurado ba kayo ma'am?" tanong ni Mang Inggo na halatang hindi siya sang ayon sa sinabi ko. Marahil hindi pa naman niya lubusang kilala si Zoe kaya wala pa siyang tiwala rito.


" Don't worry Mang Inggo I'll be safe." Ngumiti ako sa kanya na tila nagbibigay ng assurance na magiging ligtas ako.


Napakamot nalang si Mang Inggo sa kanyang batok dhil alam niyang wala na siyang choice kundi pumayag na lang. Tinignan niya si Zoe mula paa hanggang ulo. Napairap ako kay Mang Inggo dahil sa ginawa niya lalo na at tumagal ang tingin niya sa mukha ni Zoe.


" Give me your ID and Contact number." Seryosong sambit ni Mang Inggo kay Zoe.


Tila naman namutla si Zoe sa hinihingi ni Mang Inggo sa kanya. Napatingin ito sakin na parang hindi malaman kung anong gagagwin. Napakunot noo ako dahil sa inaasta niya. Anong meron at ganyan ang reaksyon ng mukha niya. Tinignan ko si Mang Inggo tila naman hindi niya nagustuhan ang inaasta nito.


"Mang Inggo wag ka ngang OA dyan. Kaibigan ko yang si Zoe kaya mapagkakatiwalan siya. Hindi naman niya siguro ako maggagwang patayin." natatawa tawa pang sambit ko.


You Are Mine ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon