Vienna POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Agad akong bumangon at nag unat ng katawan at tumungo papunta sa loob ng banyo upang maligo na.
Ilang araw na ang lumipas simula nung nag usap kami ni Raegan sa rooftop at samahan ni Zoe sa lugar na pagmamay-ari niya at sa amusement park. Agad na sumilay ang ngiti sa labi ko ng maalala kung gaano kami kasaya ni Zoe na sumakay sa mga rides at manalo ng kung ano anong prices. Nakauwi ako ng Dalawang malaking teddy bear dahil sa galing ni Zoe na maglaro ng basketball at ang balloon and dart. Siya naman ay nakauwi rin ng isang teddy bear.
Kahit sandali nung mga panahon na yun ay natabunan yung galit at sakit na naramdaman ko dahil sa sobrang saya ko. Masaya talagang kasama si Zoe talagang ipaparamdam niya sayo na dapat masaya ka lang kahit sobrang dami ng problema mo. Hindi niya rin hahayaan na makikita akong tulala gagawa agad siya ng topic kapag nakikita niyang may iniisip na naman ako.
Ilang araw na rin na nakakasama ko sila Skyler at Raegan sa tuwing lunch break namin. Pero hindi ko pa rin kinakausap si Raegan. Kapag magkakasama kami tanging sila Parch, Skyler at Zoe lang ang maingay sa mesa namin. Sabagay dati pa naman na yung dalawa lang maingay saming apat pero mahahalata mo kay Raegan na gusto niya akong kausapin pero umiiwas ako. Sa tuwing sinusubukan niyang kausapin ako ay agad akong gagawa ng idadahilan ko para iwasan siya. Hindi pa ako handang kausapin siya kahit alam ko na yung totoo. Pinapatawad ko na siya pero hindi ko pa talaga kayang ibalik yung dating kami.
Pagkatapos kong maligo at mag ayos ng sarili ko sa pagpasok ng Empire High ay agad akong bumaba. Nakasalubong ko si Nanay Doris na sobra ang saya sa mukha. Nakangiti itong lumapit sakin at agad akong hinila palabas ng bahay. Nagtatakang tinignan ko si Nanay Doris.
" Ano pong meron, Nay?" tanong ko sa kanya.
" Aba'y may magandang surpresa ako sa iyo anak. " At bumingisngis pa ito.
Agad na napadako sa gate ang mga mata ko nang makarinig ako ng busina mula sa tapat ng gate. Agad na binuksan ng gwardya ang gate para papasukin ang kotse na iyon. Agad na bumungad samin ang kotse ko na ginagamit sa pagpasok ng school. Nagtatakang tinignan ko si Nanay Doris dahil wala namang kung ano sa kotse ko.
" Ano ba talagang meron, Nay? Natatakot ako dyan sa surpresa mo, Nay." Sambit ko.
" Maghintay ka lang saglit anak." Ngumiti pa ito sakin.
Napacrossed arms nalang ako habang hinihintay ang surpresa ni Nanay Doris sakin. Huminto ang kotse sa tapat naming dalawa ni Nanay Doris. Agad na bumaba si Mang Inggo at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse sa may shotgun seat. Dun kasi ako madalas talagang umupo at hindi sa likod.
"Ano hong meron Mang Inggo? may Surprise daw si Nanay sakin." Nagtatakang sambit ko at lumapit sa bukas na pinto ng kotse.
Nakangiti lamang si Mang Inggo sakin habang inaalalayan akong sumakay ng kotse. Pagsakay ko sa loob ng kotse ay agad akong napatingin sa rear mirror. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang babae kaya lumingon ako sa likod. Maputi at sexy ang pangangatawan nito. Naka crossed legs at crossed arms lang ito habang naka shades pa, Mahaba at itim na itim ang buhok nito. Naka itim leather jacket din ito at tinernuhan din ng itim na pants at itim din na leather shoes. Parang may patay na rakista ata ang pupuntahan nito dahil naka all black siya at yung porma rin niya.
" Long time no see my bitch sister." sambit nito at ngumisi sakin.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Kung matutuwa ba ako dahil sa wakas nakita kong muli ang ate Vanna ko o Magagalit sa kanya at magwowalk out dahil ang tagal tagal niyang bumalik ng Pilipinas. Sabi ko nga dati na malaki ang tampo ko sa kanya dahil imbes na makasama ko siya habang lumalaki kami ay mas pinili niyang sa ibang bansa tumira kasama ng grandparents namin.
BINABASA MO ANG
You Are Mine ( COMPLETED )
Romansa[| Empire High Series# 1 |] This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Siya si Vienna Song a half chinese and Half Filipino. Taga pag mana ng kanilang kompanya na kilala sa buong...