Patch POV
Agad naming dinala ang walang malay na si Raegan sa Clinic. Grabe ang mga natamo niyang sugat at pasa sa buong katawan niya. Marahil ay talagang maraming inis sa aming apat at ito ang ginawa nilang ganti dahil pagkakataon na nila ito kay Raegan. Aminado din naman akong marami kaming estudyanteng nagawan ng ganito. Ang iba pa nga sa kanila ay mas grabe pa ang itinamo kaysa kay Raegan.
" Bakit hindi pa rin siya gumigising, Patch. Ayos lang ba talaga siya? Bakit di nalang kasi natin siya dinala sa ospital dun mas sigurado tayong mabilis siyang magkakarecover kesa dito sa clinic." Halata ang pag-aalala sa tono ni Skyler. Kanina pa din siya palakad lakad sa harap ko nakayuko habang kagat kagat pa ang hinlalaking kuko niya sa kamay.
"Relax, Sky. Magiging maayos din si Rae. Masyado lang napagod ang katawan niya. Sabi naman ng nurse ay pasa at sugat lang ang natamo niya." Pag-aalo ko sa kanya.
" Patch! Paano kung may bali siya sa buto? Nihindi naman niya ini-xray si Raegan."
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi niya. Kahit naman ako ay nag-aalala kay Raegan dahil bugbog na bugbog ang katawan nito. Pero anong maggagawa ko? Eh sa Empire high hindi ka pwedeng dalhin sa ospital hangga't walang pahintulot ng magulang. At iyon ang problema. Takot kaming kontakin ang mga magulang ni Raegan. Masyadong masungit ang parents ni Raegan at kahit sino ay matatakot.
At once na malaman nila ang nangyare kay Raegan magiging malaking gulo ito at pwede ring masira ang imahe ng Empire High. Tsaka si Vienna malamang na pati siya ay mayayare sa magulang nito at kapag nangyare yun makarating kanila Tito Vin at Tita Vena ang nangyare. Paniguradong malalayo si Vienna samin at iyon ang pinaka ayaw ni Vienna.
Kahit naman gustong gusto nitong makasama ang parents niya ayaw naman niyang umalis dito sa Pilipinas. Ayon sa kanya dito sa lugar na toh siya nabubuhay at hindi sa ibang bansa.
"Napaka laking gulo nito." Naisambit ko.
Napayuko ako dahil masyado ng sinakop ang utak ko sa mga possibleng mangyare dahil sa pangyayareng ito.
" Hindi naman magkakaron ng gulo kundi ito ginawa ni Vienna kay Raegan." Inis na sambit ni Sky.
Napabuntong hininga na naman ako. Kahit naman ako ay may galit na nararamdaman para kay Vienna. Pero pinipigilan kong magalit dahil alam kong may rason ang lahat ng ito. Hindi ko maaaring sisihin si Vee. Hindi naman ito maggagawa ni Vee kung wala ding naggawa si Raegan sa kanya.
Kung tutuusin ang dalawang yon ang magkasundo. May mga bagay na alam kong kay Raegan siya nagsasabi ng mga saloobin niya, mga bagay na hindi niya ipinapakita sa iba pero kay Raegan naggagawa niya.
Kaya sana kung ano man ang punot dulo ng gulong ito ay may isa man lang sa kanila ang makapag paliwanag samin.
"Where is She?"
Agad na napaangat ang ulo ko dahil sa familiar na boses na iyon. Sinundan ko ng tingin ang pinagmumulan nang taong iyon. Napakunot ang noo ko na makita si Yumi Martinez kausap nito ang nurse na nag check kay Rae kanina.
" I said where is she!?" Pagkainip, pag-aalala at inis sa tono ng boses ni Yumi.
"Who is She are you referring to?" Cold na sambit nung nurse sa kanya.
Kung hindi lang dahil sa lagay ngayon ni Raegan ay malamang na natawa na ako dahil sa kanilang dalawa. Masyadong mainiti ang ulo ni Yumi samantalang walang pakialam ang nurse sa kanya kung maggalit man siya.
" Raegan." Napairap nalang si Yumi dun sa Nurse.
"Martinez I mean President!" Tawag ni Sky dito.
BINABASA MO ANG
You Are Mine ( COMPLETED )
Romansa[| Empire High Series# 1 |] This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Siya si Vienna Song a half chinese and Half Filipino. Taga pag mana ng kanilang kompanya na kilala sa buong...