Chapter 15

2.8K 83 5
                                    

Vienna POV

Maaga akong gumising para di ko na makasabay pang mag almusal ang kapatid ko. Hanggang ngayon ay di ko pa rin siya masyadong pinapansin. Matapos niya kaming sunduin kagabi at makauwi ng bahay ay hindi niya ko siya kinakausap. Marami siyang sinasabi pero binabale wala ko lang.

Meron siyang mga kwentong hindi naman ako interisado. Dahil ang mga sinasabi niya lang naman eh tungkol lang sa mga kaibigan ko na naoobserbahan niya lang naman. May mga tanong siya na minsan ko lang kung sagutin.

Agad akong nag asikaso ng sarili ko bago ako bumaba. Bumungad si Nanay Doris na nagluluto sa kusina. Agad akong lumapit at yumakap sa kanya habang nakatalikod ito sa aking gawi. Napangiti ako ng maramdaman ang pagkagulat ni Nanay Doris.

"Hay naku kang bata ka talaga ako'y aatakihin sa iyo. " Sambit nito na napahawak pa sa kanyang dibdib.

" Good morning, Nay." Nakangiting sambit ko at humalik pa sa pisngi nito.

" Hay naku naglalambing na naman ang alaga ko. Kamusta naman kayong magkapatid? Masaya na ba ang alaga ko dahil nandito na ang kaisa isang kapatid mo?" Nakangiting sambit pa niya habang binabaliktad nito ang kanyang nilulutong pancake.

Tila ako napatigil ako dahil sa sinabi ni Nanay. Agad na lumuwag ang pagkakayakap ko kay Nanay Dori.Naramdaman nito ang aking ginawa kaya agad itong lumingon sakin. Napabuntong hininga ito marahil sa nakikita niyang reaksyon sa aking mukha.

" Mukhang hindi kayo ayos na magkapatid." Ngumiti ito sakin na tila naiintindihan niya ang kalagayan naming magkapatid.

"N-nay." Sambit ko at napayuko na lamang.

"Kung ano mang nangyare sa inyong magkapatid magkakaayos din kayong dalawa. Alam kong miss na miss mo ang Ate Vanna mo. " Rinig kong sambit ni Nanay.

Miss na miss ko ang kapatid ko pero bakit pakiramdam ko hindi niya ako namiss. Bakit hindi man lang niya sinasabi sakin na namimiss niya ako. Hindi man lang niya ako naggawang yakapin kahit nung nakauwi kami kagabi. Ako ba dapat ang unang yumakap sa kanya para maramdaman ko ang yakap niya?

" At miss ka rin ng kapatid mo na iyon panigurado. Pero mukhang nagkakailangan kayong dalawa. " Sambit ni Nanay.

Talaga ba? kasi kung miss niya talaga ako bakit ganun siya sakin? Siya tong nag iwan sakin

Napabuga ako ng hangin dahil sa naisip ko. Masyado pang maaga para magdrama ako. Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Nanay Doris. Umupo nalang ako sa may dining area namin para hintayin na ihain ni Nanay Doris ang pagkaing niluto nito para sa umagahan.

Matapos kong kumain ng umagahan ay agad na pinatawag ni Nanay Doris si Mang Inggo para ihanda yung sasakyan at maaga kaming makaalis. Agad akong lumabas ng bahay ng marinig ko ang pagbusina ni Mang Inggo sa labas. Ngunit napatigil ako ng makita sa driver seat ang taong iniiwasan kong makita ngayong umaga.

" Hop in." Nakangiti ito sakin ngunit halatang pilit lamang iyon.

Napairap ako sa kanya dahil nakakairitang makitang pilit lang ang pinapakita niya sakin. Bakit ba ganito siya sakin? may kasalanan ba akong naggawa nung mga bata palang kami at ganito siya sakin.

Tulad nga ng sabi ni Nanay Doris sayo mukhang nagkakailangan lang kayong dalawa. 

" Nasaan ho si Mang Inggo?" Tanong ko kay Nanay Doris na katabi ko rito sa may pinto.

" Masama ang pakiramdam ng kuya Inggo mo. Mukhang inaatake na ng rayuma ang lalaking iyon." Biro ni Nanay Doris.

" Ganun po ba paki sabi kay Mang Inggo na magpagaling po siya." Tanging sambit ko.

You Are Mine ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon