Vienna POV
Naggising ako nang makarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwartong pinagtutuluyan naming dalawa ni Ate Vanna rito sa resort. Dito na kami dumiretso ni Zoe kaninang nag walk out kami kanila Ate Vanna at sa Debruhang girlfriend niya.
Hinatid lamang ako ni Zoe rito dahil mas gusto kong mapag isa. Una ay ayaw pa niya akong iwan at gustong gumala nalang kami para makapagpalamig daw ako ng ulo ngunit mas pinili ko pa ring magkulong rito sa kwarto magdamag.
Agad kong kinuha ang cp ko para tignan ang oras. Ngunit nagulantang ako ng makitang 7pm na pala. Agad akong bumangon at pinagbuksan yung taong nasa labas ng pintuan. Agad bumungad sakin si Zoe na ang ganda sa suot nitong printed polo shirt na naka tuck-in sa suot nitong denim short shorts habang may nakasukbit pang shades sa collar ng suot na polo.
Napakaganda ng ayos niya ngayon hindi katulad kanina na naka two piece siya na halos labas na yung kaluluwa niya.
Alanganin itong ngumiti sakin kaya ngumiti nalang din ako sa kanya at pinatuloy sa loob ng kwartong tinutuluyan namin. Agad itong umupo sa kamang hinigaan ko kanina.
"Bakit nandito ka? Hindi ba dapat eh magsaya ka dun?" Tanong ko sa kanya habang kumukuha ng isusuot ko sa drawer na nandito sa kwarto.
" Ayokong maging thirdwheel sa date ng ate mo at ng bestfriend ko. Kaya naisip kong puntahan ka nalang at ikaw ang idate ko." Tumaas baba pa ang kilay nito habang may pang aasar na ngiti sa mga labi nito.
Tila naman ako naestatwa sa posisyon ko dahil sa sinabi niya at dahil narin sa pagbilis ng kabog nitong dibdib ko. Kung may anong naglalaro sa loob ng tyan ko na parang kinikiliti ako nito. Agad akong napatalikod sa gawi nito at hindi mapigilang mapangiti.
Kinikilig ang Bwibwi Vienna. Di Bagay!
Shut up innerself di naman ako kinikilig eh. Slight lang kaya.
Achusera!
"M-manahimik ka nga, Zoe" Langyang buhay toh bakit naman nautal pa ako.
Pagkuway tumawa ito at naramdaman ko ang presensya nito mula sa likod ko. Mas lalong bumilis ang pagkabog ng dibdib ko ng maramdaman ko ang mga braso nito mula sa aking bewang. Parang nagsitayuan rin ang mga balahibo ko ng maramdaman sa aking tenga ang init ng hininga nito.
Bigla akong nakaramdam ng init dahil sa pwesto namin na toh. Tinignan ko ang aircon at nakita kong malamig naman ang temperaturang nilalabas nito pero bakit ang init.
" Will you be my date?" bulong nito sa tenga ko.
Para akong maiihi dahil sa ginagawa niya. Ano bang ginagawa mo Zoe? bakit ganito ang epekto mo sakin. Bakit ang landi mo ngayon? May nararamdaman ka rin ba sakin at ganito ka kaclingy ngayon?
Para akong kakapusin ng hininga ng maramdaman ang munting halik nito sa tenga ko pababa sa leeg ko. Humawak ako sa mga braso niyang nakayakap sakin upang tanggalin ito.
Hindi ko na kayang tagalan pa yung nararamdaman kong sensasyong binubuo ni Zoe. Kailangan kong pigilan siya kundi baka makaggawa ako o kami ng isang bagay na sa huli ay pagsisihan namin lalo na at wala namang kami.
" I need to take a shower." Sambit ko ay nagmamadaling pumasok sa loob ng bathroom para don maligo.
Agad kong binuksan yung shower at tumapat doon. Unti unti kong nararamdaman ang pag alis ng init sa aking katawan.
Bakit mo toh ginagawa sakin Zoe? Balak mo ba akong patayin sa bilis ng pagkabog ng dibdib ko? Hindi kaya lasing lang iyon at ganun siya kaclingy? Hindi ba may ganong tao na nagiging sweet or clingy sa iba kapag nakakainom na sila? Pero hindi naman siya amoy alak eh. Anong trip mo Zoe! Langya hindi ako handa sa ganung bagay.
BINABASA MO ANG
You Are Mine ( COMPLETED )
Romance[| Empire High Series# 1 |] This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Siya si Vienna Song a half chinese and Half Filipino. Taga pag mana ng kanilang kompanya na kilala sa buong...