Vienna POV
Maaga akong nagpahatid sa school kay Manong Inggo at dumiretso sa Empire Haven. Ang Empire Haven ay isang lugar kung saan pwede kang tumambay lalo na kung gusto mong mapag-isa. Isa ito sa paborito kong lugar dito sa Empire High.
Isa kasi itong garden kaya naman talagang marerelax ka. Napaka peaceful ng lugar na toh. Tahimik at ang sarap ng simoy ng hangin dahil sa mga puno. Ibang iba ang lugar na toh masasabi mong para kang nasa paraiso.
Ang sarap din sa tenga ng huni ng mga ibon na alaga talaga dito sa loob. At ang mga makukulay na iba' ibang uri ng mga bulalak ay maganda din sa paningin. May mga butterflies din na makukulay na lumilipad sa paligid nito.
Napapikit ako at napahinga ng malalim para malanghap ang sariwang hangin.
Sana may ganito din kaming kagandang garden sa bahay.
"Ehem p-pwede bang m-maki-upo?" Napamulat ako dahil sa boses na nanggagaling sa aking likuran.
Nang lingunin ko kung sino ang taong iyon tila bumilis ang kabog ng dibdib ko. Napaka amo ng mukha niya, ang mga mata niyang kay ganda ng kulay, ang makinis at mamula mula niyang mukha na tila hindi na niya kailangan pang gumamit ng kung anong make up para gawin pink iyon, at ang labi niyang parang natural na mapula.
" H-hi? C-can I have a s-sit?" Tila nahihiyang sambit pa nito hanbang kakamot kamot sa ulo niya.
Ang cute niya! Oh! My Ghad!
Wala sa ulirat na umusog nalang ako at hindi na sinagot ang tanong niya. Umupo siya sa tabi ko na hindi ko man lang maalis ang tingin ko sa mukha niya. Nakita ko kung paanong maglikot ang mga mata niya. Tila bang naiilang ata siya sa pagtitig ko sa kanya.
Iniba ko ang tingin ko at tumikhim.
"So, what are you doing here?" Buti nalang at hindi ako nautao kahit sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.What is that? Bakit ang bilis ng kabog mo heart?
"U-uhm nakita kasi k-kitang papunta d-dito kaya sumunod ako." Mabilis na napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
Sinundan niya ako? Bakit? Wag niyang sabihin na stalker ko pala siya.
May pagka assuming pala ang isang Vienna Song.
Tsk! Shut up! Innerself!
"Bakit mo naman ako sinundan?" I asked.
" K-kasi g-gusto k-ko l-lang---" I cut her off. Hindi na kasi ako natutuwa sa pagkaka-utal niya.
"Are you afraid of me?" I asked.
"U-hm n-no." Nakayukong sagot niya.
Hindi daw pero nakayukong sumagot? Nakakainis tong babaeng toh ah. Napairap ako sa kanya dahil bigla na lamang akong nainis sa kanya
"Magsalita ka ng hindi nauutal." Pagtataray ko.
"S-sorr---" I cut her words again.
"I said stop it!" May inis na sambit ko sa kanya.
"Sorry." Nakayuko na naman siya.
Sanay siyang yumuko noh. Tsk! Kahit kelan talaga nakakainis ang Zoe na toh.
"Stop saying sorry." I said. "So back to my question. Why are you following me here?"
"I just want to say thank you." Napamaang ako dahil sa ganda ng accent niyang mag-english.
ohmyghad! Bat ang ganda sa pandinig ng pagsasalita niya?
Yung accent niya na pang british para tuloy akong naka encounter ng isa sa mga character ng Harry Potter.
BINABASA MO ANG
You Are Mine ( COMPLETED )
Romantizm[| Empire High Series# 1 |] This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Siya si Vienna Song a half chinese and Half Filipino. Taga pag mana ng kanilang kompanya na kilala sa buong...