Vienna's POV
Anong oras na nang makaramdam ako ng gutom. Tinignan ko ang oras sa digital clock na nakalagay sa mesa ko. Alas dos na pala ng hapon at hindi pa ako kumakain. Kaya naman pala parang pakiramdam ko ay nanghihina ang katawan ko. Pinindot ko ang intercom na naka konekta sa secretary kong nasa labas.
" Paki orderan ako ng food. " Utos ko dito.
" Yes ma'am." Sagot nito.
Pinatay ko na ang intercom at napasandal sa swivel chair ko habang hinihintay na dumating ang pagkain ko. Tinignan ko ang cellphone ko para icheck kung may text ba si Zoe. Ngunit niisa ay wala kaya dismayadong ibinaba ko nalang ulit ang cp ko.
Anong oras na hindi pa din siya nagtetext sakin. Ala syete pa nung huling kita at usap namin dahil sabi niya ay may pupuntahan daw siya. Sabi ko ay mag update siya pero mukhang nakalimutan niya ako.
Hindi kaya may magandang babaeng kausap yun at talagang nakalimutan na niya ako? Pagkatapos nung nangyare samin kagabi ay ganito ang gagawin niya sakin.
Napahigpit ang hawak ko sa ballpen ko ng maisip ang bagay na yun. Subukan niya lang talagang mambabae humanda siya sakin. Binigay ko na ang virginity ko sa kanya kaya dapat na magtino siya.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ko. Pumasok ang secretary ko na dala ang inorder nitong food para sakin. Mas mabuti pang ikain ko na muna toh kesa mag isip ng kung ano ano.
Nang mailapag ng secretary ko ang dala niya ay agad rin itong lumabas ng office ko. Nagsimula na akong kumain at ubisin ito. Nang matapos akong kumain ay balik sa trabaho na ulit.
Lumipas ang ilang oras nang magring ang cellphone ko. Bumungad sakin ang pangalan ni Patch. Agad ko itong sinagot dahil baka importante.
" What is it?" Tanong ko sa kanya.
" Wow hello din Vienna ha." Napairap naman ako sa kanya kahit di naman niya ako nakikita.
" Anong problema?" Sambit ko.
"Well pinapaalala ko lang sayo na need na ni Raegan ng tulong natin para sa pagpopropose niya ulit kay Yumi."
Oo nga pala humingi ng tulong si Raegan samin sa paghahanda ng proposal niya kay Yumi. Gusto niya kasi ito ulit pakasalan but this time kasal na talagang may feelings na hindi tulad nuon na pinilit lang sila. Sa tinagal ng dalawa marapat lang na magpakasal pa rin sila na talagang kusa nilang gusto.
" What time?" Sambit ko habang pinaglalaruan ang ballpen sa kamay ko.
" Now na nandito ako sa baba ng building niyo kaya bumaba ka na."
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Ngayon na agad? Napatingin ako sa mga papel na nakalagay sa mesa ko. Andami ko pang gagawin. Lintek late naman magsabi ang taong toh.
" Wag ka na mag alala sa maiiwang trabaho mo dahil sinabihan ko na yung secretary mo."
Sa pagsabi niya nun ay bumakas ang pinto at niluwa nito ang secretary ko. Nakangiti ito sakin at sinabing ayos lang daw na umalis ako kasi naipacancel na niya lahat ng meeting ko ngayong araw.
Kinuha ko na ang coat kong naka lagay sa likod ng swivel chair ko at sinuot ito. Nagmamadali akong lumabas ng building namin. Sa tapat na ako lumabas dahil sabi ni Patch nandun daw siya.
Agad akong pumasok sa kotse niyang nakaparada sa harap mismo ng building namin. Inirapan ako ni Patch nung sumakay na ako kaya inirapan ko lang din siya.
" Ang bagal mo talaga." Asik niya sakin.
" Tsk! Late ka na nagsabi sakin na ngayon na gaganapin." Pagtataray ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
You Are Mine ( COMPLETED )
Roman d'amour[| Empire High Series# 1 |] This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Siya si Vienna Song a half chinese and Half Filipino. Taga pag mana ng kanilang kompanya na kilala sa buong...