Special Chapter II

3K 63 3
                                    


Vienna POV

We're here at Seigfred's residence dahil free time ng lahat ay dito na kami nagpasyang magbonding kasama ang mga babies namin.

Agad na nagsibabaan ng kotse ang twins ko pagkaparada palang ng Mady nila sa tapat ng gate ng ninang Sky nila. Magkahawak kamay naman kaming bumaba ni Baby Zevien na one yr old na last month at naka hawak naman sa bewang ko ang asawa kong dyosa pa rin talaga.

" Here comes the Smith family." Masayang anunsyo ni Patch karga ang anak nitong 3 months old palang na si Baby Patrice Arkienzy.

Agad na tumakbo ang twins ko patungo sa ninang Patch nila para tignan ang baby nito. Samantalang lumapit naman ako sa mga kaibigan ko na kasama din ni Patch rito sa round table para batiin sila.

Masaya lang makita na halos kumpleto kaming lahat rito pwera sa isang tao na ilang taon ng hindi nagpapakita samin. Mukhang tumulad talaga sakin ang mga bitchesang ito sa mga pag iinarte sa buhay.

3 taon ng hindi nagpapakita samin ang babaeng yon. Humanda talaga siya samin pagbumalik siya rito sa Pinas. Itatago talaga namin ang anak niya.

Masaya kaming nagkukwentuhan sa isang round table samantalang may kanya kanyang ginagawa rin ang mga anak namin sa kabilang mesa.

" Mommy!" Sigaw ng isang batang tumakbong umiiyak na lumapit sa pwesto namin.

" What happened?" Nag aalalang tanong ni Raegan sa anak niya.

" She stole my first kiss." Pagsusumbong nito at tinuro ang pwesto ng mga twins ko.

Sinamaan ko ng tingin ang dalawa. Nakayuko lamang si Zorel habang pinaglalaruan ang mga daliri nito samantalang nakataas ang isang kilay ni Viezel at naka crossed arms pa. Ang taray ng batang toh manang mana sakin tsk.

" Viezel! Why did you kissed her?" Tanong ko sa anak ko.

" She's kinda cute that's why I kissed her." Nakangusong sambit nito at di talaga mawala ang pagkataray sa mukha nito.

Nagtawanan ang mga kaibigan ko dahil sa sagot ng anak ko. Sinamaan ko ng tingin si Zoey dahil siya pa ang may mas malakas na tawa ng tignan ako nito napakamot ito sa ulo niya at yumuko.

"Baby Keirah  nacute-an lang pala si Ate Viezel mo sayo kaya ka niya kiniss eh." Pag aalo ni Raegan sa anak.

Nagcrossed arms ito at nakangusong tinignan ang mommy niya. Tumingin ito sa anak ko at inirapan.

" But I don't like her! She stole my first kiss. She ruined my dreams to have my first kiss with my Prince charming." Galit na turan ni Baby Keirah at nagpapadyak pa.

" Then I will be your Princess charming." Sabat ng anak ko.

Napahilot nalang ako ng ulo ko dahil sa kunsumisyon sa anak kong toh. Daig pa niya si Zorel na siyang lalaki. Sa edad palang nitong 7yrs old alam na kung anong gusto nito.

Malakas na namang nagtawanan ang mga kaibigan ko dahil sa dalawang bata. Ginawang clown ng mga bitch na toh yung mga bata.

" Iww! I hate you." Sambit ni Baby Keirah at inirapan ang anak ko.

" Go ahead hate me until you will fall for me, Mi amor. " Nakangising sambit ni Viezel.

" Manang mana ka sakin Baby Viezel." Tatawa tawa pang sambit ni Aikee.

" At tuwang tuwa ka naman?" Sabad ni Patch at inirapan pa ito.

" Tsk sa labas ka ulit matutulog." Sinamaan naman ni Jani ng tingin si Aikee.

" Easy girls ang hot niyo masyado." Tatawa tawa pa ring sambit ni Aikee.

" Awatin mo na yang anak mo, Zoelle." Banta ko sa asawa ko na napakamot na naman sa batok niya.

Lumapit ito sa twins namin para kausapin si Viezel na napayuko na rin dahil napagsabihan. Sa aming dalawa ni Zoey siya ang pinagdidisiplina ko dahil mas kalmado siya pagdating sa ganun bagay di tulad ko na pumapatol talaga ako ng katarayan sa anak ko.

" Say sorry to baby Keirah na." Rinig kong utos ni Zoey kay Viezel.

Lumapit naman agad ang anak ko kay Baby Keirah na hanggang ngayon ay nakanguso pa rin at masama ang tingin sa kanya. Lahat kami ay nakaabang sa gagawin ng anak ko.

" Sorry not sorry but I like to kiss you everyday coz you're too cute and I'm gorgeous that's why bagay tayo." Nakangiting sambit ng anak ko.

Nanlalaki ang mata namin at napanganga dahil sa tinuran ng anak ko. Samantalang nakangisi lang si Aikee dahil same vibes talaga sila ng batang toh.

" Sayo nga talaga nagmana ang pamangkin mo Montero." Seryosong turan ni Arq na may ngisi rin sa labi nito.

" Truly Silvester." Ngisi ring sambit ni Aikee at umiiling iling pa.  " Pagpatuloy mo yan pamangkin maganda yan."

Sinamaan ko siya ng tingin pero nagkibit balikat lamang ito sakin at may nakakalokong ngiti.

" Bagay your face Ate Viezel ." Mataray na sambit ni Baby Keirah at halatang in-emphasize pa nito ang salitang Ate.

Para namang nabwisit ang anak ko sa pagtawag sa kanya ni baby Kierah ng Ate. Napailing nalang din ako dahil hindi rin naman maitatangging cute silang tignan na dalawa at kahit bata pa ay may chemistry rin. Di naman napigilan nila Sky at Patch ang pag impit ng tilian nila.

" Viezel." Saway ni Zoey sa anak kahit na pati siya ay natutuwa sa anak.

" Mady, I like her." Sambit ni Viezel habang nakaturo kay baby Keirah.

" Halata naman baby but enough na. Bata pa kayo lalo na si Baby Keirah. Kung talagang gusto mo siya hintayin mong makapagtapos niyang gumraduate. Understand?" Mahabang lintanya nito sa anak namin.

Tumango naman ang anak ko dahil sa turan ng Mady niya. Tumingin ito kay Baby Keirah at niyakap ito. Kahit na tinutulak na siya ni Baby Keirah ay hindi pa rin ito bumibitaw. Napaka tigas ng ulo ng batang toh.

" Mukhang magiging mag bilas pa tayong dalawa Vee." Iiling iling na sambit ni Raegan at may ngiti sa labi nito.

" Mukhang ganun na nga Rae. Goodluck." Sambit ko at nakatawa na rin.

Goodluck talaga sa anak ko. Tignan natin kung makakayanan niyang maghintay ng tamang panahon sa edad niyang yan. Katulad ni Yumi ay nakuha ni Keirah ang katarayan nito samantalang nakuha ng anak ko ang kapilyuhan sa tita Aikee niya at mas malalang pagka bitchesa ko.

" Kung hindi nakuha ni Vienna si Yumi noon mukhang sa minime nila,mukhang  makukuha ni Viezel si Keirah. Lakas ng epekto ng Song sa Martinez." Tawang tawa na sambit ni Skyler.

" Sinabi mo pa." Kantyaw din ni Patch.

" Is it true mommy?" Curious na tanong ni Viezel at bumitaw na kay Keirah.

Parehas ng nakakunot ang noo ng dalawang bata na nakatingin sakin ngayon. Nakangiting tumango naman ako bilang sagot sa kanila. Wala naman sigurong masama kung malalaman nila ang past about saming dalawa ni Yumi.

" Oh! Buti nalang hindi kayo nagkatuluyan mommy. " Masayang sambit ng anak ko.

Ang lakas na naman ng tawa ng mga kaibigan ko samantalang napairap naman ako. Walang hiyang bata toh.

" Don't worry mommy akong bahala sa isang toh magiging akin siya balang araw." Nakangising sambit ng anak ko at inakbayan ang nakabusangot na si Keirah.

" Goodluck!" Sigaw ng mga kaibigan ko at tumawa ng malakas.

Pambihirang buhay toh bakit ba ako nagkaron ng anak na ganito agad ang isip. 7 yrs old palang siya pero gumaganito na. Samantalang nung ganyang edad ko naglalaro lang kami ng bahay bahayan nila Patch noon.

-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_

Last na Special Chapter na toh. ✌️✌️✌️










You Are Mine ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon