Zoe POV
" Ate Deb!" Tawag muli ng kung sino.
Hanggang ngayon ay di ko pa din maggawang igalaw ang katawan ko. Tinignan ko ang mga kaibigan ko. Kita ang gulat sa mga mukha nilang nakaharap sa taong nasa likod ko.
Ramdam ko ang paglapit ng kung sino pero mas ramdam ko ang presensya niya. Tinignan ko ito. Isang magandang babae ang bumungad sakin. Yumakap ito kay Psyche at humalik sa pingsi nito ganun na rin kay Deb.
" Namiss ko kayong dalawa." Malambing na sambit nito sa dalawa.
" Namiss ka rin namin." Nakangiting sambit ni Deb.
" Vee!" Tawag ni Skyler at mabilis na pinunatahan ang taong nasa likuran ko.
Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko pagkarinig ko palang sa pangalan niya. Hindi ko mawari kung anong gagawin ko. Dapat ko ba siyang salubungin ng yakap? O mananatili nalang dito sa kinauupuan ko.
Nagsimula na ring magsilapit sa kanya ang mga kaibigan namin. Bahagya naman akong nginitian ni Deb at hinawakan nito ang braso ko.
" Akala namin di ka na magpapakita samin eh!" Tila may tampo sa boses na sambit ni Sky.
Narinig ko naman ang munting pagtawa nito. " Di naman na talaga ako dapat magpapakita sa inyo eh lalo na sayo." Pang-aasar nito marahil kay Sky.
Ngunit nakaramdam ako ng pagkadismaya dahil sa sinabi niya. Di ko maggawang gawing biro iyon dahil may kung ano sakin na parang kalahating totoo ang sinabi nito sa kaibigan. Napabuntong hininga nalang ako.
" Bitch." Asik ni Sky.
Di ko man sila kita pero sa tingin ko ay nag-irapan pa silang dalawa. Wala pa rin kasi akong lakas ng loob na tignan siya. Kahit sobrang miss ko na siya. Bakit ba parang ako pa yata yung nahihiya ngayon samin? Samantalang siya ang nang iwan sakin.
" Sweetie!" Sambit nung babaeng kasama ni Vienna.
Sinundan ko ito ng tingin ng maglakad ito papunta sa pwesto nila Patch. Napakunot ang noo ko ng makitang nakalingkis ito sa braso ni Vienna.
Iniwas ko ang tingin sa kanila ngunit nahagip ng mata ko ang tinging pinukol sakin ni Vienna. Nakatitig lang ito sakin. Pinilit kong ngumiti sa kanya ngunit nakatingin lang ito sakin.
" Sweetie!?" Tila nagtatakang tanong ni Skyler habang nakatingin dun sa babae.
Kinuha ko yung baso na may lamang tubig at ininom ito. Pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa kabang nararamdaman ko.
" Yep! I'm Serenity and I'm Vienna's girlfriend." Sambit nito at humalik pa sa pisngi nito.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa malakas na kabog nito. Parang unti unting napupunit yung puso ko dahil sa narinig. Buti nalang ay nalunok ko na yung tubig kaya di ako nabulunan.
May girlfriend na siya!?
Tumalikod na ako muli sa gawi nila ng mapansin ang mga tingin ng kaibigan namin sakin. Alam kong nakakaramdam na sila ng awa sakin. Dahil alam nila kung gaano ako katagal naghintay sa kanya. Pero wala na pala akong dapat hintayin dahil meron na palang bago. Napabuga na lang ako ng hangin dahil sumisikip na yung kabog ng dibdib ko dahil sa sakit.
" Anyways, Tara magsiupo na tayo." Aya ni Yumi sa kanila
Pinakiramdaman ko ang kilos nilang lahat na nasa likod ko. Bumalik sa kanya kanyang pwesto sila Patch. Nagpapakiramdaman ang lahat malamang ay dahil ramdam din nilang hindi magandang atmosphere sa paligid namin. Samantalang hindi naman ito ramdam ng girlfriend ni Vienna. Dahil siya lang yung nagsasalita samin. Sumasagot naman kami kapag tinatanong niya.
BINABASA MO ANG
You Are Mine ( COMPLETED )
Romansa[| Empire High Series# 1 |] This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Siya si Vienna Song a half chinese and Half Filipino. Taga pag mana ng kanilang kompanya na kilala sa buong...