Zoe POV
Alas kwatro palang ng umaga ng maggising ako. Agad akong kumain at naligo. Agad ko ring inasikaso ang mga gamit na dadalhin ko. Sabi ni Yumi ay tatlong araw daw kaming magsstay sa Montero Resort ayon kay Psyche.
Kaya pagkarinig ko sa balitang yun at sa sobrang excited ko ay agad kong inimpake yung mga gamit ko. Inaasar pa nila ako kahapon na di raw halata sakin ang pagkasabik ngunit binalewala ko na lamang iyon.
Pumunta ako ng guest room ko para gisingin yung tatlo na nakitulog rito sa condo ko. Para daw kasi hindi na hassle na magsunduan pa ay dito na nila naisipang matulog para sabay sabay na. Samantalang yung mag- asawa ay dun pa rin sa condo nila natulog dahil may gagawin pa raw silang kababalaghan. Hay naku tumanda lang sila ng tatlong taon ganun na mga nasa isip nila.
Binuksan ko ang ilaw sa guest room habang hawak ko ang takip ng kaldero at sandok. Malakas na hinampas ko iyon. Malakas na natawa ako dahil sa mabilis na pagbangon nila. Halos sabay sabay kasi sila kaya natawa talaga ako.
" Gumising na kayo mga sleepyhead! Anong oras na mga nakahilata pa kayo!" Sigaw ko sa kanila at muling pinukpok yung sandok sa takip ng kaldero.
Sinamaan nila ako ng tingin samantalang binato naman ako ni Patch at Jani ng mga unan nila. Nakarinig naman ako ng mura mula kay Sky. Tinawanan ko lang sila. Ang sarap pala sa pakiramdam na nakapang inis ka sa mga ginising mo.
" Lumabas na kayo dyan ha may hinanda na akong almusal." Sambit ko at malaks pang sinara yung pinto.
Nagtungo ako ng kusina para ihanda yung mga niluto ko ngayong umaga. Maganda ang gising ko dahil sobrang excited na akong makita siyang muli.
" Hindi talagahalatang excited amg babaeng toh. Akalain mo ganito pala ang nangyayare sa isang Zoelle. Ipagluluto ka." Pang aasar ni Patch sakin.
Inirapan ko lang siya. Kumuha ako ng mug para magtimpla ng kape ko. Nagsimula na rin kaming kumain nang dumating yung dalawang nakabusangot.
" Siguraduhin mong masarap tong niluto mo samin kundi isusumpa ko talagang hindi ka na magkakaasawa." Pagbabanta ni Sky sakin.
" Naku parating na nga yung mapapangasawa ko tsk!" Sambit ko at binelatan lang siya.
" Eh kung yun eh ikaw pa din ang gusto niya." Ganti nito habang hinihiwa yung itlog.
Natigilan naman ako dahil dun. Mukha namang natigilan din si Sky nang marealize nito ang sinabi niya. Kita ko rin ang pagsiko ni Patch sa kanya.
" Sorry, Z-" paghingi nito ng paumanhin.
Tumikhim lang ako at sinabing ayos lang. Nagpatuloy ako sa pagkain at pilit na iniiwasan sa isip ko ang bagay na yun. Ayokong sirain ang mood ko dahil dun masyado pang maaga.
Nang matapos naming kumain ay agad kaming nagtungo sa condo unit ng mag asawa. Habang naglalakd kami ay tahimik lang ang bawat isa. Marahil sa nangyare kanina kaya parang biglang nagkaron ng di maganda sa paligid.
" Good Morning bitches!" Bati samin ni Yumi na ang fresh sa umaga.
Mukhang iba ata ang epekto sa kanya kapag alam niyo na. Agad itong bumeso saming lahat. Kasunod nito ang asawa na as usual ay ganun pa din.
Sabay sabay kaming naglakad patungo sa parking lot. Bale yung Van ni Raegan ang gagamitin namin para magkakasama pa rin kaming lahat. Si Raegan na rin ang nagmaneho.
Habang nasa byahe ay unti unti na ring bumabalik yung masayang atmosphere. Nagkukulitan at asaran lang kami. Ang ilan ay natulog dahil na din sa pagkabitin nila kanina dahil ginising ko.
" Zoe ano nga palang balak mo kung sakaling makita mo ngayong araw si Vee?" Biglang tanong ni Yumi sakin na nasa front seat.
Tinignan ko siya at tila napaisip kung ano nga ba ang una kong gagawin pag nakita ko siya. Kung kanina ay pagkasabik ang nararamdaman ko ngayon ay kinakabahan ako. Kakausapin ko ba siya agad? Eh baka matakot sakin at umiwas.
BINABASA MO ANG
You Are Mine ( COMPLETED )
Romance[| Empire High Series# 1 |] This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Siya si Vienna Song a half chinese and Half Filipino. Taga pag mana ng kanilang kompanya na kilala sa buong...