Chapter 11

2.8K 90 3
                                    

VIENNA POV

Lumipas ang dalawang linggo na di pumapasok si Raegan. Ang balita sakin ni Patch eh pinauwi rin ito nung araw din na yun at sa bahay na lamang nagpahinga.

Kinokonsensya naman ako dahil sa mga natamo ni Raegan sa buong katawan ngunit mas nangingibabaw pa rin sakin yung galit ko.

Hindi ko pa rin matanggap na sa dinami rami ng tao sa mundo bakit yung kaibigan ko pa ang magiging karibal ko.

"Bakit ang lungkot mo?"

Napatingala naman ako sa taong bigla nalang umupo sa tabi ko. Si Zoe pala  agad na napangiti ako dahil sa nakakahawang ngiti nito sa mga labi. Ilang araw na rin na puro silang dalawa ni Patch ang kasama ko. Madalas din na kakulitan nito si Patch. Mas naging close pa sila kesa saming dalawa.

Masaya kasama si Zoe dahil kaya niyang makipagsabauan sa mga kalokohan ni Patch madalas din niya akong asarin tapos sa huli susuyuin. Sweet siyang tao na akala mo walang pinoproblema sa buhay. Yun nga lang eh hindi siya nagkukwento about sa buhay niya.  Sa tuwing nagtatangka kaming dalawa ni Patch na magtaning sa kanya ay agad niya itong iniiwas at gumagawa ng panibagong topic.

"Wala nagmumuni muni lang ako." nakangiting sambit ko.

"Hindi mo man sabihin nakikita ko naman sa mga mata mo na malungkot ka." Napatingin ako sa gawi niya hindi ko inaasahang nakatitig pala siya sakin.

"U-uhm nagm-mumuni m-muni lang talaga ako." Nagkanda utal utal pa ako dahil sa kabang nararamdaman ko. Masyado kasing nakakaba yung mga tingin niya sakin ngayon.

Normal na tingin lang naman yung ginagawa niya pero bakit ako naaakit? Hanggang ngayon nagagandahan pa rin ako sa mga mata niya. Pero natigilan ako nang makita ang mga mata niyang halatang may lungkot.

" Are you okay?" May pag alalang sambit ko.

Agad siyang napaiwas ng tingin sakin dahil sa tanong ko. Nag clear throat din siya at umayos ng upo. Pinagmasdan ko kung paano niya pilit na ngumingiti.

Hinila ko siya payakap sakin. Hinaplos ko ang likod niya pagbibigay ko ng comfort sa kanya.

"Kung ano man yang problema mo at ikinalulungkot mo magiging ayos din ang lahat." Sambit ko habang yakap pa rin siya.

Ang bango ng natural scent niya. Amoy siyang Vanilla. Kung pagsasamahin yung natural scent niya at yung mala marshmallow na hininga niya malamang na matatakam kang kainin siya.

Anong kainin pinagsasabi mo Vienna Song? Kainin talaga? Napakabalasubas mo namang mag isip babae ka.  Ang lungkot na nga nung tao naisip mo pa siyang kainin. Napaka Insensitive mong tao Vienna Song.

Agad akong humiwalay sa pagkakayakap sa kanya. Umayos ako nang upo na ikinagulat pa ni Zoe. Nakakahiya ang mga iniisip ko. Kung malalaman niya ang laman ng isip ko paniguradong mawiweirduhan siya sakin o mas worst eh layuan niya ako. Ano ba Vienna bakit ka ba nagkakaganito sa tuwing nalalapit sayo si Zoe.

"Hindi ba't dapat ko sayo sabihin yan? Magiging maayos din sa inyong tatlo ang lahat. At  kaya ako malungkot dahil malungkot ka. Ayokong makitang nagiging malungkot yung mga taong nasa paligid ko dahil pati ako apektado." Nakangiti siyang humarap sakin.

" Kaya wag ka nang maging malungkot. " Ginulo niya abg buhok ko.

Parang bata ako kung ituring niya. Napairap ako sa kanya pilit na tinatago yung kilig na nararamdaman ko. Ang weird lang dahil sa ganung aksyon niya naggawa niyang pakiligin ako.  Crush ko na ata ang babaeng toh.

Ganun nalang yun? Parang kelan lang eh umiiyak ka pa dahil kay Martinez, ngayon naman eh nagkacrush ka sa babaeng pinagseselosan mo lang dahil close silang dalawa.

You Are Mine ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon