Chapter 9

2.9K 100 16
                                    

Vienna POV

"Ang kulit mo, Zoe. Oo na nga bati na tayo kaya pwede ba tigil tigilan mo na ako dyan sa pangungulit mo." Napairap ako sa babaeng kanina pa hila ng hila sa laylayan ng damit ko.

"Eh galit ka pa rin oh. Tignan mo na iniirapan mo na naman ako." Nakayukong sambit pa nito na akala mo ay batang aping-api.

Aba naman akala ko ay si Skyler ang isip bata sa mga kaibigan ko. Mukhang nadagdagan pa ata nang isang sobrang cute sa pagiging childish.

Wala sa sariling napisil ko ang dalawang pisngi niya.

Sorry naman di ko na napigilan ang sarili kong pisilin yung malambot na pisngi niya. Ang cute niya kasi, siya lang yung taong pinanggigilan ko dahil sa kakyutan. Kapag si Sky kasi ang gumagawa ng ganito ang sarap sampalin, iumpog sa pader at higit sa lahat patayin.

Ang hard ko ba? Sorry but not sorry I'm just being honest. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko siyang magpaka isip bata. Hindi bagay sa kanya ang ganun act. Masyadong matured ang itsura niya para sa ganung pag-uugali.

Baka nga napagkakamalan na siyang baliw o kaya monggoloid kapag may nakakakita sa kanyang ganun siya. Madalas pa namang magponytail yun nang parang dalawang sungay.

"Oh! Ngayon tatawa tawa ka. Nak-kyutan ka na talaga sakin noh? Ang cute ko noh kaya di mo na napigilan ang pisilin ang pisngi ko at patawa tawa pa sa harap ko." Hindi ko namalayang hawak na pala niya ang dalawang kamay kong nakahawak pa sa magkabilang pisngi niya.

"Asa ka pa Zoe." Pagsisinungaling ko. Malamang hindi ako aamin sa kanya noh. Mamaya lumaki pa ulo niyan at asarin pa ako lalo.

"Sus deny pa Vienna Song, Leader of QB4." Pagdidiin niya pa sa huling sinabi na tila nang-aasar.

"Ah! ganon, baka nakakalimutan mong wala pang isang araw ang pagkakaibigan natin." Napapangising saad ko. "baka gusto kong magbago ang isip ko at matulad sa mga taong target ng bullies ngayon." Lalo akong napangisi dahil sa sinabi ko.

Para naman siyang natuklaw ng ahas dahil sa sinabi ko. Namumutla ang lumaki ang hugis ng mata niya dahil sa sinabi ko.

Halos gusto ko ng matawa dahil sa itsura niya pero wag muna gusto ko munang enjoy-in ang nakikita kong itsura niya.

"Ano Zoe mang-aasar ka pa?" Nakataas kilay kong sambit sa kanya.

Tila naman siya naggising dahil sa narinig. Nakita ko pa ang paggalaw ng lalamunan niyan indikasyon ng kanyang paglunok. Napailing nalang ako. Halatang natakot siya dahil sa sinabi ko.

"H-hindi na." Kagat labing sambit niya.

Aba! Kailangan ganun ka-hot kapag natatakot? Sana ay ganun din ako kapag natatakot diba. Shit tong babaeng toh sa kanya lang ako nakakita ng napapakagat labi kapag naduduwag.

Tinignan ko nang maigi ang labi niya. Nawala man ang pagkakagat niya sabi ay hindi naman nito nawala ang kulay ng kanyang labi. Hindi talaga siya naglilipstick. Natural kasing mapula ang labi niya. Sana lahaaaaat.

" U-uhm Z-zoe bakit k-ka nakatingin sa....." Hindi niya matapos ang gusto niya sanang sabihin.

"Saan?" Patay malisyang tanong ko.

Malamang na natetense siya dahil sa pagtitig ko sa labi niya. Awkward siguro para sa kanya na banggitin ang gusto niyang sabihin.

"W-wala hayaan m-mo na s---" hi di ko na hinayaan pang matapos ang gusto niyang sabihin. Siniil ko na agad ng halik ang labi niya.

Napapikit ako ng maramdaman ang lambot nang kanyang labi. Hindi ko inaasahang may lalambot pa pala sa kaysa sa marshmallow and kasing bango din nito ang hininga ni Zoe. Unti unti kong ginalaw ang labi ko upang lalong palalimin ang halikan namin. Hindi ko din inaasahang tutugon siya sa halik ko. Mas marunong pa nga siya kesa sakin.

You Are Mine ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon