Chapter 39

2.4K 61 0
                                    

VIENNA'S POV

Naggising ako sa liwanag ng araw na  nagmumula sa bintana. Napatingin ako sa katabi kong tulog pa rin hanggang ngayon. Nakayakap ito sakin habang nakaunan naman ako sa braso nito.

Napangiti ako dahil siya ang bumungad ng umaga ko. Sa tagal ng panahon na hindi kami nagkasama pinangarap ko toh na makatabi ulit siya at siya ang bubungad sa umaga ko.

Ngunit nawala ang ngiti sa labi ko ng mapansin ang pagtulo ng luha sa mata nito kahit na nakapikit naman siya. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ito gamit ang thumb ko.

Anong oras na kami nakatulog dahil sa nangyare kagabi. Alam ko kung gaano kasakit sa kanya yung huling sulat ni Ate Vanna sa kanya. Simula ng magpunta ako ng Canada at magstay sa pad ni ate Vanna dun ko napatunayan kung gaano niya kamahal si Zoe. May isang room don kung saan puning puno iyon ng mga gamit na naiwan ni Zoe. Nandun din ang mga litrato nilang dalawa pati na ang ilang gifts niya kay Zoe. Meron din itong pinta ng mukha ni Zoe. Siguro naggawa niya iyon kung kelan break na sila dahil may message din siya doon. Balak ko rin sana iyong iuwi dito sa Pilipinas pero naisip ko na ipakita nalang iyon lahat kay Zoe kung sakaling magpunta kami ng Canada. Hanggang ngayon kasi ay pag-aari pa rin naman iyon ni Ate Vanna kahit wala na siya. Best friend ni Ate Vanna ang nag mamay-ari ng condominium na iyon at hindi niya iyon hinayaang okupahan ng iba maliban sa pamilya Song.

" Good Morning." Rinig kong bati sakin ni Zoe kahit pipikit pikit pa ito.

" Good morning din." Napatingin ako sa kanya at nginitian siya.

Humalik ako sa noo niya at mas sumiksik siya ng yakap sakin kaya niyakap ko rin siya ng mahigpit. Kahit na bagong gising siya at uminom ng alak kagabi ay hindi pa rin nawala yung natural na amoy niya. Ang namiss kong amoy ni Zoe. Sa tagal ng panahon ay di man lang iyon nagbago.

" Kanina ka pa gising?" Tanong nito habang nakasiksik pa rin sa dibdib ko.

Umiling ako at sabay sabing. " Hindi kaggigising ko lang din. " Sagot ko sa kanya.

Humiwalay siya ng yakap sakin at tinignan ako. Tinignan ko lang siya ng may pagtatanong sa mukha dahil parang may gusto itong sabihin.

" So, totoo yung nangyare kagabi? " Tila ngayon lang nagsink in sa kanya na nandito ako sa tabi niya.

Napatawa naman ako dahil sa kakyutan niya. Nagtanong na siya sakin kanina tas ngayon lang nagsink in sa kanya yung nangyare kagabi. Pinisil ko ang pisngi niya dahil nanggigil ako sa kanya.  Pinalo niya ang kamay ko at napanguso pa.

" Aray! Masakit yun ha." Reklamo niya habang nakahawak sa pisngi niyang kinurot ko. 

" Ang kyut mo kasi nakakagigil ka." Nakangiting sambit ko sa kanya.

Inirapan ako nito bago umupo at tinali ang buhok niya. Umayos na rin ako ng upo at ninakawan siya ng halik sa pisngi na ikinatigil niya.

" Let's go sabay na tayo maghilamos at toothbrush bago lumabas." Aya ko sa kanya.

" M-mauna ka na." Utal pang sambit nito.

Napangisi naman ako dahil sa pagkautal niya. Lakas ng epekto ko sa kanya. Halatang ako pa rin ang gusto niya. Well kahit naman hindi na ako gagawa pa rin ako ng paraan para makuha siya eh.

Sus selos ka nga dun sa Hiraya kahapon eh.

Shut up innerself! Malamang na magselos ako noh syyempre akin lang si Zoe noh. Walang pwedeng umangkin sa kanya kundi ako lang. Dahil sa loob ng tatlong taon na umalis ako hindi naman nawala yung pagmamahal ko sa kanya.

" Wag ka ngang ngumingisi dyan mauna ka na." Pagtataboy nito sakin.

" Sabay na tayo para tipid sa tubig." Sambit ko.

You Are Mine ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon