VIENNA POV
Nandito kami ngayon sa Larqueza's bakeshop kung saan pagmamay-ari ng mga magulang ni Patch. Matapos ang hindi kapani-paniwalang nangyare kanina sa tapat ng Guidance office ay dumiretso kaming apat dito. Hindi na din ako tumuloy na puntahan ang matandang bakulaw sa kanyang opisina. Naalala kong hindi pala basta basta makakakuha ng kahit anong impormasyon ang kahit na sino hangga't hindi ko din makakausap yung taong kailangan ko. Kaya napag desisyunan ko nalang na magpa research sa taong inaasahan ng mga magulang ko pagdating sa mga ganitong gawain.
" I can't believe na hindi mo nasampal ang babaeng yon, Vee." Di makapaniwalang turan ni Sky.
" Yeah kahit ako, ano bang nagyare sayo? para kang nawala sa sarili mo at hinaplos mo pa yung pisngi ng Zoe na yon?" napa roll eye na sambit ni Patch habang kumakain ng strawberry cake.
Hays! kahit naman ako naguguluhan din. Kung bakit ganun nalang yung naggawa ko kanina para akong nahipnotismo ng babaeng yon. Ang masaklap pa doon ay muntik ko na siyang mahalikan sa harap pa mismo ni Mayumi, Si Mayumi na siyang tanging babaeng gusto ko. Hindi ko alam kung paano pa ako haharap sa kanya matapos ng nangyareng yon.
" I don't know." Naiiritang sambit ko at humigop sa chocolate shake na inorder ko. Naiirita ako sa hindi ko malaman na dahilan. naiirita ba ako dahil sa naudlot na halik na sana mula kay Mayumi o yung sa Zoe na yon? Hayst ewan!
"Pero alam mo Vee mas bagay kayo nung Zoe." Nakangiting sambit ni Skyler matapos magselfie sa kanyang cp.
Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Paano naman niyang nasabi na bagay kami nung Zoe na yon?
" Oo nga Vee mas may chemistry pa kayo yiieee." Pang aasar sakin ni Patch at sinundot pa ako sa tagiliran.
Napairap nalang ako sa mga pang aaswr nilang dalawa at sa hindi inaasahang pangyayare ay may nahagip ang magagandang mata ko sa entrance ng bakeshop nila Patch.
Psh! Sa lahat ng pupuntahan nilang dalawa dito pa talaga sa lugar kung saan naroon ako. Wala bang ibang bakeshop sa lugar namin at dito pa nila mas piniling pumunta. Napakuyom ako ng kamao ko ng makitang umupo sila malapit samin at tila masaya pang nag uusap ang dalawa.
" And speaking of." May tono ng pang aasar na din ni Raegan sakin. I rolled my eyes on her. Isa pa itong babaeng toh. " Oh! You jealous Vee?" Ngingiti ngiti pang sambit na naman niya.
" Shut up!" Inis na tumayo ako at naglakad na paalis sa table namin. Nakakainis sirang sira talaga ang buong araw ko.
Nang malapit na ako sa pwesto ng table nila Mayumi nakita kong napatingin sakin si Zoe. Tinaasan ko siya ng kilay ko na siyang kinayuko niya. Tss! Ipagpapalit nalang ako ni Mayumi sa isang weak pa? Argh! I hate her!
Lumabas ako ng bakeshop ng sobra sobra ang pagkakabadtrip!
Inilabas ko na yung susi ng kotse ko nang bigla nalang may taong bumangga sa likuran ko. Naramdaman ko ang malamig na tubig na tumapon sa likuran ko. Pagkaharap na pagkaharap ko palang agad na dumapo ang malakas na sampal sa lalaking nakatapon sakin ng Orange juice.
Tinignan ko from head to toe yung lalaking nakabangga sakin at base sa suot nitong uniporme ay halatang cheap ang eskwelahan na pinapasukan nito.
"Are you blind? Look what you've done jerk! Argh! Alam mo ba kung gaano kamahal ang uniporme na toh ha! Kulang pa ang 5 taon na sahod ng magulang mo para mabayaran ang unipormeng ito! Tapos tatapunan mo lang!" Nanggagalaiting sambit ko dun sa lalaking hanggang ngayon ay nakayuko lamg habang hawak hawak ang pisnging sinampal ko.
Napasuklay ako sa buhok ko dahil sa frustration. Pinipilit kong kalmahin yung sarili ko na sumabog dahil sa pagkakabadtrip ko ngayong araw.
" I-im sorry, Miss." Nakayukong sambit ng lalaki.
BINABASA MO ANG
You Are Mine ( COMPLETED )
Romance[| Empire High Series# 1 |] This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Siya si Vienna Song a half chinese and Half Filipino. Taga pag mana ng kanilang kompanya na kilala sa buong...