Chapter 8

3K 102 15
                                    

Vienna POV

"V-vienna." Utal na sambit ni Raegan sa pangalan ko.

Bakit kailangan niyang mautal sa pagbanggit sa pangalan ko? Ano bang meron at mukha siyang natatakot na makita ako dito sa tapat ng pintuan nang kanyang unit.

Di niya rin malaman kung lalapit ba siya sakin/saming dalawa ni Mayumi. Masyadong halatang kinakabahan siya sa hindi ko malamang dahilan.

Ano nga ba talagang ginagawa ni Mayumi dito? Anong kailangan niya kay Raegan at nagtyatyaga siyang maghintay  dito mismo sa tapat ng unit ni Raegan na kinatulugan niya pa.

Tinignan ko ang mukha ni Mayumi. Katulad kanina ay malalim pa din ang paghinga niya. Mukhang pagod siya kaya kahit masakit sa katawan ang posisyon ng pagtulog niya ay balewala nalang sa kanya dahil ang himbing pa din niyang matulog.

Maingat kong inangat ang ulo niya pasandal sa pader. Muli akong nag iwan ng halik sa noo niya bago maingat na tumayo upang hindi siya magising sa paggalaw ko.

Tinignan ko si Raegan sa kinatatayuan niya. Nag iwas siya ng tingin sakin. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko sa sandaling ito. Parang may isang sikreto mula kay Raegan ang bigla nalang guguho sa mundo ko at yun ang pinaka ayaw kong malaman. Hindi ako handa sa kung anuman ang ipapaliwanag ni Raegan.

Naglakad ako patungo sa unit ko. Akmang papasok na ako ng magsalita si Raegan.

" I'm sorry."

Mariin akong napapikit dahil sa sinabi niya. Bakit siya nagsosorry? Para saan?

" I'm sorry kung di ko nasabi yung tungkol samin ni Yumi." Napamaang ako dahil sa sinabi niya. Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko dahil sa narinig ko mula sa kanya.

So all this time may namamagitan sa kanila? May lihim siyang gusto sa babaeng mahal ko? Na akala ko ay suportado niya ako sa pagkakagusto kay Mayumi.

Alam niya kung gaano ko kagusto si Mayumi. Alam niya kung paano ako mangstalk, mag iwan ng love letters and flowers sa locker ni Yumi. Alam niya lahat lahat ng ginagawa ko para makuha ko si Yumi. Tapos siya pala itong karibal ko nang hindi ko namamalayan. Siya pala ang magiging hadlang para makuha ko si Yumi. Bakit siya pa? Bakit?

Hindi ko namalayan na may pumatak na palang luha sa mga mata ko. Agad ko itong pinunasan bago humarap kay Raegan.

" So, anong meron sa inyong dalawa!? Bakit kailangan mong gawin sakin toh? Ano bang ginawa ko sayo, Raegan? Alam mo kung gaano ko kamahal si Mayumi. Alam mo kung gaano ko siya kagustong maging akin. Lahat ng ginagawa kong pangungulit, pag iwan ng kung anu ano sa locker niya alam mo! Tapos ganito? Sa lahat ng tao ikaw yung hindi ko inaasahang aahas sakin. Napaka sama mo Raegan!" Sinampal ko siya at hinampas sa dibdib niya.

Sobrang sakit na yung tinuring mong kaibigan at kapatid siya pang tataksil sayo. Siya pang mananakit sayo ng sobra sobra. Kaya pala sa tuwing titingin ako sa kanya lagi niyang iniiwas yung tingin sakin. Para niya akong sinaksak patalikod.

"Napakasama mo!" Patuloy pa din ang paghampas ko sa kanya habang umiiyak.

Akmang yayakapin niya ako pero bago niya pa maggawa yun ay tinulak ko na siya.

" V-vee pls listen to me first. " Sambit niya.

Halata din sa boses niya ang lungkot pero hindi dapat ako magpa epekto sa lungkot na yun. Ako ang pinag-sinungalingan dito. Ako ang inagawan dito. Ako ang sinaktan dito.

Masamang tingin ang pinukol ko kay Raegan. Hinding hindi ko siya mapapatawad. Humanda siya dahil sa ginawa niya.

" R-rae? " Napatingin ako mula kay Yumi na halatang kagigising lang. Paniguradong naggising siya sa ingay namin ni Raegan.

You Are Mine ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon