Vienna POV
"Paanong nangyareng nainlove ka kay Janicka? Tsaka diba alam mo naman na gusto ni Aikee si Janicka?" Sunod sunod na tanong ko kay Patch.
Nandito kaming dalawa ngayon sa Penthouse niya. Nauna ng umalis sila Skyler at Raegan dahil na rin may importante din silang gagawin.
At mas mabuti na rin na kaming dalawa nalang muna ni Patch ang mag-usap.
Napayuko siya mukhang nahihirapan siyang sagutin ang mga katanungan ko.
" I'm sorry,Vee. Pinipigilan ko naman na wag mahulog kay Janicka eh. Kasi alam kong gusto siya ng pinsan mo na kaibigan ko din. Pero habang kasama ko siya hindi ko maiwasan na hindi magkagusto sa kanya. Lalo na nitong mga nakaraang araw eh kasama ko siya dahil sa paggawa ng project namin. Tsaka simula pa naman talaga nung mga bata pa tayo crush ko na siya. Pero nung malaman kong gusto din pala siya ni Aikee pinigilan ko yung nararamdaman ko." Maluha luhang sambit ni Patch.
Napabuntong hininga ako at binigay sa kanya yung panyo ko. Mukhang mahihirapan ako nito lalo na kapag nalaman pa ito ni Aikee. Hays! Anong gagawin ko kung sakaling magkagulo nga silang dalawa?
"Pero diba kaya nga sila umiwas satin nila Tobi dahil nalaman nilang bisexual si Aikee. Eh paano kapag nalaman din niyang isa ka din? Anong gagawin mo? Panigurado kasi na iiwasan ka din niya, Patch." Mahinahong sambit ko sa kanya.
"H-hindi ko alam, Vee. Isipin ko palang nasasaktan na ako." Tuluyan ng umiyak si Patch sa harapan ko.
Niyakap ko nalang siya hindi ko naman kasi alam kung anong magandang sasabihin ko sa sitwasyon niya.
Ang hirap ng sitwasyon na meron si Patch ngayon. Kaibigan din kasi ang karibal niya sa taong gusto niya. Pero yung taong gusto nilang dalawa eh homophobic hindi nila alam parehas kung ano ba ang dapat gawin. Lalo na ni Patch malamang na natatakot din siya kapag nalaman ni Aikee ang totoo.
°°°°°°
Nagpasundo ako kay Manong Inggo mula dito sa Penthouse ni Patch. 8 pm na kami natapos na magkwentuhang dalawa hinintay ko na ding makatulog siya bago ako tuluyang umalis.
Napahinto ang sasakyan namin sa may bandang park. Napatingin ako sa mga taong kahit gabi na eh nandito pa din. May mga batang naglalaro kasama ang kanilang pamilya at meron ding magkakasintahan na kung maglandian eh parang walang mga bata sa paligid nila.
Napairap nalang ako dahil sa mga couples na sobra sobra kung mag PDA. Napadako ang mata ko sa dalawang babaeng pamilyar sakin na nakaupo sa bench at may kung anong kinakain na nakalagay sa gitna ng upuan nila.
Halatang masaya silang dalawa base na din sa mga nakikita ko. Tsk! Tusukin ko yang mga mata nila dyan eh.
" Manong pakihinto nga sa tabi may gagawin lang ako." Sambit ko kay Manong Inggo.
Agad na ginilid ni Manong ang sasakyan at dali dali akong lumabas ng kotse. Tila nagmamadali din akong lumapit sa dalawang babaeng wagas kung magharutan.
" Psh! Pagkatapos mong landiin si Mayumi kay Janicka naman ngayon? What a slut!" Inis na sambit ko.
Napalingon sila saking dalawa nakita ko ang gulat sa mga mata nilang dalawa. Tinitigan ko ng masama si Zoe na agad napayuko ng makita akong masamang nakatingin sa kanya.
"Anong pinagsasabi mo Vienna?" Nakakunot noong tanong ni Janicka sakin.
" Yan! Yang babaeng yan! Pagkatapos niyang landiin si Mayumi eh ikaw naman ngayon ang target niya. Two timer! Slut! " Inis na sambit ko habang nakaturo pa kay Zoe.
Napaangat ng tingin sakin si Zoe. Tila naman ako nakaramdam ng tusok sa dibdib ko dahil sa nakikita kong sakit sa mga mata niya.
Malamang na masasaktan siya sa sinabi ko dahil tama naman. May kasabihan nga na Truth hurts. Tsk.
BINABASA MO ANG
You Are Mine ( COMPLETED )
Romance[| Empire High Series# 1 |] This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Siya si Vienna Song a half chinese and Half Filipino. Taga pag mana ng kanilang kompanya na kilala sa buong...