Special Chapter

2.9K 58 0
                                    


Vienna Song

Tanghali na ng makalapag ang private plane na pagmamay-ari ni Serenity. Napahinga ako ng malalim ng malanghap kong muli ang hangin ng Pilipinas. Talagang masasabi kong nasa Pilipinas na ako dahil sa ingay ng paligid.

" Nandun na raw sila sa venue sabi ni dad." Turan ni Serenity na siyang nakaupo sa tabi ko rito sa likod.

" I see." Walang kagana ganang sambit ko.

Pinakikiramdaman ko ang sarili ko. Sa tagal ng panahon na wala ako rito marami ng nagbago. Marahil pati ang mga kaibigan ko maaaring nagbago na rin siguro ngayon successful na rin sila o di kaya masaya na ang lovelife nila. Sa tagal ko sa ibang bansa di ko na naggawang makibalita pa sa kanila.

Ang tanging ginawa ko lang dun ay ang ipagpatuloy ang pag aaral ko at maghilom. Di naman ako nabigo dahil sa ngayon kaya ko na silang harapin lalo na ang nag iisang babaeng matagal ko ng gustong makita at makasama.

Sana ay ako pa rin, Sana hinintay niya ako kahit na malaki ang pagkukulang ko sa kanya lalo na umalis ako ng walang paalam. Kung galit man siya sakin ay tatanggapin ko ngunit hindi ko matatanggap kung may iba na siya.

" Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Seren sakin.

Tinignan ko siya at marahan na ngumiti. Ramdam kong tumulo ang luha sa pisngi ko kaya mabilis ko itong pinunasan.

" Don't cry mahal ka nun." Pagbibigay lakas loob nito sakin.

Hinawakan nito ang kamay ko at pinisil ito. Sana nga mahal niya pa rin ako.

" I have a plan." Nakangising sambit nito.

"Ano naman yon?" Nagtatakang tanong ko.

" Para malaman natin kung mahal ka pa na niya edi pagselosin natin." Suggestion nito.

Mabilis na pinalo ko ang ulo niya. Sa dami ng pwedeng isuggest bakit yun pa. Eto talagang batang toh napaka immature pa rin talaga ng isip kahit nasa 23 yrs old na siya.

" Aray bakit kailangan manakit?" Sambit nito habang sapo ang ulo niya.

" That's so lame." Asik ko at inirapan siya.

" Lame but effective." Ngumisi rin ito. " Bahala ka basta gagawin ko ang plano ko. Wag mo lang sisirain dahil di magiging successful yon. "

" Bakit pa kailangan gawin yun kung pwede ko naman siyang tanungin ng direkta?" Pagmamayabang ko pa.

" Then ask her sa tingin mo ba sasagutin ka nun ng maayos? Sa ginawa mong pag iwan sa kanya sa tingin mo di yun galit sayo? Baka nga di ka nun pansinin." Asik niya.

Napaisip naman ako dahil sa sinabi niya. May punto naman din. Baka kapag sinubukan ko palang lumapit sa kanya eh iwasan na niya ako.

Lumipas ang ilang oras at halos maggagabi na kami nakarating ng Montero's Resort. Maraming nakaparadang sasakyan sa parking marahil marami na ngang tao ang nandito.

Agad kaming bumaba ng sasakyan at nagtungo sa lobby kung nasaan ang parents ko with grandmom na maganda ang pagkakangiti samin. Agad kaming bumeso sa kanila. Kaunting kamustahan lang bago kami nagtungo ni Seren sa kwartong inilaan saming dalawa.

Agad akong nagtungo ng banyo upang magpalit ng dress. Kailangan na maging presentable ako dahil ngayong gabi ang special na mangyayare sa buhay ni Ate Psyche at Ate Deb. Simula ng malaman ko ang lahat ng nangyare unti unti ay naging close kami ni Ate Deb nandun pa rin ang bitchesang attitude namin sa isa't isa pero di na gaya dati.

" Wow pinaghahandaan mo ba siya? Ganda natin tonight ha." Pang aalaska ni Seren sakin.

Inirapan ko lang siya. Isa rin naman yun sa rason kung bakit ganito ang supt ko. Gusto kong makita niya akong maganda. Alam kong matagal naman na akong maganda gusto ko lang na mas magandahan siya sakin para mabilis ko siyang mapabalik sakin.

You Are Mine ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon