Chapter 26

2.2K 59 1
                                    

VIENNA POV

Lumipas na ang isang linggo simula nung nangyareng gulo sa Empire high. Isang linggo na rin kaming walang pasok dahil ayun ang bilin ng may-ari ng Empire high para na rin sa kaligtasan ng mga estudyante at ilang na trauma dahil sa nangyare.

Isang linggo na rin ako narito sa condo mas lalong nadagdagan ang security na  nagbabantay sakin ngayon at kahit saan ako magpunta. Meron na rin akong mga bodyguards para na akong isang prinsesa ng bansa dahil sa dami nila.

Nung una ay tumanggi ako sa dami ng bodyguards ko ngunit wala akong maggawa dahil sa utos ni Ate Vanna. And speaking of her isang linggo na rin ang nakalipas simula ng gabing banggitin niya ang salitang gumugulo sa isip ko.

" I know she can protect you but you can't be together."

" I know she can protect you but you can't be together."

" I know she can protect you but you can't be together."

Gulong gulo ako dahil sa sinabi niyang yun. Una, Parang siguradong sigurado siyang maggagawa nga ni Zoe na maprotektahan ako para bang kilalang kilala niya ang pagkatao ni Zoe. Pangalawa, Bakit naman hindi pwedeng maging kaming dalawa? anong dahilan ang pumipigil para hindi kami pwede? Kung dahil sa ayaw niya lang kay Zoe para sa akin ay hindi niya ako mapipigilan sa kung sinong gusto ng puso kong makasama.

Sobrang nabuburyo na ako rito sa loob ng condo ko. Halos lahat ng pwedeng paglibangan ay ginawa ko na ngayong araw pero sobrang nabuburyo pa rin ako. Gusto kong gumala ngayon kasama ang mga kaibigan ko ang kaso ayoko namang may kasama akong mga bodyguards baka pagtawanan pa ako nila Sky at Patch dahil sa sobrang dami nila. Di ko naman pwede iutos na dalawa lang ang magbantay sakin dahil si Ate Vanna ang sinusunod nila.

Napabuntong hininga ako habang nakabaliktad ang ulo ko sa sahig at ang mga paa ko ay nakatungtong sa sandalang ng sofa. Hindi halatang buryong buryo na ang itsura ko ngayon.

Napabalikwas ako nang tumunog ang ringtone ng cp ko senyales na may tumatawag. Agad ko itong kinuha mula sa ibabaw ng table na nandito sa sala. Tinignan ko kung sino ang caller.

Skyler Calling....

Agad ko itong sinagot nang makitang si Sky naman pala ang tumawag.

" What now, Bitch?"  bungad ko.

" Well hello to you too, Bitch!" Pagtataray ni Sky.

Tumaas lang ang isang kilay ko dahil sa tono niya. Nagtataray pa ang babaeng ulap na toh sampalin ko siya ng sampung beses eh ganitong nuryong buryo ako baka siya pa mapagdiskitahan ko.

" I'm not in the mood so stop wasting my precious time, Bitch!" Pagtataray ko rin sa kanya. " Why do you call, Crazy bitch?"

" Because, were here outside your unit bitch!" Sambit niya.

Agad akong napatayo dahil sa sinabi ni Sky. Dun ko lang narinig na may mga tao nga sa labas ng unit ko. Mukhang di sila pinapapasok ng body guards ko dahil naririnig ko mula sa loob ng unit ko na nakikipagtalo si Janicka sa labas.

Agad akong nagtungo sa pinto upang pagbuksan sila ng pinto. Pagkabukas ko ng pintuan ko ay bumungad sakin ang pagkakasalubong ng kilay ni Janicka habang nakatingin sa isang body guard na nakatayo sa labas. Halata ring inaawat
siya nila Raegan dahil nakaharang sa bandang tyan niya ang mga kamay nila Raegan at Patch samantalang si Sky naman eh nag aayos na naman ng bangs niya habang nasa tenga niya pa rin ang cp niya. Kahit kelan talaga ang babaeng toh. Si Yumi naman ay saktong kalalabas lang ng unit nila ni Raegan.

" Sa wakas lumabas ka rin, Bitch!" Tila naman nabuhayan ang mukha ni Sky nang makita ako sa pinto ng unit ko.

" What's going on here?" Takang tanong ko.

You Are Mine ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon