Chapter 7

3.2K 100 8
                                    

Vienna POV

Hanggang sa pagpasok ko ng klase lalong nadagdagan ang masamang pakiramdam ko simula ng makita ko siya sa cafeteria.

Hindi ko din maiwasang sumulyap sa kanya kanina at lalo lang din akong nagiguilty dahil sa nasabi ko sa kanya ng gabing iyon. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko lalo at walang katotohanan yung paratang ko sa kanya.

Hayst! Naman ano nang gagawin ko? should I say sorry to her ba? Eh kaso paano ako magsosorry sa kanya? Nihindi ko nga alam kung saan siya madalas nagpupunta.

Tsaka teka nga! Bat ko nga ba siya iniisip ng ganito? Diba dapat wala naman na akong paki-alam kung nasaktan ko nga siya. Kasi ganun naman talaga ako diba? Walang pake sa nararamdaman ng iba.

TAMA wala dapat akong pakialam sa kanya. Wag ka ng mag isip ng kung ano ano Vienna hayaan mo na siya. Wag mong Stress-in yung sarili mo tungkol sa kanya.

Argh! Nakakainis! Bat ba ako nagkakaganito sa kanya? It's so fxcking weird.

Nagising ako sa malalim na pag-iisip ng biglang may nagsalita sa harap. Si Prof Salazar lang pala, Ang Lecturer namin sa subject na Humanities.

Napakunot noo akong tumingin sa kanya na tila nagtataka at paniguradong ganun din ang itsura ng mga kaklase kong may kanya kanyang ginagawa. Napatingin din ako sa Relong suot ko. It's 7am palang at hindi pa siya ang Prof namin ng ganitong oras. Well, Wag nalang pansinin baka naligaw lang ang matandang prof namin.

" Good Morning, BM-Class A, may I have your attention." Sambit nito sa gitna.

Agad na nagsibalikan sa kanya kanyang upuan ang mga kaklase ko  at lahat kami ay nag-aabang sa kanyang sasabihin.

" There's a announcement from HRM department and nandito sila para sabihin ang impormasyong iyon." Sambit ni Prof Salazar.

Napatingin naman kami sa tatlong estudyanteng pumasok sa classroom namin. Tila naman bumilis ang kabog ng dibdib ko pagkakita kong muli sa taong nagpapagulo ng isip ko ngayong araw. Siya ang nangungunang pumasok sa kanilang tatlo. Marahil siya ang lider ng grupo nila.

May hawak siyang mga papers sa kanang kamay niya. Nakayuko ito na tila ba nag iisip pa sa kung anong dapat na sabihin.

Inangat niya ang kanyang mukha ng makapunta na siya sa gitnang bahagi ng classroom namin. Nakangiti itong humarap sa klase ngunit ng makita niya ako unti unting nawala ang pagkakangiti niya.

Agad siyang nag-iwas ng tingin sakin. Nakaramdam naman ako ng pagkirot sa dibdib ko dahil sa ginawa niya. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa ballpen ko dahil sa guilt na nararamdaman ko.

She cleared her throat.

" Good Morning to all of you, I'm Zoe Dela Fuente from HRM department. We came here to tell that HRM Department and of course your Department will have a participation this coming ******* day to celebrate the 25th anniversary of our beloved school.  So I hope all of you will cooperate with us. That's all any question?" Sambit niya at ngumiti pa sa klase namin.

Wala namang nagtangkang magtanong sa kanya. Parang halos lahat ng kaklase ko ay natulala sa kanya mapalalaki man o babae ay parang na-hipnotismo niya.

Tulad nga nang sabi ko noon ay may british accent siya sa tuwing magsasalita siya at lalo lang iyong gumanda sa pandinig ko ngayon na nag-english pa siya.

"Anyone?" She asked again.

But again wala pa ding nagtatangkang magtaas ng kamay para magtanong sa kanya. Bumuntong hininga ako at naglakas loob na tumayo. Dapat na may gawin ako.

You Are Mine ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon