Zoe's POV
" There's a bad news and a good news, Madam."
Bungad sa amin ng isa sa mga police officer habang tahimik kaming naghihintay sa sasabihin nito.
" The good news is nahanap na namin ang yateng ginamit ng mga suspect. Ito ay nasa dalampasigan ng Ile Island." Pagbibigay alam nito samin. " And the bad news is wala kaming nadatnan doon. Mahihirapan tayong hanapin sila dahil wala pa tayong lead sa kung sino ang dumukot sa kanya."
Napabuga ako dahil sa balita nito. Aanhin ko yung good mews na binalita niya kung wala rin namang saysay? Kung sinundan ko lang siya kagabi ay hindi sana ito mangyayare. Dapat hindi ko siya hinayaan, dapat hindi ako naging kampante kahit na maraming security ang nakabantay sa isla.
Vienna, Mahal ko nasaan ka na ba?
" Is there anything else? I mean wala man lang ba talaga tayong pag-asang mahanap siya?" Nag-aalalang sambit ni Sky.
Napatingin sa kanya yung police officer at lahat din kami ay naghihintay sa isasagot niya. Umaasa akong may ibang paraan pa para mahanap namin siya.
He fake a cough bago kami tignan isa isa lalo na sa kapatid nitong kanina pa nakakunot ang noo. Tila hindi ito natutuwa sa ibinalita ng police officer kanina.
" Ang tanging pag-asa na lamang natin ay makatanggap ng tawag mula sa mga kidnappers para matrace ang kinaroroonan ng mga ito." Sagot nito sa tanong ni Sky.
Napabuga muli ako ng hininga, sa ngayon ay medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi nito. May posibilidad pa na mahanap namin siya. Umaasa akong tumawag ang mga kidnapers na iyon para sa ransom ma hihingiin nila. Handa akong magbigay ng magkano para sa buhay ng babaeng mahal ko.
" Meron ba sa inyo ang nakatanggap na ng tawag mu--." Naputol ang sasabihin sana ng Police officer na kaharap namin nang biglang may pumasok na isa pang police at may hawak itong cellphone.
" Excuse me, Sir." Sambit nito at sumaludo pa sa police officer na kaharap namin. " Sergent Dela Cruz is on the line."
Agad na iniabot ito ng police officer upang kausapin ang taong nasa kabilang linya. Lahat kami ay nakatingin sa kanya naghihintay sa ibabalita nito. Umaasa akong tungkol ito sa kaso ni Vee ang pinag-uusapan nila.
Matapos ng pag-uusap nila ay agadna ibinalik nito ang cp sa kasamahang pulis. Tumingin ito samin lalo na kay Vanna na tila ba may nais ipahiwatig rito. Kinakabahan ako dahil sa tagal ng sasabihin nitong mamang pulis na ito.
" Nalaman na namin kung saan naglulungga ang mga kidnapers kasama ang kapatid mo, Madam." Sambit nito habang nakatingin pa ein kay Vanna.
Nagkaron ng kung anong saya sa dibdib ko dahil sa sinabi ng Police. Sa wakas ay nahanap na rin nila kung nasaan si Vee. Salamat at hindi na kami maghihintay pa ng matagal upang mahanap siya.
" We need to go there." Sambit ni Vanna.
" Masyado hong delikado para sa inyo ang sumama." Sambit ng Police.
" I can protect myself than you do." Cold na sambit nito.
Walang sali salita pang lumabas ito ng silid. Tila naman napapahiyang napahawak sa batok niya ang police dahil sa sinabi ni Vanna.
*Fake cough* "Mauuna na kami." Sambit ng pulis.
Bago pa man ito tuluyang lumabas ng silid ay nagsalita na rin ako. Hindi ko makakayanang maghintay lang rito. Kailangan na may gawin ako upang iligtas siya.
" Sasama ho ako." Sambit ko.
Tinignan ako ng dalawang pulis. Sinuri din nila kung seryoso ba ako kaya naman timatagan ko yung loob kong tignan sila ng seryoso. Nagkatinginan silang dalawa ma tila ba nag-uusap gamit ang mga mata nila.
BINABASA MO ANG
You Are Mine ( COMPLETED )
Romance[| Empire High Series# 1 |] This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Siya si Vienna Song a half chinese and Half Filipino. Taga pag mana ng kanilang kompanya na kilala sa buong...