Vienna POV
Maaga akong bumangon para mag ayos ng sarili ko. Lunes na ngayon at kailangan na maaga kaming pumasok ngayon sa Empire High sinabi rin kasi sakin ni Zoe nung gabi na iyon na susunduin niya ako.
Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang tawag niya sakin at hanggang ngayon ay iyon na ang tinatawag niya sakin mula sa text hanggang sa tawag. Nang matapos kong gawin ang daily routine ko ay agad akong pumunta sa dining area namin.
" Good morning!!!" Hyper na bati ko kay Nanay Doris na halos mapatalong sa gulat. Buti na lamang at basong walang laman ang dala nito kundi ay baka naitapon nito ang laman niyon.
Mabilis na yumakap at humalik ako sa pisngi ni Nanany Doris. Nang akmang uupo na ako ay ako naman ang halos mapatalon sa gulat dahil nandito ang Ate Vanna ko kasama ang lintang gf nito.
" Good morning." Bati sakin ni Ate Vanna habang naka crossed arms ito at naka dikwatro pa.
" Good morning din." Bati ko na lang din sa kanya at di na pinansin pa ang kasama nitong halatang kaplastikan ang ngiti.
Nang maihain ni Nanay Doris ang mga pagkain ay agad akong kumain. Tahimik lamang ako sa pagnguya ng kinakain ko nang magsalita si Ate Vanna.
" You should stay at your pad." Sambit nito nang hindi man lang ako nililingon tanging sa kinakain lamang niya siya nakatingin.
" And why?" I asked and crossed my arms.
" Do what I say, You should stay there at your pad." She said coldly.
I shrugged my shoulder and take my things. Bago pa man ako makatayo nang tuluyan ay para akong binuhusan ng malamig na yelo sa aking narinig.
" Nasa panganib ang buhay nating dalawa." Parang bombang sumabog sa ulo ko ang sinabi niya. Tinignan ako ni Ate Vanna at ngayon ko lang napansin ang itsura nito.
Katulad ng itsura ni Zoey nung nakaraan. Nangangayayat ito ngunit namumula ang mga mata nito na halatang galing sa pag iyak. Halata rin ang eyebags nito na marahil sa kakulangan ng tulog.
Para naman akong tinakasan ng dugo dahil sa sinabi ni Ate Vanna. Mabilis na napaupong muli ako sa aking kinauupuan kanila lamang. Paanong mangyayare na nasa panganib ang buhay naming dalawa? Sa pagkakaalala ko ay wala naman akong nabully in the past na anak ng sindikato or what, o baka meron?
Pero kung sakali man na meron nga ay hindi naman hindi naman dapat madamay si Ate Vanna doon. At kung maaring meron man ay sila Nico mismo ang dapat na unahin ng mga ito dahil hindi ko kontrolado ang ginagawa ng mga iyon.
" P-paano?" Nauutal na sambit ko.
" I can't tell by now. But promise me you stay at your pad after your class. Understand?" Sambit ni Ate Vanna at ngumiti ito sakin na nagpapahiwatig na magiging maayos din ang lahat.
" And stay away from Zoey. " Pahabol nito.
Nagtatakang lumingon ako sa kanya pati na rin ang lintang girlfriend niya ay nababakasan nang pagkabigla. Pinanuod ko ang reaksyon ng mukha nito. Na weirduhan ako sa reaction niya dahil para itong nasaktan dahil sa sinabi ng ate Vanna ko.
" At bakit ko gagawin yun?" Nagtatakang sambit ko.
Hindi ko kayang iwasan muli si Zoey. Ngayon pa bang ayos na ulit kami? Kung kelan magkikita ulit kami at magkakasama sa iisang lamesa para sabay na mag lunch eh tsaka ko pa gagagwing iwasan siya?
BINABASA MO ANG
You Are Mine ( COMPLETED )
Romansa[| Empire High Series# 1 |] This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Siya si Vienna Song a half chinese and Half Filipino. Taga pag mana ng kanilang kompanya na kilala sa buong...