VIENNA POV
"Ms. Psyche Kaze is Missing" Rinig kong balita mula sa TV na nasa sala namin. Hindi ko na inintindi pa yung balita na yon dahil wala naman akong paki dun at kung sino man yung taong nawawala na yun Tsk.
Dumiretso ako sa ref namin para kumuha ng juice and sandwich ko for my breaksfast.
"Good Morning, Anak." Bati ni Yaya Doris.
Anak na ang tawag niya sakin dahil siya naman na talaga yung nag alaga sakin mula pagkabata ko palang. May Dalawang anak din naman si Yaya Doris sila Kuya Matt at Ate Donna sabay niya kaming tatlong inaalagaan nun. Matanda lang sila sakin parehas ng dalawang taon. Yep they are twins. Kaso nasa probinsya na sila nakatira ngayon. Miss ko na sila Kuya Matt at Ate Donna para na kasi talaga kaming magkakapatid na tatlo.
May kapatid din naman ako si Ate Vanna kaso nasa Canada siya ngayon dahil dun niya mas piniling mag aral. Hindi kami masyadong close ng kapatid ko dahil sa grandparents namin niya mas piniling tumira nung mga bata palang kami hanggang ngayon. Ang Parents naman namin ayun mas piniling tumatanda nalang na puro trabaho ang inaatupag nila. At nang dahil din sa puro trabaho nila malayo din ang loob ko sa kanila. Sa tuwing uuwi nga sila dito ay hindi ko sila gaanong kinakausap kasi nga hindi ako kumportableng kausap sila. Sobra sobra ang tampo ko sa kanilang tatlo lalo na sa Ate ko. Imbes na siya ang makasama ko dahil busy ang parents namin mas pinili niya pang lumayo.
"Good Morning din po, Nay." Nakangiting sambit ko at humalik pa sa pisngi niya. Dahil nga kay Yaya Doris ako lumaki ay nanay na din ang tawag ko sa kanya.
" Mukhang maganda ang gising ng anak ko." Nakangiting sambit ni Yaya. ngumiti nalang din ako sa kanya." Mag almusal ka na at baka malate ka pa."
"Opo, Nay sabayan niyo na din po ako sa pagkain." Sambit ko.
"Mauna ka na at magpaplantsa pa ako ng mga damit mo sa itaas. Pagkatapos mong kumain magpahatid ka na kay Inggo." Tukoy niya kay Kuya Inggo ang driver ko since Elementary pa ako.
"Opo, Nay." Nakangiting sambit ko na lang at nagsimula ng kumain.
Nang matapos akong kumain ay nagpahatid na nga ako kay Kuya Inggo sa Empire High. Ang Empire high ang mas kilalang paaralan sa lalawigan ng Rizal. Dito nag aaral ang mga Anak ng mga sikat na business woman/man, sikat na anak ng mga politicians o kung ano pa man. Karamihan sa mga estudyante rito ay ang mga taga pagmana ng negosyo ng kanilang pamilya at kasama na ako dun. Yep ako ang taga pagmana ng business namin. Magdo- Doctor kasi si Ate Vanna, Dahil sa matigas ang ulo ng ate ko Ayun ako ang pinepressure nila dad na magtapos sa kursong Business Management.
" Vee!" Rinig kong tawag sakin ng taong nasa likuran ko matapos kong bumaba ng kotse.
Nilingon ko ang tatlong bestfriends ko na nasa likuran ko.
" Good Morning, Vitch." Tila may pang-aasar na sambit ni Patch. Tsk, Si Patch, Ang childhood bestfriend ko. Anak nila Tito Patrick at Tita Chena Larqueza. Yep sila ang nagmamay-ari ng Larqueza's Bakeshop at Larqueza's Shoe mart. Well, Tita Chena owned the bakeshop and for Tito Patrick owned the Shoe mart.
"Tsk walang Good sa Morning ko, Patch lalo na kung mukha niyo agad ang bubungad sakin." Cold na sambit ko. Yep nagpapaka cold ako sa harap nila. I mean kapag nandito ako sa school. Kung bakit? Dahil ayoko ng may ibang tao na nakakakita ng emosyon ko. Weird right? I know.
" Ang Harsh mo Talaga kahit kelan, Vee." Naka simangot naman na sambit ni Skyler. Si Skyler naman ang pinaka isip bata sa mga kaibigan ko. No.1 chismosa din siya saming tatlo. Taga pag mana naman siya ng SG Airlines. Yep, siya ang nag iisang anak nila tita Cheena at Tito Steve.
" Tsk! Stop acting like a kid, Skyler! Grow up myghad." Inis na sambit ko at nauna ng maglakad sa kanilang tatlo.
"Psh stop being a bitch,Vee ang aga aga masyadong mainit yang ulo mo. first day natin jusme. " Sambit ni Raegan.
BINABASA MO ANG
You Are Mine ( COMPLETED )
Romance[| Empire High Series# 1 |] This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Siya si Vienna Song a half chinese and Half Filipino. Taga pag mana ng kanilang kompanya na kilala sa buong...