Vienna POV
" I'm Deborah but call me Deb. I'm Zoe's girlfriend."
Natigilan ako dahil sa sinabi nito tinignan ko si Zoe ngunit nakatingin ito sa babaeng nagpakilalang girlfriend niya. So, di nga rin siya straight kagaya ko. Bakit hindi niya nababanggit sa amin noon na may girlfriend pala siya.
Kung titignan naman talaga yung girlfriend niya eh maganda nga pero mas maganda pa rin ako. Hindi ako papakabog sa ganda noh. Mas angat ako kesa sa kanya. Napataas ang kilay ko ng mapunta sakin ang tingin nung girlfriend niya at sinimaan ako ng tingin kaya inirapan ko nalng siya at nagpatuloy sa pagkain ko. Dedmahin ang ugly creatures na may sampung sungay.
"ANO!?" Eksaheradang sambit nila Patch at Sky. Naparoll eyes ako sa pagiging OA ng reaksyon nila.
Diba kapani paniwalang pumatol si Zoe sa Ugly bitch na toh. Kahit ako di kapani paniwala akala ko yung mala dyosa rin sa ganda lang na katulad niya ang mga tipo ni Zoe. Pero nagkamali pala ako sa pnget siya pumatol.
Bitter Alert!
Tsk I'm not bitter innerself duh! kabibitteran ko sa Ugly bitch na yan? Eh mas maganda pa ako sa kanya.
" I'm her Girl-----." Naputol sa pagsasalita yung ugly bitch na yun dahil biglang nagsalita si Zoe.
Napangisi ako sa kanya dahil halata sa mukha niyang napahiya siya. Yan ang bagay sayo Ugly Bitch!
" You silly, Deb." Tatawa tawa pang sambit ni Zoe tsaka marahang pinitik ang noo nito. " Actually girls, She's not my girlfriend but my bestfriend, Girl bestdriend." Sambit ni Zoe.
Para akong nakahinga ng maluwag ng marinig ko ang sinabi ni Zoe. Kay Zoe ako maniniwala at hindi sa Deb na toh. Napangiti ako at tinignan yung Ugly bitch na bestfriend ni Zoe. Nakangiti ito sa mga kaibigan ko pero halatang peke. Plastikada! Halatang di niya nagustuhan yung pagpapakilala sa kanya ni Zoe bilang Bestfriend lang. Paniguradong may gusto itong babaeng toh kay Zoe.
" Oh! I see Hello Deb, I'm Skyler but call me Sky. " Nakangiting pagpapakilala nito kay ugly Bitch.
Nilahad pa nito ang kanyang kamay para pormal na magpakilala. Agad itong nakipag shake hands kay Sky at ganun na rin sila Raegan at Patch. Napairap nalang ako sa kanila at hindi na sila pinansin pa.
Nakaramdam ako ng sipa sa paa ko kaya tinignan ko ang katapat kong si Patch. Sinenyasan ako nito gamit ang mata niya na magpakilala din pero nagpoker face lang ako at nagkibit balikat. Wala akong ganang makipag kilala sa babaeng yan.
" Uhm.... V-vee?" Halatang naiilang pang tawag sakin ni Zoe.
Napa roll eyes na naman ako bago walang ganang nagpakilala sa kanya.
" Vienna." Yun lang ang tanging sinabi ko at hindi na tinignan pa ang gawi nila Zoe at nung kasama niyang bitch.
Parang bigla nalang may dumaang anghel sa paligid naming lima dahil pare parehas kaming natahimik. Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa pagkain ko. Wala akong pake kung anong isipin sakin ng Ugly Bitches na toh. Hindi ako friendly katulad nila Sky kaya wag niyang asahan na makikipag shakehands ako sa kanya. Asa siya ayokong humawak sa kamay niya baka may virus pa siyang dala. Ayokong mahawa Yuck!
~~~~
After class ay agad akong pumunta ng parking lot. Kasabay kong lumabas etong tatlong kaibigan ko. Wala na naman si Zoe dahil may meeting pa raw sila sa HRM department kasama yung sa President ng course namin. Mukha Ngayon na nga ata nila pinagpaplanuhan kung among maggagawa namin sa darating na anniversary ng Empire High.
Pagkarating namin sa parking lot wala pa dun yung kotse ko o kahit man lang yung kotse ni Ate Vanna. Mukhang maghihintay pa ako nito sa kanya. Baka natraffic lang siya kaya wala pa rito.
BINABASA MO ANG
You Are Mine ( COMPLETED )
Roman d'amour[| Empire High Series# 1 |] This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Siya si Vienna Song a half chinese and Half Filipino. Taga pag mana ng kanilang kompanya na kilala sa buong...