Chapter 32

1.9K 56 1
                                    

Zoe's POV

" How are you my wife?" May nakakalokong ngiti sa mga labing sambit ni Mr. Arturo habang nakangiti ito sa katabi ko.

Nangunot Ang asking noo sa pagtataka sa pagtawag nito Kay Vanna bilang Asawa niya. Paanong nangyare Ang Bagay na yon? Kelan Sila ikinasal? Bakit Hindi ko man lang nabalitaan na ikinasal Ang ex ko sa Isang katulad ni Mr. Arturo Romano.

" What is the meaning of this?" Nilingon ko si Vanna upang Siya Ang sumagot sa katanungan ko.

Ngunit halata takot at Kaba sa mukha Ngayon ni Vanna. Nawala ang cold aura nito. Ano bang nangyayare? Bakit ganyan nalang ang reaksyon sa mukha nito matapos Makita Ang matanda? Tsaka Isa ba Siya sa may kagagawan Ng pagpatay sa twin sister ni Vanna?

Napalingon Ako sa Gawin Ng matanda Ng marinig ko Ang nakakainsultong tawa nito. Sinamaan ko Siya Ng tingin.

" Oh! The great daughter of Smith's clan have no idea." Nakangising aso ito sakin.

Naikuyom ko Ng mahigpit Ang kamao Kong may hawak na baril. Masyadong nakakainsulto sa paningin ko mga ngisi at tawa nito. Ang sarap burahin Ng mga ngisi niya gamit Ang baril na hawak ko.

" Chill Zoelle." Hindi na ata mabubura sa mukha Ng magandang ito ang ngisi sa labi Niya. " I'm going to tell you, something that may break your fcking heart."

Nakaramdam Ako Ng panlalamig sa katawan Ng marinig ko Ang mga katagang iyon sa matanda. Pakiramdam ko ay di kakayanin Ng physical and emosyon  ko ang maaari Kong Malaman.

Magsasalita na sana Ang matanda nang bigla na lamang may tumawag rito na ikinalingon naming lahat. Pumasok ang ilang lalaki na sa tingin ko ay tauhan Rin Ng matanda. Lumapit ang Isa rito at may kung Anong ibinulong sa matanda na siyang ikinangiting demonyo Lalo nito.

" Kung sinuswsrte ka nga Naman." Sambit nito.

Para akong pinako sa kinatatayuan ko at sobrang lakas Ng kabog sa dibdib ko Ng Makita Ang taong nasa likod ng mga ito. Itinulak Ng Isa sa mga ito ang lalaking nakapiring habang nakatali, si Tyrone. Sumunod Ang babaeng sa tingin ko ay si Flores habang sa likod nito si Vienna na nakapiring din. Halos isumpa ko na Ang taong bigla nalang humablot sa braso Niya na siyang kamuntikan na niyang ikatumba.

" Maawa kayo! Ano bang kailangan niyo samin? Bakit niyo toh ginagawa!?" Sigaw ni Vienna na alam mong ito'y takot at umiiyak na.

Tumawa na parang demonyo si Mr. Arturo at marahas  na hinila nito ang braso ni Vienna. Tumingin ito ng nanlilisik ang mata kay Vanna na mula pa kanina ay walang kibo.

" Maawa?" Tila ba isang biro sa pandinig nito ang salitang iyon. Ngunit ganun nalang ang gulat ko Ng malakas nitong sinampal si Vienna.

Napahawak ako sa baril na hawak ko at itututok na sana ito sa matanda ngunit ganun nalang din kabilis na itinutok sakin ng mga dating kaibigan ko ang mga baril nila sakin. Naghalo halo na ang nararamdaman ko sa oras na ito. Gustong gusto ko ng paputukan ang ulo ng demonyong matandang nasa harapan ko.

" Wag na wag mo ng uuliting idapo ang maruming kamay mo sa babaeng mahal ko." Inis na sambit ko at walang pakundangang itinutok ko rito ang baril na hawak ko.

" Z-zoe!?" Nanginginig na sambit ni Vienna.

Gusto ko siyang takbuhin at yakapin ngunit tila ako nanlalambot dahil sa tono ng boses niya na takot na takot ito.

" Tama ba ang rinig ko sa sinabi mo?" Nakakainsultong sambit nito. Tinignan nito si Vanna at muli na namang tumawa na parang demonyo. " Tila ba pinaglalaruan ang tadhana ninyo."

Naglakad ito sa likod ni Vienna at tinanggal ang piring nito. Tila ako nanlumo dahil sa itsura ng babaeng mahal ko. Pula na ang mata nito dahil sa pag iyak at pula ng pisngi dahil sa sampal ng demonyong matanda. Muling nabuo ang galit ko dahil bakat na bakat rito ang palad ng hayop na iyo.  Iniikot ni Vienna ang paningin niya at ng dapuan ako nito ay mas lalo itong umiyak.

You Are Mine ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon