Zoe POV
3 years later...
Lumipas na ang tatlong taon simula nung araw na yun. Ang laki ng pinagbago ng mga buhay namin. Tatlong taon na rin akong nangungulila sa kanya ngunit wala akong maggawa. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa buhay ko. Ramdam kong buhay ako dahil sa araw araw na gigising ako para akong pinapatay sa sakit na nararamdaman ko.
Dalawang babae sa buhay ko ang binawi ng mundo. Wala naman akong ibang ginawa kundi mahalin lang sila ngunit bakit ganun kadamot ang mundo sakin para ilayo sila.
Sa tuwing pagdating ng gabi ay puro galit naman ang nararamdaman ko. Bumabalik sakin ang lahat ng nangyare ng araw na yun. Galit dahil sa mga nalaman at natuklasan ko pagkatapos niyon. Sobrang galit ko sa mundo dahil sa mga nangyareng hindi ko man lang alam. Sobra ang galit ko sa mga taong dahilan ng lahat.
Flashback
Sunod sunod na pagputok ng baril ang umalingasaw sa buong paligid. Dumating ang ilang mga pulisya at di ko na inalintana pa ang mga ginawa ng mga ito. Ang tanging nasa isip ko ay ang babaeng walang malay sa mga bisig ko. Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko habang hawak ang pisngi nito.
" L-love, w-wake up pls. " Sambit ko habang humihikbi. " W-wag kang bibitiw d-dadalhin kita sa ospital." Niyakap ko ito ng mahigpit.
" V-vee." Rinig kong sambit ni V--- este Psyche na lumapit samin. Umupo ito upang pumantay samin at hinawakan ang kamay ng kapatid. " I'm s-sorry, It's my fault." Sambit nito at di na rin napigilan ang paghikbi.
Sa mga oras na toh ay takot ang tanging nararamdaman ko. Takot akong may kung anong mangyare sa kanya gayong wala itong malay. Hindi ko rin siya maggawang basta nalang itayo dahil baka mapasama pa sa kanya kung gagawin ko iyon. Di rin nagtagal ay nilapitan na kami ng mga rescuer ng ambulansya upang buhatin siya at dalhin sa sasakyan.
Gusto kaming kunan ng statement ng ilang pulisya ngunit sinabi na lamang namin sa kanila na sa ospital na lamang magpatuloy.
Sumama kami ni Psyche sa loob ng ambulansya kung saan sinakay si Vienna. Binigyan na rin kami ng paunang lunas ng mga nurse na kasama namin sa loob.
Nang makarating kami sa oapital ay mabilis na inasikaso si Vienna at pinasok sa operating room samantalang mas pinili namin ni Psyche na hintayin ang doctor na umasikaso sa kanya.
Ilang sandali lang rin ay dumating na ang mga kaibigan ni Vienna kasa si Deb na agad na lumapit kay Psyche att inasikaso ito. Lahat sila ay nagtatanong sa nangyare ngunit di namin maggawang sagutin ang mga tanong nila ng wala silang makuhang sagot samin ay pinili nalang rin muna nilang manahimik at hintayin ang doctor.
" Kumain ka na muna." Alok sakin ni Sky na may dalang sandwich at zest-o ngunit tinignan ko lamang ito.
Ramdam ko ang pag upo nito sa tabi ko at hinaplos ang likod ko. Unti unting tumulo ang luha sa mga mata ko.
" Dapat a-ako nalang." Humihikbing sambit ko.
Niyakap ako ni Sky upang aluin. Hinahaplos pa rin nito ang likod ko.
" Sa tingin mo ba ay makakatulong kay Vienna yan? Tsaka kumain ka na muna. Kailangan mo ng lakas para pagkagising niya ikaw ang nasa tabi niya. " Sambit nito.
Inabot muli sakin nito ang dalang pagkain. Walang naggawang kinain ko iyon dahil alam kong mapilit si Sky at di rin ako tatantanan.
Lumipas ang ilang oras na paghihintay namin ay ngunit wala pa ring lumalabas na doctor. Dumating ang mga magulang ni Vienna kasama si Nanay Doris na mahahalata mo sa kanilang mukha ang pag aalala kay Vienna. Unang nilapitan ng mga ito si Psyche na kanina pa rin umiiyak na katulad ko.
BINABASA MO ANG
You Are Mine ( COMPLETED )
Romance[| Empire High Series# 1 |] This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Siya si Vienna Song a half chinese and Half Filipino. Taga pag mana ng kanilang kompanya na kilala sa buong...