Vienna POV
Alas kwatro y medya ay ginising ako ni Ate Vanna para mag asikaso na sa pag alis namin. Kukusot kusot pa ako sa aking mga mata habang papasok sa cr nitong unit ko. Medyo antok pa ako dahil late na kami natulog ni Ate Vanna kagabi. Nanuod pa kasi kami sa netflix pagkatapos naming kumain mga 12:30md na kami natapos sa pinapanuod naming movie.
Sobrang saya ko dahil kahit papaano ay nakabonding ko rin siya sa panunuod. Hindi ko akalain na mag eenjoy ako sa panunuod habang kasama siya. At mas lalo akong nag enjoy ng malaman na halos parehas kami ng genre ng mga pinapanuod naming movies.
Tabi rin kaming natulog ni Ate Vanna at andami niyang kwento tungkol sa mga namgyare sa kanila sa Canada kasama yung grandparents namin. Pati na rin yung mga dating relationship niya kinwento na rin niya sakin.
Nang matapos akong maligo ay agad akong nagbihis ng susuotin ko. Nag ayos na rin ako ng mga dadalhin kong gamit. Mabuti na lang talaga at may nga gamit pa ako rito sa unit ko kaya hindi na hassle na bumalik pa sa bahay.
Agad akong pumunta ng sala dun bumungad sakin ang masarap na umagahan namin. Halatang si Ate Vanna ang nagluto dahil nakasuot pa sa kanya ang apron. Nakangiti ito sakin kaya ngumiti rin ako sa kanya. Di ko akalain na nagluluto pala siya.
" Good morning! tara kumain na muna tayo bago tayo bumyahe." Sambit nito at agad na inalis ang suot na apron.
" Good Morning din ate. Mukhang masarap ang niluto mo ha." Sambit ko at umupo sa sofa.
" Well, kumain ka na para naman talagang masabi mong masarap nga." Nakangiting sambit nito.
Veggie fried rice with egg on top ang nakahain sa mesa. Sobrang nakakatakam ang amoy nito kaya agad na nakaramdam ako ng pagkagutom. Agad kong kinuha ang platong para sakin at kumain.
Grabe ang sarap talaga. Siguro hahanap hanapin ko na itong luto niya. Tbh, mas masarap pa siyang magluto kesa kay Nanay Doris hindi sa hindi ko nagugustuhan yung luto ni Nanay Doris or what sadyang masarap talaga tong luto ni Ate Vanna. Para akong kumain sa mamahaling Restaurant.
" So, What can you say?" Tanong ni Ate pagkatapos ring tikman ang niluto niya.
" Sobrang sarap pwede ka na mag asawa!" Masayang sambit ko.
Ngunit tila ako natigilan nang makita ang pagbabago ng mood niya. Visible sa kanyang mga mata ang lungkot at sakit. Parang pinipiga yung puso ko sa nakikita kong reaksyon ng kapatid ko.
" I'm s-sorry." Sambit ko.
Napaangat ang tingin nito sakin. " You don't have to say sorry." Nakangiting sambit nito. " Bilisan na nating kumain para makaalis na tayo." Biglang bumalik ang kaninang sigla nito ngunit alam kong pinipilit lang niya para di na ako mag alala sa kanya.
Ano kaya talagang nangyare sa kanya kanina? May tinatago pa ba siya sakin about sa past niya. Kagabi halatang masasayang past relationship niya ang kinukwento niya pero lahat yun nauwi sa hiwalayan.
May nakwento siyang naging ex niya na babae na sobrang minahal niya. Nung una nagulat pa ako dahil nagka gf siya samantalang nakailang bf din naman siya. Umabot sila ng six yrs ang kaso bigla raw nawala na parang bula ang babaeng yun. Matagal niyang hinanap ngunit hindi na talaga ito nagpakita pa sa kanya. Nung mga oras na yun nakaramdam ako ng awa para sa kapatid ko. Sana nandun ako nung mga oras na yun para nadamayan ko siya sa mga ganung bagay sa buhay niya.
Pero ngayon masaya ako para sa ate ko dahil sa ngayon ay meron siyang bagong gf. Sabi niya eh ipapakilala niya ako sa bago niya dahil yun daw yung dumamay sa kanya nung mga oras na nasasaktan siya dahil sa ex-gf niyang biglang nawala.
BINABASA MO ANG
You Are Mine ( COMPLETED )
Romance[| Empire High Series# 1 |] This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Siya si Vienna Song a half chinese and Half Filipino. Taga pag mana ng kanilang kompanya na kilala sa buong...