Kabanata 2

3.4K 136 7
                                    


Fiancé


"Ang tagal naman ni Francisco?" reklamo ni Tekla.

Makailang ulit na akong napatingin sa cellphone ko, at wala man lang mensahi na galing sa kanya. I message him again but my temper rise up and so I dialled his number. Tumunog lang ito sa kabilang linya, hanggang sa napunta ang tawag sa messenger inbox niya.

"Francisco, I'm giving you five minutes! Kapag ikaw ay wala pa rito. Magpakasal kang mag-isa mo!"

Uminit na ang mukha ko at kumukulo na ang dugo ko ngayon. 

We have been waiting for more than two hours in the resto privately. Pribado naman ito at walang ibang tao maliban sa amin. Nandito na ang wedding planner at organizer namin. May iilang gwardiya pa sa paligid. Mga pribadong gwardia ito ni Francisco na kinuha niya.

"Sure ka ba na sisipot si Francisco sa araw ng kasal ninyo, Viola?" si Mika.

"Ang swerte na nga ni Francisco sa 'yo! Hindi ko alam kung ano ang nakita mo sa baliw na iyon at siya ang pakakasalan mo?" pabirong tugon ni Tekla at napailing pa.

Ganito naman talaga si Tekla. Mapagbiro siya pagdating sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at pinaikot na ang mga mata ko. Napako ang tingin ko kay Kakay na nasa gilid lang. Tahimik siyang nakaupo at hawak-hawak ang sling bag ko. 

I stared at her thoroughly, and for some reason, there was something about her that I didn't know. Iba kasi si Kakay sa lahat ng naging PA ko. Ewan ko ba! O, baka guni-guni ko na naman ito.

Sabay kaming napalingon sa pinto nang bumukas ito. Ang mukha agad ni Francisco ang nakita ko, at napangiti na ako. 

After all, he's here, and I'm happy.

"Sweetie pie!" Agad na yakap niya sa akin.

"I'm sorry I'm so late. It's very traffic here you know. Nasanay ako sa Denmark na walang usok at trapik sweetie pie," baliw na tugon niya at ngisi pa.

Humalik siya sa pisngi ni Tekla at Mika.

"Francisco, you look--eww!" pabirong tugon ni Tekla at bahagyayang natawa na si Mika.

"Oh, shut up, Tekla! You are like a parrot with no wings. Flying, flying, heee!" Bahagyang tawa niya.

Napangiwi ako. Alam ko naman na baliw si Fransciso. Pero ngayon ko lang 'ata mas napatunayan ito. Kaya binatukan ko na!

"Stop that! Sei uno stupido cane!" Sapak ko sa balikat niya at napatingin agad silang lahat sa akin.

I froze for a second! Did it come out of my mouth? Lumabas ito sa bibig ko? 

Huh, imposible! Napatingin agad sa mukha ni Kakay na ngayon ay nakatitig sa akin ng husto. Natawa na si Tekla at Mika, at napaawang lang din ang labi ko.

"Did it really came our from your mouth, darling Viola?" si Mika na bahagyang natawa.

"Oh my. . . nagsasalita ka ng ibang lingwahe? Ano ibig sabihin nu'n?" si Tekla sa akin.

Nagkibit-balikat ako at nalilito sa sarili.

"My sweetie pie. You are talking in Spanish! Oh, I'm so proud of you. Did you say I am handsome?" Yumakap agad siya sa akin na parang baliw na aso, at natulala lang din ako.

Tumikhim si Kakay at nagsalita na.

"Italyano po iyon, at ibig sabihin ay asong ulol ka raw!" mahinang tugon niya.

A Knight To Remember (DFM#2)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon