Kabanata 4

3K 112 2
                                    


You caught me staring, but I caught you staring back.
🍀🍀🍀

Stare


Instead of joining the others I prefer to get inside the mansion. Pumasok na muna ako sa loob ng bahay at sa kusina ako nagtungo. Hinanap ko si Yaya Tami. May itatanong lang ako sa kanya, hanggang sa nakita ko na siya sa may dulong bahagi ng kusina. Abala siya sa pagbibigay detalye sa ibang katulong na nandito. Namataan niya agad ako at ngumiti na.

"Yes, Miss Vi?" Hakbang niya palapit sa akin.

Yaya Tami was with us since I was a baby. Iyan ang sabi ni Mama at Papa. Kaya kung may hindi ako alam ay alam kong alam na alam niya.

"Yaya, come here!" Sabay hila ko sa kanya patungo sa balkonaheng bahagi.

"Do you know him?"

Tinuro nang kamay ko ang mukha ng lalaki kanina.

"Oh? Pamilyar siya, Miss Vi. Bakit? Type mo ba?" Lawak na ngiti niya.

Namilog ang mga mata ko na parang nabigla ako sa tanong niya.

"No. Of course not!" in my defence state. At talagang hindi ko naman siya gusto.

"I don't know him. He first introduced himself yesterday at the restaurant, Yaya. Fiancé ko raw siya? Hmm, Ang baliw ah!"

Napatitig si Yaya sa akin na parang natatawa pa. Kaya kumunot na tuloy ang noo ko.

"Fiancé mo ba?" Halukipkip niyang tanong. 

"Hindi ah! Hindi ko nga kilala 'di ba? Kaya nga kita tinatanong eh. Alam ko naman na ikaw ang mas higit na nakakaalam sa lahat dito. So, I expect that you know him. Hindi ba?" kibit-balikat ko.

Nag isip si Yaya at natahimik ng iilang segundo. Seryoso niyang pinagmasdan ang lalaki na tinuro ko.

"I don't know him, Viola, but he seemed all right to me. He's the best candidate to be your fiance," she smiled widely. 

"Hmp, nagpapatawa ka naman, Yaya eh." Ngumiwi ako. "Do you think I will like him? I mean look at him?"

Natahimik agad ako nang mapako ang tingin niya sa amin ngayon. Mula kasi sa kinatatayukan ko ay nakatitig na siya sa banda namin. 

What makes it even worse is when Yaya waves at him. Nakaloloka!

"Hello, handsome!" si Yaya at mas napangiwi na ako.

"Eww, Yaya. Ang cheap mo!" Tumalikd na ako.

Bumalik ako sa loob at kumuha ng soft drinks sa ref. Kinalma ko ang sarili ko. Alam kong may malalim na dahilan ang nangyayari ngayon at nalilito ako.

"Penelope?" Tawag ni Mama at napalingon na ako sa kanya.

"Ma?"

"Oh, there you are. Come over here, hija. May ipapakilala ako sa 'yo." Lawak na ngiti ni Mama.

Humakbang agad ako palapit sa kanya. Hinawakan pa niya ang kamay ko at nagtungo na kami sa harden. Nasa kabilang banda ang mga bisita at nakaupo na sila sa mahabang mesa. Papa stood up and made his speech.

"Salamat sa inyong lahat na nandito. Nagpapasalamat ako ng lubos," panimula ni Papa.

Lumapit na agad kaming dalawa ni Mama. We both stood up behind Papa while he's talking to his friends. Hanggang sa pumagitna na ako sa kanilang dalawa. 

Isa-isa ko pang tinitigan ang mga bisita niya at halos naman lahat sa kanila ay kilala ko. Hinanap agad nang mga mata ko ang lalaki kanina, pero wala siya rito.

A Knight To Remember (DFM#2)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon