Kabanata 18

2K 79 17
                                    




Tattoos


Imbes na magreklamo ay hinayaan ko na siya sa lahat. He took care of me well enough that he followed me around. Nakasunod siya sa bawat galaw ko at parating nag-aalala. 

I came up good after two days as I took my medications. I talked well with Dr Pascual, my psychologist. He reckons that my memory from my past was distressing me. 

Si Dr. Pascual ang doktor ko simula noon pa. I told him that I saw an image of a woman, and that woman seemed so close to me. I want my answers, but he's concerned about my health. Kaya dahan-dahan daw muna para hindi mabigla ang utak ko, at hindi makaapektuhan ang katawan ko. 

Part of myself was telling me that I have a very mysterious past and that I want to know the truth. Pero kahit anong pilit ko ay wala akong maalala sa nakaraan ko.

Dr Pascual explained everything to me thru our virtual conversation. Hayaan ko na raw muna ang panahon at babalik din daw ang lahat sa dati. Pero may mga bagay raw na sadyang hindi na maibabalik pa, dahil ang tagal na nito. And I am one of that cases. Lagpas isang taon na simula nang mangyari iyon at magpahanggang ngayon ay wala pa akong naalala.

So in this case, my parents are telling me that truth and so is Lorenzo, but who is Violet? Sino siya? Kaano-ano niya si Lorenzo? Bakit siya ang unang nakita ko sa alaala nang nakaraan ko? Ang dami ko nang tanong at naguguluhan ako. Nahihirapan na din ang damdamin ko.

Ang planong iwasan at itakwil si Lorenzo ay wala na sa isip ko. I want to be with him so that I can remember my past  so that I have my answers.

"Here, love."

Nilapag na niya ang manggang hilaw na may tuyo at suka. Nangasim ang bibig ko at tinikman ko na agad ito. Ngumiti siyang tinitigan ako habang hindi naman maipinta ang mukha ko dahil sa asim na nasa bibig ko.

"Si Carmella?"

"Bumalik na ng Italya," simpling tugon niya.

"At hindi ka sumama?"

Alam ko kasi na pinapauwi na siya pabalik. Lagpas isang buwan at kalahati na siya rito na kasama ako. Ang akala ko nga bumalik na siya ng Italya. E, isang linggo rin siyang nawala sa paningin ko. Pero nagkasakit naman ako at hinahanap siya ng mga mata ko.

Ang baliw ko na!

"Hindi pa puwede. It's okay. Kaya pa naman nila, at ikaw ang prioridad ko." Lawak na ngiti niya.

Natahimik kami habang kumakain ng mangga. Pareho kaming nakatitig at nakaharap sa lawak ng dagat. The view from where we are is so beautiful and relaxing.

"Lorenzo..." mahinang sambit ko sa pangalan niya. Nilingon niya agad ako.

"Thank you for looking after me when I'm not well. Pero may naalala akong pangalan at mukha na nakita," titig ko sa kanya at sumeryoso agad ang mukha niya.

"Violet."

Nagtitigan kami at umiwas agad siya nang titig sa akin. Napayuko siya at nag-angat uli nang tingin sa kawalan.

"What else you remembered?" He asked without staring at me. Sa dagat napako ang paningin niya at hindi sa akin.

"Iyon lang naman. Ang mukha niya at ang pangalan niya."

Hindi ko na muna sinabi sa kanya na nakita ko ang iilang litrato sa maliit na kahon. Litrato naming tatlo iyon. Ayaw ko rin na sabihin sa kanya ang detalye ng naalala ko. Pakiramdam ko kasi ang sakit-sakit nito sa loob ko, at sasakit lang din ang ulo ko.

I honestly want to know the truth. Gusto kong malaman ito ng buo sa sarili ko at hindi galing sa kanya. But I want know about Violet. Pakiramdam ko kasi isang napakahalagang tao siya sa buhay ko.

A Knight To Remember (DFM#2)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon