Kabanata 26

1.8K 71 2
                                    


Penelope Viola's throwback POV's, five years ago.

Fall


"Hi, Lorenzo!" Lihim akong napatingin sa kanya habang pinalilibutan siya ng mga babae rito. 

I ate as fast as I could and swallowed hard my food. Panay ang tingin ko sa kanya habang abala ang kamay ko sa pagsubo ng pagkain sa bibig ko. Hindi ako kumain ng dalawang araw at puro tubig lang din ang ininom ko. Kung 'di lang dahil kay Nanay Tema ay wala akong makain ngayon.

"Dahan-dahan naman, Viola. Mabibilaukan ka, anak."

Nilagay ni Nanay ang tubig at agad kong ininom ito. Nabilaukan nga naman ako! Pero hindi ko pa rin inalis ang tingin ko kay Lorenzo.

"Napansin ko na panay na ang titig mo kay Lorenzo. Type mo ba?" pagbibiro ni Nanay.

"Hindi ah!" Talas na titig ko sa kanya at bilis nang subo. Inubos ko na agad ang pagkain ko.

"Anak, umuwi ka na lang kaya sa atin. Delikado ang gagawin mo, Viola. Mapapahamak ka lang, anak."

Alam kong nag aalala si Nanay Tema sa akin ng husto. Siya na lang din ang parang pamilya ko rito. 

I was only thirteen-years-old when I arrived in Sicily. Nag-asawa si Mama ng Italyano at isang gangster leader ito. Hindi alam ni Mama ang totoong pagkatao niya, at dito lang din niya ito nalaman. It was too late when Mama wanted to get away from my step father. She had no choice back then but to agreed on my step father's demand.

I was only young and was so scared. Everyone was talking in a different language, and it was so hard for me to adjust. I went to school, but everything was restricted. All my classmates doesn't want to be my friend. They alone and their families knew that my stepfather was an evil man, and so I had no friends with me. 

Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay may naging malapit na kaibigan ako at si Violett ito.

She's the complete opposite of me. Everyone likes her, and most of them want to be her friend. 

Mayaman ang pamilya niya at bantay sarado pa ang iilang gwardya niya sa kanya. Palangiti siya, mabait, at higit sa lahat matalino. She became my friend when she joined and sat down beside me in the canteen. Iyon ang unang pagkakataon na nagkaroon ako ng kaibigan sa buong buhay ko.

Mahiyain ako at madaldal siya. I'm happy to sit down away from my classmates, and Violett joins in. She always loves to sit down beside me. Because of her, I gained confidence. I started to love my school because of her. I became competitive in school because of her until everyone noticed me. They started to be friends with me because of Violet. I started to top and excel in some subjects because of Violet.

Pero nahinto ang lahat ng iyon nang magtapos kami ng highschool. Inilipat siya ng mga magulang niya sa Paris, samantalang naiwan ako ng Sicily sa malupit na stepfather ko. 

Mama tried to run away because she had enough, and my stepfather almost killed her. Hindi siya namatay sa kamay ng amain ko, pero namatay si Mama dahil sa mga kalaban ng stepfather ko.

Although his gangs guarded me, they didn't touch me. I know they have secretly spied on me every time I go to the University. 

Noong una, akala ko nagsisisi ang stepfather ko sa pagkamatay ni Mama kaya pinag-aral niya ako sa Paris. Iyon pala ay may mas malaking plano na siya sa akin.

"Nanay, ngayon lang naman ito. Pagkatapos nito, tatakas na ako pabalik ng Pilipinas." Tumayo na ako at mabilis na pinunasan ang bibig ko.

"Penelope, anak. Pag-isipan mong mabuti, hija." Namuo ang luha sa mga mata ni Nanay Tema. Lumapit na ako sa kanya at niyakap ko na siya.

A Knight To Remember (DFM#2)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon