'There are many things around you that are very important to you, Penelope. . . it's just that you don't see them.'
-Lorenzo Ferrero-
🍀🍀🍀Bracelet
Kung malas ka nga naman talaga!
Papa rang me earlier. He's giving me instructions regarding the resort renovation.
Ang akala ko kasi ay magbabakasyon lang ako rito. Hindi pala! I am in-charge of the lay out design project. Darating din mamaya ang bagong Architect Engineer na kinuha nila.
Nakatayo akong nakatitig sa baba habang iniinom ang green tea. Hapon na at palubog na ang araw. Ito lang naman ang inaabangan ko sa labas ng balkonehang ito. Tanaw kasi mula rito ang magandang paglubong ng araw mula sa dagat.
Standing like this every afternoon while watching the sunset makes me feel alive. I can't really explain it, but it brings old feelings inside me, and somehow, it is lonely.
"Lorenzo!"
Ang boses ng isang babae ang nagpamulat nang mga mata ko. Tinanaw ko ang baba at hindi pamilyar sa akin ang hitsura niya.
Her long waiy hair is swirling in the air. She came running to Lorenzo like she's so excited to see him. Hindi ko napansin na nasa gilid na bahagi pala si Lorenzo nakatayo at pinagmamasdan din ang paglubog ng araw.
"Lorenzo, baby! I miss you!" Higpit na yakap nang babae at tuma-as ang kilay ko.
Halos mapaatras na si Lorenzo dahil sa biglang pag yakap ng babae sa kanya. At ang higit na nakakatawa,ay halos pakarga na si Lorenzo sa kanya.
Ugh, ew! Ang landi lang din ah!
Ngayon mas pinatutunayan lang niya sa akin na biro at set-up lang ang lahat ng ito.
I always have this gutful feeling that Papa and Mama hired him to set things up and made it look like he's my fiancé. Imposible kasi na kasintahan ko siya, dahil wala talaga akong nararamdaman sa kanya.
"Kailan ka dumating? Ngayon lang ako nakarating dito. Magpapahinga sana ako. Pero nang sinabi sa akin ni Nanay na nandito ka ay agad na sumugod na ako rito. Ang laki na ng pinagbago mo!" Sabay titig ng babae sa kabuuan ni Lorenzo.
Umirap na ako at binalik ang tingin sa kawalan. Dumilim na ang langit at wala na ang araw. Hindi ko man lang ito nakita na lumubog dahil sa kanilang dalawa napako ang paningin ko. Tinitigan ko silang muli, at nakangiti si Lorenzo sa kanya habang nagsasalita ang babaeng kaharap niya. I rolled my eyes and turn away. Pumasok na ako sa loob at pinabayaan na sila.
THE next day I woke up so early. I have to visit the other side of the resort. Si Lorenzo agad ang unang nakita ng mga mata ko. Naghihintay siya sa mesa para sa umagahan naming dalawa. I know I am late. Hindi pa ako sanay na gumusing ng maaga, kaya huli na naman ako ngayon sa harapan niya.
"Good morning, love."
Tumayo agad siya at binigyan ako nang halik sa pisngi. Kumunot lang din ang noo ko. Hindi ako kampante sa ganito. Pero pinag-usapan na namin ito.
"Are you ready for your project today?" kaswal na tugon niya.
"Sort of. Ano pa nga ba ang magagawa ko. E, utos ni Papa." I pouted and drink my coffee. He simply nodded.
"Ihahatid kita sa kabilang resort pero hindi kita masasamahan. Ngayon kasi darating ang shipment ng mga materyalis na ini-order natin para sa construction. I just need to check the consignment, but don't worry, Engr Ivan Furtunato will be there to guide you."
BINABASA MO ANG
A Knight To Remember (DFM#2)✅
RomanceMatured content (R18) Under DFM#2 I know exactly what I want, and it has nothing to do with the weirdo guy who claimed he was my fiancée. Really, Penelope? Yes, it doesn't! Whenever he got closer to me, I felt he was a danger and could not be trust...