I spy
"Nagdududa na talaga ako sa kanya, Kakay."
Pabalik-balik ang lakad ko habang nakatingila si Kakay na nakatitig sa akin ngayon. Mas lalong gumulo ang lahat, at ang plano kong iwasan si Lorenzo ay mukhang mahihirapan pa ako. Dumagdag pa si Carmella na hindi ko alam kung saang lupalup ng mundo galing!
Lumabas ako kanina para sana pag utusan si Manong Primo. E, ang magandang eksena ang tumambad sa akin! Minasahe ni Carmella ang likod ni Lorenzo. Nakatalikod silang dalawa at walang pang-itaas na damit si Lorenzo. Sa hubad na likod pa niya natigil ang mga mata ko.
Carmella is laughing while massaging his back.
"On the top part please," si Lorenzo sa kanya.
"Dito ba? O batukan na kaya kita!" Patuloy na masahe niya. "How many times I have told you that you have to quit, Lorenzo! Walang magandang mapapala ang ginagawa mo. She can't even remember you. Isa lang ang ibig sabihin n'yan. Move-on, friend!" si Carmella sa kanya.
Bumuntong-hininga si Lorenzo at pinagalaw ang balikat. Umarko ang magandang hubog ng katawan niya at napaawang lang din ang labi ko. Uminit ang mukha ko. Pero naiinis akong tinitigan ang mga kamay ni Carmella ngayon sa likod niya.
My mind is out of nowhere while staring at the evident muscles of Lorenzo's back and his wild tattoos.
"You don't understand, Carmella. It's easy for you to say it, but damn it! Ouch! You hit the wrong spot. Move your hand!"
"Saan? Dito ba?"
Pinababa niya ang kamay at nasa babang bahagi na ito ng likod ni Lorenzo. Kumunot na ang noo ko nang mapansin ang piklat sa balat niya. It's on his lower back part and it was quite a few.
What the heck happened to him? How did he get those scary scars?
Biglang sumikip ang dibdib ko nang makita ito at napaatras na akong konti at nagtago na ako sa gilid. Pero nakikita ko pa rin sila at naririnig ko pa.
"Sumuko ka na kasi. Mahihirapan ka lang at malalagay ulit sa pilegro ang buhay mo. Ang buhay niya. Mas mabuting wala siyang maalala na. Hindi niya rin ako kilala, Lorenzo. Hindi lang ikaw. Mukhang lahat ng tao na nagbigay sakit sa nakaraan niya kay kinalimutan na ng utak at puso niya," si Carmella sa kanya.
Natahimik lang din si Lorenzo at panay ang buntonghininga niya.
"At ito pa!" Sabay sapak ni Carmella sa balikat niya.
Napalunok ako, dahil ganitong klaseng sapak din ang ginawa niya kay Ivan kanina.
"When are you gonna stop this madness around the Island? Baliw ka na ba? Lahat ng tao naghihintay sa 'yo sa Sicily! Nabaliw na nga ang daddy ko dahil kay Tito. Stop him before everything will turn nasty."
"What about Drake? Can he do it right?" buntong-hininga ni Lorenzo.
"Si Drake? Hay naku! Huwag mo nga'ng idamay iyon. May pamilya na at abala pa. Dalawang kompanya ang hinahawakan niya sa ngayon. Ang kay Papa at kay Venette. Ano sa tingin mo robot siya? Baliw ka talaga!" Sapak ulit niya sa ulo ni Lorenzo.
"Umuwi ka na nga! Tama na ang kabaliwang ito, Lorenzo!"
"Ayaw ko. She will get married to someone and I cannot take it. Noon nakaya ko siyang iwan at pabayaan dito. Pero ang makita na mapunta siya sa iba ay hindi ko kaya. Damn it! No fucking way I will give up, Carmella," tigas na tugon ni Lorenzo sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Knight To Remember (DFM#2)✅
RomanceMatured content (R18) Under DFM#2 I know exactly what I want, and it has nothing to do with the weirdo guy who claimed he was my fiancée. Really, Penelope? Yes, it doesn't! Whenever he got closer to me, I felt he was a danger and could not be trust...