Kabanata 22

2.1K 102 4
                                    




Shark



Humikab ako at mas yumakap sa malambot na bagay na nasa tabi ko. I can smell a manly scent that is so familiar to me. Mas diniin ko pa ang mukha ko rito at napangiti na. I want to open my eyes, but no. I don't want to do it yet. I want five more minutes of this. Pero nang hinaplos ko ito ay kakaiba ang naramdaman ko.

Kailan pa nagkaroon ng abs ang unan? 

Bumaba ang kamay ko hanggang sa maramdaman ko ang matigas na bagay at napamulat ako.

The heck, Lorenzo! sigaw ng isip ko.

Madilim pa ang langit pero nakikita ko na ang konting liwanag na papa-angat pa. Napabangon ako sa bigla at ang mukha agad ni Lorenzo ang unang natitigan ko sa tabi. 

I don't know if he's awake, but the heck! I made myself comfortable with him and slept like a baby beside him.

Napahilamos ako sa mukha at mabilis na inayos ang buhok ko. Nagkalat pa ang laway ko sa labi. 

Eww Penelope nakakahiya ka! 

I recall feeling the effects of the wine I had with him last night, which led me to fall asleep.

Did I do stupid things with him? Baliw kasi ako kapag nakainom na, pero ang ending matutulog lang din!

Tinitigan ko lang siya. Parang mahimbing pa ang tulog nito. Hanggang sa napako ang mga mata ko sa tattoo niya. 

Oh my goodness! 

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko kung ano ang ginawa ko sa kanya kagabi. Hinalikan ko lang naman ang tatoo niya sa balat! 

Napalunok ako nang maalala ko ito. Wala na nabaliw ka na talaga, Penelope Viola!

Dahan-dahan akong tumayo. Ayaw ko sanang magising siya, pero wala na! Dahil tumikhim na siya at namulat na ang mga mata! I looked away and stood up like nothings happened.

"Good morning, love," baritonong boses niya.

Napalunok ako at umakyat ang kaba sa puso ko. Hindi ko muna siya tinitigan at nagkunwari na hindi ko siya narinig. Patuloy ang hakbang ko hanggang sa humawak na ako sa bakal na riles dito.

I just witnessed the start of the sunrise and closed my eyes to fully embrace the moment. The salty breeze was invigorating and truly wonderful to inhale.

Gumaan ang pakiramdam ko at nawala ang kaba sa puso ko ngayon. Iyon ang akala ko, pero nalusaw lang din ang puso ko dahil yumakap siya nang mahigpit sa likurang bahagi ko.

"Stay still, my love, and don't ask me to let go. I wish to hold you like this, just like the last time we were here," he whispered affectionately.

What else can I do? Ano pa nga ba ang magagawa ko, e, wala na. Kaya bahala na si batman dito!

Naging tahimik kami at mariin lang na pinagmasdan ang araw na papalabas. Namilog ang mga mata ko nang makita ang kabuuan nito. It's orange, its full, it's huge! Nakaharap kaming dalawa sa napalaking araw na sumikat ngayon. Dama ko pa ang konting init nito sa mukha ko. Napangiti ako nang makita ang magandang kulay ng dagat.

"Oh my, God. Ang ganda," manghang tugon ko.

"Yes, it's so beautiful, love. Kasing ganda mo sa umaga." Mahigpit na yakap niya at isinandal pa ang baba niya sa balikat ko. Ramdam ko agad ang init ng hininga niya.

"Ganito rin ba ito noon, Lorenzo?" wala sa sariling tanong ko.

"Yes, it's the same, love." Dumampi nang halik ang labi niya sa balikat ko at hinayaan ko na muna siya.

A Knight To Remember (DFM#2)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon