Kabanata 31

2K 90 11
                                    



Penelope's POV


"P-Please, t-tama na," hagulgul na iyak ni Violeta. 

Ramdam ko ang sakit at bigat sa katawan ko. I tried to open my eyes and I couldn't see a thing. Nakapiring ang mga mata ko at nakatali ang mga kamay at paa ko. All I can hear is Violetta's scream for help and cry. Gumalaw ako at pilit na tinawag ang pangalan niya, pero walang lumabas sa bibig ko. Tinakpan kasi nila ito.

"Violet!!!" pilit na sigaw ko. Pakiramdam ko mamatay na ako sa sandaling ito. 

Mga hayup sila! Violet! Violetta!

---

"Violet!" Napamulat ako at ang puting kisame ang unang nakita nang mga mata ko. Lumikha nang ingay ang monitor sa gilid at bumilis ang pintig nang puso ko. Hindi ko ma-kontrol ito at parang nalulunod ang pakiramdam ko. Hindi ako makahinga at mas pumatak lang din ang luha ko.

 Violetta...

I took a deep breath, but I couldn't catch my breath. 

Ang hirap! Hindi ako makahinga.

"Ma'am! Ma'am! Relax lang po! Ma'am," boses ng isang babae sa gilid ko.

"Ma'am, in-hale...exhale... hinga po Ma'am. Kalma po, Ma'am," tugon niya.

Pumasok agad ang isang lalaking nakaputing damit. 

Sino ba siya? Tinitigan ko ang mukha niya, pero malabo ito.

"Doc?" tugon ng babae sa kanya.

"It's okay..."

Nakatitig lang ako nang husto sa mukha niya at nag-aagaw ang hininga ko, hanggang sa kumalma na ako nang maramdaman ang pag-gapang ng init na sakit sa kamay ko.

"Miss Penelope?" mahinang tapik niya sa braso ko at titig sa mga mata ko.

"Can you see me? Kilala mo ba ako, Miss Penelope?"

Lumiwanag na ang paningin ko at si Doctor Pascual ang nakikita ko ngayon. Mahina akong tumango sa kanya at pilit na kinalma ang sarili. Ramdam ko agad ang haplos ni Doctor Pascual sa kamay ko. Pumikit na ako at pinakiramdaman ang tibok ng puso ko. 

I'm okay now, I am better...


NAGISING ako sa sa ikawalang pagkakataon at si Carmella agad ang nakita ko sa tabi ko.

"Penelope..." Ngiti niya at haplos sa kamay ko. "Gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin?"

Nag-aalala ang titig niya. She tried to smile as if nothing happened, but I regained my self-conscious mind, and I knew what was happening now.

"Si Violet?" tipid na tanong ko at nawala agad ang ngiti sa mukha niya.

"Oh? Um..." kurap nang mga mata niya.

"Saan siya nilibing, Carmella?" Patak ng luha ko. Nakatitig lang din siya sa akin nang husto.

"Are you okay? Kilala mo na ba ako?"

I smiled bitterly while wiping my tears and nodded. I twisted my mouth and cried again. Tinakpan ko na ang mukha ko gamit ang kamay ko.

"It's all my fault, Carmella... I'm sorry..." Hagulgol na iyak ko. Yumakap agad siya sa akin.

"No, it's not, Penelope... Wala kang kasalanan... Tahan na." Hhaplos niya sa likod ko.

I cried, and I didn't care. Now that everything is back, the pain and the wound inside my heart is fresh.

A Knight To Remember (DFM#2)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon