'You're my favorite place to go when my mind searches for peace.'
🍀🍀🍀
Tahimik akong nag-iimpake sa mga gamit na dadalhin ko sa resort. I don't know how long we are going to stay there. Mukhang matatagalan kami sa resort dahil marami ang gagawin doon. It will be a total renovation. Isasara muna ito sa publiko dahil sa gagawin na bagon proyekto.
Nakaalis na sina Mama at Papa at nakarating na nga sila sa Italya. Simula pa noong nakaraang araw ay panay ang tawag ko sa kanila. I haven't had a good sleep last night, because I miss them so much. Pakiramdam ko ang hirap huminga na wala sila. Pero kailangan ko.
I am getting curious of my personality itself. Kilala ko naman ang sarili ko. Pero minsan may mga bagay na hindi akma sa paligid ko. There are times that I left standing in the middle of the night in the garden and doing nothing. Parang naglalakad ako sa dilim at tulog ang isip ko. Hindi ko alam, kaya minsan nalilito ako.
That's why I am guarded with heavy securities after the accident. Panay kasi ang ganitong eksena sa akin, at madalas hating-gabi pa ito nangyayari. But then after a few months, and with the help of medical treatment I am better and okay. Kaya lumuwag ang pwersa ni Papa at isa na lang din ang nagbabantay sa akin talaga.
Tinulungan ko si Yaya Tami at Manong sa pagbaba ng mga gamit ko. Apat na maleta kasi ito.
"Ano ba 'to, Viola. Hindi ka na ba babalik? E, mukhang pinasok muna lahat ng gamit mo rito ah," si Yaya Tami.
"Matatagalan kami sa resort, Yaya. Alam mo naman doon. Malayo sa syudad at walang malls. E, dinala ko na lahat ng damit at gamit ko," ngiwi ko sa kanya.
Nilagay na agad ni Manong Primo ang lahat ng gamit ko sa likod ng van. Van kasi ang gagamitin namin ngayon. Imbes na mag eroplano ay sasakay kami ng barko at e-d-drive ang van na ito. Dadalhin ito sa Islang resort na iyon.
"Nakakaingit naman. Gusto ko tuloy sumama," si Yaya sa akin.
"I wish, Yaya. Pero walang ibang pinagkakatiwalaan si Papa at Mama sa bahay. Maliban sa 'yo... Don't worry kasama mo naman ang sangkaterbang security guards dito. Kaya goodluck!" Irap ko sa kanya at natawa na siya.
If I know mas gusto niya ito. I bet mag d-date sila palagi ng boyfriend niya, na isa sa mga security guard namin, si Pipo. Yaya Tami is nearly at her fifties and Pipo is fifty years-old. Pareho silang laking probinsya at walang mga pamilya. Kaya madalas sila ang tuksuhan ng lahat dito.
Nang malaman ni Papa at Mama na mag nobya/nobyo sila ay supportado naman agad. They're our family too. Matagal na silang dalawa sa amin, kaya pinagkakatiwalaan na sila ng lubos ng mga magulang ko.
"You have fun, Miss Viola! At huwag masyadong masungit kay Lorenzo baka ma develop ka," kantyaw niya at tawa.
Humarap agad ako sa kanya at tinaas lang ang kilay ko. Magsasalita pa sana ako, pero nakita ko nang lumabas si Lorenzo at nakangiti pa.
"Is everything ready?" si Lorenzo kay Manong Primo.
"Yes, boss! Este, sir. Handa na lahat."
Kumunot lang din ang noo kong nakatitig kay Manong Primo na pormal na pormal pang sumaludo kay Lorenzo ngayon. Hmp, ang aga-aga nagpapatawa na sila! Pumasok na ako sa van at sinuot ang sunglasses ko. Nagchikahan pa sina Yaya at Lorenzo at lumapit agad si Tintin at may inabot na lunchboxes kay Lorenzo. Tumaas lang din ang kilay ko.
"Ready?" si Lorenzo sa akin at hindi ko siya pinansin.
Sasama sa amin si Manong Primo. Siya muna ang driver patungo sa pier at katabi niya si Lorenzo. Mag-isa lang din ako sa likod na kasama ang iilang unan na meron dito.
BINABASA MO ANG
A Knight To Remember (DFM#2)✅
RomanceMatured content (R18) Under DFM#2 I know exactly what I want, and it has nothing to do with the weirdo guy who claimed he was my fiancée. Really, Penelope? Yes, it doesn't! Whenever he got closer to me, I felt he was a danger and could not be trust...