Kiss"Sige pa, kulang pa ng anim. Ano ba!" Lihim akong napangisi at napailing siya.
Lunch break at si Lorenzo ang pinaglalaruan ko. Tapos na ang trabaho ko at wala na akong gagawin. Sina Ivan at Glenn na ang bahala sa lahat at ang iilang tauhan nila. This is my last day on this project. Sa wakas natapos ko rin ito, kahit na ang gulo-gulo ng utak ko.
Lorenzo and I made a deal the other day. We talk heart to heart. There's no endearment, but we made this deal to see if things would work out for us. He's free to touch and kiss me but only a smack. And I am free to act like a boss towards him in whatever I want.
Halik lang ang kapalit na gusto niya sa bawat utos ko, kaya pagsasamantalahan ko na ito.
It may sound crazy, but Dr Pascual told me to enjoy everything and just go with the flow, and naturally, my memory will pop up.
Huh, sana nga lang dahil kung hindi na babalik ang memorya ay wala na talaga akong pag-asa sa sarili ko. Paano naging temporary lost amnesia ito? E, lagpas isang taon na.
"Kaya mo 'yan, boss!" Sigaw ni Kakay sa gilid at nag-cheer dance pa siya. Madalas ko ng naririnig ang 'boss' na tawag niya at wala na akong pakialam.
"Ugh, pinahihirapan mo naman ang baby ko, Viola!" inis na tugon ni Rainbow sa gilid.
Magkatabi silang dalawa ni Kakay, samantalang nakatingin lang din mula sa malayo sina Ivan at Glenn. May iilang guest na nasa gilid at mga babae ito. Guest 'ata sila ng katabing resort at nakikitingin sa kabaliwan namin ngayon. Lahat sila pinagfiestahan ang kakisigan ni Lorenzo.
"Akin na, manong." Kinuha na niya ang itak na hawak ni Manong Primo.
Our game is for him to climb the coconut tree and grab a few coconut fruits. Umakyat na siya kanina at may anim na siyang nakuha. I had given him ten minutes, and he managed to finish it in eight minutes. Matagal nga, pero nakuha naman niya ang premyo niya... a dinner date with me tomorrow night.
Pero kasi baliw ako at mas gusto kong subukan ang kakisigan niya.
Did I give him another challenge to climb up again and get another ten pieces of fruit in five minutes, and what was the price? A wicked kiss!
Namaywang na akong tinitigan siya at panay ang punas niya sa pawis sa mukha. His half naked body with his wrangler cowboys jeans on makes him so hot in my eyes. Hindi lang naman ako ang nakatitig ng husto sa katawan niya ngayon dahil pati na ang lahat ng mga babae rito. I bet nagugustuhan niya ito!
"Ano? Ayaw mo?" taas kilay ko.
"I'll get a dozen, and if I win you have to wear something while were kissing," pilyong ngiti niya at nawala agad ang ngiti sa labi ko.
"H-Ha?" Pinagtagpo ko lang din ang kilay ko dahil wala akong naiintindihan ngayon. Iba kasi ang tumatakbo sa isip ko.
Wear something while were kissing? Ano!? Anong ipapasuot niya sa akin t-back! Isip ko. Ano 'to sa kwarto kami maghahalikan. Hmp! In your dreams Lorenzo!
"No! I will give you my wicked kiss here if you win; if not, you will lose the date," I challenge.
He shook his head and faced down.
"Nanalo na nga ako sa dinner date babawiin mo pa ngayon kung matatalo ako? You're cheeky, love. That's not fair."
"Mas baliw ang hinihingi mo. Anong ipapasuot mo sa akin t-back? In your dreams, Lorenzo! Dito lang kita hahalikan sa harap nila!" pagtatama ko.
"Exactly. I never said that I would kiss you in the dark. I will kiss you here and. . ."
Hindi na niya tinapos ang salita at kinindatan na lang ako. Napasipol pa si Glenn at Ivan at nag-ingay na ulit si Kakay na parang baliw rito. Napalunok ako at nahiya sa sarili. Ako lang 'ata ang nag-iisip ng kakaiba sa aming dalawa. E, mukhang wala naman ito sa kanya, at halik lang ang gusto niya.
BINABASA MO ANG
A Knight To Remember (DFM#2)✅
RomanceMatured content (R18) Under DFM#2 I know exactly what I want, and it has nothing to do with the weirdo guy who claimed he was my fiancée. Really, Penelope? Yes, it doesn't! Whenever he got closer to me, I felt he was a danger and could not be trust...