Proves
"Good morning, Sir Lorenzo!" Bati lahat ng staff sa kanya na nandito. Nauna na siyang humakbang at napako ang tingin sa kinauupuan ko ngayon.
I watch him casually walking towards them.
Lahat ng mga empleyado sa resort na ito ay masigla ang bati sa kanya, na parang kilalang kilala nila si Lorenzo.
I haven't been on this part of the Island. Sa kabilang resort lang ako palagi sa tuwing bumibisita kami rito, at ito pa lang ang unang pagkakataon ko rito.
"Kumusta na kayong lahat? Vi sono mancato tutti?" Lawak nang kamay niya at ngiti sa kanila.
"We all miss you, Sir Lorenzo!"
Yumakap agad ang tatlong matatandang staff na nandito sa kanya. They seems like a family and I couldn't help but smile. Naiyak pa ang dalawang ginang habang yakap nila si Lorenzo.
"Lorenzo, anak. Pumayat ka, hijo?" Hinaplos ng isang ginang ang mukha ni Lorenzo at pati na ang buhok nito.
"Hindi ka pa nag asawa ano?" tanong ng isang matanda na nasa tabi lang niya.
"Hay naku, anak. Ang lupit nga naman ng tadhana. Pero hayaan mo na. May bagong darating para sa 'yo, hijo. Nakikita ko ito," tugon ng isang matanda sa kabilang tabi niya.
Maingat na akong humakbang habang pinagmamasdan si Lorenzo ngayon. He's smiling with them like a family. Hanggang sa napansin na nila ako at lahat sila ay nakatitig na sa akin dito.
"Ahm, si Penelope." Mabilis agad na naglakad si Lorenzo palapit sa akin at hinawakan na ang kamay ko.
"Come on here." Hila niya sa akin at tumikhim lang din ako.
Nahihiya ako na ewan. E, anak naman ako ng mga magulang ko. Pero iba sila makatitig sa akin ngayon, na para bang ngayon lang nila ako nakita.
"Penelope Viola Altera," pagpapakilala ni Lorenzo sa akin sa kanila.
"Hala, siya ba?" tugon ng isang matandang babae sa likod niya at napatakip-bibig agad sila.
"Dios Maria! Totoo nga," tugon pa ng isang matanda.
Nagtaka na tuloy ako at pilit na ngumiti sa kanila. Nagbulong-bulungan pa ang iba sa kanila. Akala nila siguro hindi ko mapapansin ito. E, ang talas ng pakiramdam ko!
Mariin akong hinawakan ni Lorenzo at mas inilapit pa ang katawan niya sa katawan ko.
I don't know what it is, but I felt so foreign around them. Parang iba ako at nasa ibang planeta ang mundo ko! Ang baliw na talaga ng isip ko ngayon.
"Please help her, Nanay Selda," si Lorenzo sa kanya at tumango agad ang matanda.
Ngumiti lang din ako. Hindi pa rin bumitaw si Lorenzo sa kamay ko at pinagpapawisan na ako rito.
"Engr. Fortunato will be here in an hour. They will work together on the new design of this resort. So, please treat them with respect. Ayaw kong makarining na kahit na anong chismis. Zip all your eyes and mouth. I want them to shut up and do their work. Are we clear?" boung boses ni Lorenzo sa kanila.
"Yes, Sir!" tugon nilang lahat.
Kinilabutan na ako. Sino ba ang anak ng may-ari rito 'di ba ako? Pero iba makaasta si Lorenzo. Kung sabagay pinagkakatiwalaan siya ni Papa rito. He put all his trust to this man that I cannot put my trust with him. Gusto kong patunayan kay Papa at Mama na mali ang taong lubos na pinagkakatiwalaan nila. Pero ngayon na nandito na kami, ay kakaiba siya umasta.
BINABASA MO ANG
A Knight To Remember (DFM#2)✅
RomanceMatured content (R18) Under DFM#2 I know exactly what I want, and it has nothing to do with the weirdo guy who claimed he was my fiancée. Really, Penelope? Yes, it doesn't! Whenever he got closer to me, I felt he was a danger and could not be trust...