-continuation-
CaughtAng hirap lapitan ni Lorenzo. Mailap siya at isang beses ko lang siyang nakita noon na walang kasama. Pero madalas siya sa kainan na kung saan si Nanay nag-t-trabaho.
At Nanay's age she still work in a Pesto Paella restaurant. Traditional ang pag-gawa nila ng mga pagkain rito. Kaya siguro ito ang paboritong restaurant ni Lorenzo.
Nag-usap na kami ni Papa, at kapalit ng kagustuhan niya ay ang kaligtasan ni Nanay. I told him to get his men away from me. Ayaw kong nakabuntot ang mga utusan niya sa akin at sumang-ayon naman siya. He will leave me alone for this job. I don't know what's the real deal on this. Hindi ko alam ang motibo niya at gusto ko malaman ito. Pero mukhang mahihirapan ako. Ang ilap ni Lorenzo at hindi niya ako napapansin.
Ilang beses na ba ako rito at kulang na lang ay maghubad ako sa harapan niya. E, wala pa rin! Hindi niya 'ata type ang mga babaeng seksi manamit. E, paano naman ako magkakaroon ng pagkakataon? Ang daming babaeng nakabuntot sa kanya!
Akala mo naman kung sino siyang gwapo. E, hindi ko type ang mga tattoo niya sa katawan.
Ugh, gusto ko nang tapusin ang misyon na 'to, at nang sa ganun ay makauwi na ako ng Pinas.
"Ako na ka, Nay!" Kinuha ko agad ang order ni Lorenzo at mabilis na inayos ang sarili. Ngumiti si Nanay at napailing na.
"Mahihirapan ka sa batang iyan, Penelope. Matigas ang puso ni Lorenzo."
"Hmp! Makukuha ko rin 'yan, Nay," kindat ko kay Nanay.
Mabilis kong binaba ang laylayan ng damit ko. I purposely expose my cleavage so that he will notice me. Hindi ako mahilig sa make-up, pero dahil aakitin ko ang weirdong ito ay mukha akong prostitute sa hitsura ko! Dios ko!
"Your order, Sir," lawak na ngiti ko sa kanya at kindat pa. Maingat ko itong nilapag sa mesa at rinig ko agad ang pagtikhim niya.
"Is there anything you want, Sir?" Ngiti ko na parang aso. Kanina pa ako titig na titig sa kanya. E, 'di man lang niya makuhang titigan ako sa mata.
"No, thanks. This will do. Thank you," baritonong boses niya.
In-fairness astig nga naman ang boses ng isang Lorenzo Ferrero.
Napako ang mga mata ko sa lahat ng tattoo niya sa braso at kamay. Napangiwi ako, pero ngumiti na rin na parang baliw sa kanya.
I hate people like him. He reminds me of my stepfather. Walang pinagkaiba ang kalakaran ng negosyo ni Lorenzo kay Papa. I've heard that Lorenzo holds the majority holders of both legal and illegal in this area. Kaya siguro gusto-gusto ni Papa na kunin ang panig niya.
"Excuse me?" kunot-noo niya at tikhim na din.
"Oh? Sorry, darling... Are you sure you don't need anything?" pa-cute na ngiti ko at beautiful eyes na din sa kanya.
Pero wala, dead-ma! Dahil umiwas lang din siya nang titig sa akin at mukhang naiirita pa.
"I don't need anything. So, please leave my sight and return to your work."
Napakurap ako at napaawang ang labi ko.
Huh, ang snob ng mukong na 'to! Akala mo naman kung sino siyang gwapo. E, gwapo nga naman siya, este, ang pangit mo! Sigaw ng isip ko habang tinititigan siya ng husto.
"Lorenzo, baby! I miss you, babe. I'm sorry I'm late." Halik nang isang babae sa pisngi niya at napangiwi na ako.
"Excuse, Miss." Sabay tulak niya sa akin at napaatras na ako.
BINABASA MO ANG
A Knight To Remember (DFM#2)✅
RomanceMatured content (R18) Under DFM#2 I know exactly what I want, and it has nothing to do with the weirdo guy who claimed he was my fiancée. Really, Penelope? Yes, it doesn't! Whenever he got closer to me, I felt he was a danger and could not be trust...