Push
🍀🍀🍀
Isang oras din kaming naglibot sa buong Isla, sa tabi ng dagat ang lakbay namin. Panay ang talon at sipa ko sa bawat alon sa gilid. Kagaya niya nakapaa kaming dalawa. Iniwan namin ang stinelas at iilang gamit sa bahay kubo at nagpasya kaming maglakad muna.
Were walking in the same pace and just talking. He talked a lot about the plan of this Island. Hindi ko naman makuha ang gusto niya, kaya tango ako nang tango na parang sira!
I just listening to him and I like his plan. Pero mukhang gagasto rin ito ng malaking pera. Hindi ko nga alam kung anong pinagkakaabalahan niya sa buhay. E, hindi naman siya mukhang anak mayaman.
"What do think?" Pamaywang niya habang nakatingala sa pinakatuktok na bundok na nandito.
There are a few mountains around the Island, and I bet plenty of wilds are around, too.
Ang dami sigurong ahas dito at kung ano-ano pa. Nakakatakot masyado.
"Ha? A-Ano?" kurap ko.
I wasn't paying attention on what he stated before. Sa ibang demensyon kasi pumasok ang utak ko at hindi sa kwento niya.
"I mean, what do you think about this project?" tugon niya habang nakatitig padin dito.
Napalunok na ako at hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko. Kaya tumango na ako.
"Well, that's great! You can do that. Ang problema ang daming ahas dito. And how would you build a castle on a seclusive Island? Gagasto ka pa ng milyon, bilyon? Ang laki!"
"I know. Kaya pinag-iisipan ko," tugon niya at tango.
Bumuntong-hininga na ako at yumuko na. May maliit na alimango kasi na papalapit sa akin at mukhang kakagat pa.
"Oh my, talaba!" Lundag ko at hawak sa braso niya. Para tuloy akong ungoy na kumapit sa kanya at bahagya na siyang natawa.
"Bwesit ka! Pag ikaw mahuli ko, sa apoy ang katapusan mo!" Turo ko sa maliit na alimango at rinig ko lang din ang bahagyang tawa ni Lorenzo kaya bumitaw agad ako.
"At anong nakakatawa?" Humakbang na akong nauna at iniwan na siya.
"It's your sudden expression, love. Ganito ka kasi." Tawa niya at napailing pa.
Inirapan ko na siya at mabilis na akong naglakad palayo sa kanya. Pero nahinto ako, dahil hindi ko alam kung bakit mas lumalayo kami ngayon sa bahay kubo. Kaya nilingon ko na siya pabalik.
"Hanggang saan ba tayo?" Pamaywang ko. "Ang layo na natin ah? Bumalik na lang tayo."
Humakbang na ako pabalik at nagsalubong na kami. Humarang agad siya sa daan ko at natawa.
I glared at him as he's playing chase with me. Sa bawat hakbang ko ay nakaharang siya, at bakas masyado sa mukha niya ang sobrang saya. Ang baliw talaga ng weirdong ito!
"Stop it, Lorenzo!" Sabay hakbang ko at harang ulit niya.
Umiwas agad ako at humakbang pakabila, pero walang silbi ito dahil ang matipunong pangangatawan ng dibdib niya ang nakaharang sa mga mata ko. Kaya nahinto na ako at tinitigan siya nang husto.
He was laughing, and the way he expressed it was so dense!
Namula na nga ang mukha niya dahil halata na ang inis sa mga mata ko. I actually don't like this. Hindi ko 'to gusto! Kung sa taong gusto ko makikipaglaro ng ganito ay tiyak nakalutang na ang puso ko. Pero hindi kay Lorenzo, dahil naningkit at sumikip lang ang dibdib ko.
BINABASA MO ANG
A Knight To Remember (DFM#2)✅
RomanceMatured content (R18) Under DFM#2 I know exactly what I want, and it has nothing to do with the weirdo guy who claimed he was my fiancée. Really, Penelope? Yes, it doesn't! Whenever he got closer to me, I felt he was a danger and could not be trust...