Kabanata 8

2.6K 100 1
                                    



'I will make you fall for me again, Penelope. Kung hindi ko na maibabalik ang dating ikaw ay pipilitin kong magustuhan mo ulit ako.'
-Lorenzo Ferrero-
🍀🍀🍀


Three months


Ang sinag nang araw ang unang bumati sa mga mata ko. 

I opened my eyes slowly until I saw someone's reflection. A shadow stood before me, staring at me. 

Bumilis ang tibok ng puso ko at pinikit ko ulit ang mga mata ko. Saan nga ba ako ngayon? Tama, nasa Isla ako at kasama si Lorenzo.

Bumangon agad ako na nakapikit ang mata. That shadow is scaring me and I am too scared to open my eyes. Para akong baliw na kinapa ang nasa harap ko, pero wala naman akong maramdaman dito. Kaya minulat ko na ang mga mata ko.

There was no one here except me. Nilingon ko pa ang bawat gilid ng kwarto at mag-isa lang talaga ako rito. Ang orasan sa harap na nasa ibabaw ang unang tinitigan ko. . . alas utso na ng umaga. Nasa gilid ng kama pa rin ang apat na maleta ko at ang iilang gamit ko rito. Pumasok agad akong banyo para mahimasmasan sa sarili at naghilamos na.

Nang makalabas ako ay ang preskong hangin na mula sa dagat ang naamoy ko. I'm honestly feeling okay right now. Hndi kagaya ng unang beses na pumarito ako. It was heavy for me when I first came here after the accident. I was still on my treatment that time and everything was a blur.

"Good morning, love."

Ang nakangiting mukha ni Lorenzo ang sumalubong sa akin. Mukhang katatapos niya lang magluto. Hindi ako sumagot at tumango lang sa kanya. 

Paano naging 'good' ang morning ko kung si Lorenzo ang makikita ko araw-araw rito?

"I prepared your favourite breakfast," ngiti niya. Kinuha niya agad ang ginawang fresh orange juice at nilagay ito sa mesa. Naupo rin agad siya sa harapan ko.

"Where's the others? Tapos na ba sila?" Tingin ko sa gilid at pinto. E, wala namang tao rito sa kusina malibang sa amin dalawa.

"Tapos na. Here in the Island everyone is early, love. Here, try this." Siya pa mismo ang naglagay ng isdang lapu-lapu na pinirito. Tinangalan niya ng buto ito bago nilagay sa plato ko.

"I caught this fish this morning. Sumama ako kay Manong Primo kaninang madaling araw."

Nag-angat agad ako ng tingin sa kanya at kumunot noo pa.

"You mean, nangisda kayong dalawa?" ngiwi ko sa kanya. Napako na tuloy ang mga mata ko sa braso niya na puno ng tattoo at kinilabutan ako.

"Yes, love. Don't worry. Sanay ako sa ganito. Remember we used to dive deep just to get something?" excited na tugon niya at titig sa akin.

Nahinto ang mga kamay niya sa paglagay ng kanin sa plato ko, dahil nakatulala ako ngayon na nakatitig sa kanya. 

The heck! Hindi ba nag-iimbento ang baliw na 'to? At ako talaga?

"Ahm, huwag mo ng isipin. Kumain ka na muna."

Tumayo ulit siya at may kinuha sa loob ng refrigerator. Nilapag niya ito sa gilid ng plato ko at kumunot ulit ang noo ko.

"I know you love this. The ocean here is so rich with sea urchins. Try this, love," ngiti niya.

Napaawang ang labi ko at hindi ko maalala na paborito ko ito. 

Heck? Paano ko naging paborito ang sea urchin na 'to? Nakatira ba ako sa dagat noon at ito lang din ba ang kinakain ko? Ano ba 'tong iniisip ko!

Hindi na ako nagreklamo kaya sinubukan ko na 'to. I don't like him but I don't want to be rude. Kung magtataray ako sa kanya ay huwag sa hapag kainan at mamaya na. 

A Knight To Remember (DFM#2)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon