"Don't worry. I got her, and I won't let go..."
-Lorenzo
🍀🍀🍀Deal
Tatlong araw akong nagkulong sa bahay. Kwarto, kusina at harden lang ang routine ko. Papa blocked the internet access, meaning there's no Wi-Fi in this house anymore. Parusa niyo ito sa akin. Nalaman kasi niya ang nangyari sa amin ni Francisco. Although there was no articles stating that I was there, still he found it. Hindi ko alam kung paano nila nalaman ni Mama ito. Kaya grounded ako ngayon ng buo.
In two days they will fly to Italy in Mazaro. Magtatagal sila roon, mga tatlong buwan 'ata o higit pa. Gusto ko sanang sumama, pero may problema raw sa passport ko. Kaya baka sa susunod na taon na lang din ako.
Wala sina Mama at Papa ngayon dahil may inaasikaso. After this, they will fly to Mazaro, and eventually, I will be left with Lorenzo. We will then fly to Panglao. I can't remember much of the resort. Pakiramdam ko malayo ito sa puso ko at alaala ko. I was there nine months ago and wouldn't say I liked it.
Pero mukhang wala na akong choice ngayon. Hawak na ni Papa ang lahat ng account ko at wala rin akong naitabing pera. Ang panghuling endorsement ko ay nasali sa kabaliwan ni Francisco.
I just found out that our joint bank account was zero! Halos magwala ako noong nakaraang araw nang malaman ko ito.
He have used all my money on his so-called nature adventure. Although, hindi naging malaking issue ang pagiging user niya ay mas dumagdag ito sa galit ko sa kanya.
He's a user! Asshole! Womaniser! Piste talaga!
Isa-isa ko nang nilagay ang lahat ng mga love letters at mga gamit na bigay niya. Hindi ko ito ibabalik sa kanya. Susunugin ko ang lahat ng mga maliliit na papel at litrato na ito! And I will donate all the stuff and clothes that he gave me to a charitable foundation. Kahit pa ang kotse na binigay niya noong proposal niya ay ibebenta ko na.
Lumabas ako sa harden na bitbit ang malaking supot na naglalaman ng lahat ng liham at litrato niya.
"Oh, handa na ba, Miss Vi? Umaapoy na ito sa labas at handa na," si Yaya Tami sa akin.
Inutusan ko kasi siya na magsimula ng apoy sa may grilling area namin sa labas.
"Oo, yaya. Heto na lahat. And by the way, Yaya. Mamili kayo ni Titing sa mga kahon na nasa labas. Baka may magustuhan kayo, kunin niyo na bago dumating ang pick van na tinawagan ko."
Nanlaki ang mga mata nila Yaya at agad na tumakbo palabas. Tinawag niya agad si Titing at sumunod ang iilan pa sa kanila. Napangiti na ako at napailing na din.
Ang totoo, hindi pa ako tumawag sa charity van. Inisip ko kasi sila, ang mga katulong namin sa bahay. Saka na ako tatawag sa kung may matira pa.
Lumapit na ako sa dirty kitchen namin sa labas. Handa na nga ito at isa-isa ko nang sinunog ang lahat ng mga walang kwentang love letter na hawak ko.
I don't really think that I like Francisco. Wala kasing spark na galing ilalim. Pero iba nga naman ang nagustuhan ko sa kanya. He reminds me of someone, and I don't know who.
Una ko siyang nakita sa shooting niya sa isang pelikula. He was so cool and so handsome while he's doing the martial arts. Ang akala ko nga experto talaga siya. Pero natawa na lang din ako noong makita na lampa pala siya at puro extra ang katapan niya.
I think I did like him because of his funny side and dumb personality. Hay naku, Viola!
Nang matapos ako ay bumalik na ako sa loob. Nasalubong ko agad si Yaya Tami na hawak ang malaking box sa kamay.
BINABASA MO ANG
A Knight To Remember (DFM#2)✅
RomanceMatured content (R18) Under DFM#2 I know exactly what I want, and it has nothing to do with the weirdo guy who claimed he was my fiancée. Really, Penelope? Yes, it doesn't! Whenever he got closer to me, I felt he was a danger and could not be trust...