"Love is the bright foreigner, the foreign self."
🍀🍀🍀Foreign
I got home feeling annoyed. Wala sina Mama at Papa. I know they meet someone who is so dear to them. Sinabi na sa akin ni Mama na may importante raw silang lakad, and probably tonight that visitor will join us for dinner. Kaya halata ang magandang ayos ng harden ngayon. Abala ang lahat sa ginagawa nila.
Mom hired catering services for everything.
Umakyat na ako sa kwarto pagkatapos pagmasdan sila na sa harden. Nakasunod lang din si Kakay sa akin. Nahinto ako at hinarap siya.
"Kakay, can you speak the Italian language?"
Mahina lang din siyang tumango at walang ngiti sa mukha niya.
Kumunot na agad ang noo ko. Nakapagtataka lang din kasi. Pakalat-kalat lang naman siya noon sa bangketa, tapos alam ang lengwahing italyano?
"Ahm, a-ano kasi, Miss Vi. May naging kaibigan ako noon, noong bata pa ako. Tinuruan niya akong magsalita nito," pilit na ngiti niya at tumaas lang din ang kilay ko.
"Sure, ka?"
"Oo, Miss Vi. Konti lang alam ko. Pero ang nakapagtataka, Miss Vi ay ikaw? Nakakapagsalita ka pala nito? At ang linis pa at mukhang sanay na sanay ka." Tumaas bahagyang ang kilay niya habang nakangiti.
Napailing na ako. Hindi lang ako makapaniwala.
"Hindi ko nga rin alam, Kakay. Baka kagaya mo lang din ay natutunan ko lang siguro sa pagbabasa ng magazines." Sabay talikod ko. "Okay na, bumalik ka na sa kwarto mo. Akin na 'yan."
Ibinigay na niya agad ang maliit na maleta na bitbit niya.
Tahimik lang din akong pumasok sa kwarto ko. Binuksan ko agad ang kurtina ng bintana at tinanaw ang lahat sa babang harden.
Who the hell is that man before? Sino siya? Kahit kailan ay hindi ko pa siya nakita.
Lutang na tuloy ang isip ko habang pinagmamasdan ang silang lahat sa baba.
Pagkaraan ng iilang minuto at pagkatapos maligo ay pinatuyo ko na ang buhok ko. Lumabas na ako sa balkonahe ng kwarto at tinanaw lang din sila ulit sa baba. Patapos na sila at naglilinis na lang din. Iilang lamesa lang ang meron, ibig sabihin mga importante tao lang ang bisita nila mama at papa ngayong gabi.
I don't think it's their anniversary—Malayo pa iyon.
Ano ba kasing meron mamaya? At bakit ba ang araw na ito ay puno ng sorpresa sa akin. Nakapagtataka lang din.
Sinuklay ko na ang mahabang buhok ko habang iniisip si Francisco. I just can't believe that he's a user or worst? Hindi ko alam. Kaya dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa loob at naghanap ng balita tungkol sa kanya. And I was right! An article was released about him in jail just five minutes ago.
Kinabahan akong binasa ito at namutla na din. No one knows about me being his girlfriend. Pero ang mas kinaiinisan ko ngayon ay ang dalawang pangalan ng babaeng nasa showbiz na nakadikit sa pangalan niya. Alam ko naman na love-team silang dalawa. Wala naman kasing may alam na ako talaga ang totoong girlfriend niya, at siguro wala rin maniniwala kapag nilantad ko ang sarili ko sa madla.
I am so stupid, and I know that! This past month, I've been acting weird, and I don't know.
Hindi naman mahigpit sina Mama at Papa. Pero nararamdaman ko na palaging may nakasunod sa likod ko at binabantayan ako.
BINABASA MO ANG
A Knight To Remember (DFM#2)✅
RomanceMatured content (R18) Under DFM#2 I know exactly what I want, and it has nothing to do with the weirdo guy who claimed he was my fiancée. Really, Penelope? Yes, it doesn't! Whenever he got closer to me, I felt he was a danger and could not be trust...