Until
Everything is so quiet between us, walang gustong magsalita at kahit ako ay ayaw kong magsalita sa kanya. Tahimik akong nakaupo sa dulong bahagi ng yate habang abala siya sa pagmamaneho nito.
Tulala akong napatingin sa fishing rode na naka-impake sa gilid. Hindi namin nagamit ito, dahil pagkabalik ko sa kubo, ay umalis na agad ako at sa yate na nagtungo. Tahimik lang din siya at parang pinapakiramdaman ang lahat sa amin.
The noises that I'd heard in my mind before were still fresh. Parang pamilyar sa akin ang halaklak ng babae at paulit-ulit ito sa isip ko.
Tinitigan ko nang husto ang likod ni Lorenzo. Kahit ano pang gawin ko at ipokpok sa ulo ko ay wala akong maalala na kilala ko siya noon pa. Pero paano ko nga ba maipapaliwanag ang mga nararamdaman ko at nakikita ko?
Did I even exist before, and did we go on the Island? How can he explain it?
Ang pangalan ko na nakaukit sa lumang puno sa likod ng bahay kubo. . . Ang pamilyar na tinig at ang pamilyar sa batohan. Kung ano iyon, anong ginawa namin doon? At ngayon naglalaro pa sa isipan ko ang halikan namin dalawa kanina.
My goodness. Mababaliw na 'ata ako!
Ginulo ko ang buhok ko habang nagsasalita mag-isa. Ba't pa kasi ako sumama sa kanya rito? E, ito na tuloy ang napapala ko ngayon.
Nahinto ako nang marinig and pagtikhim niya. Kaya nag-angat agad ako nang tingin sa kanya. Ang nakangiting mukha niya ang sumalubong sa akin at napakunot-noo na ako.
"What?!"
"Here." Lahad niya sa soda at tinitigan ko lang ito sa kamay niya.
"What's bothering you?" Sabay upo niya sa tabi ko at kinuha ko na ito sa kamay niya.
"You," I said sarcastically while drinking my soda, and I could hear him chuckle.
"That's good. May silbi pa pala ako kahit papaano." Kindat niya at tumaas lang din ang kilay ko.
"Huwag kang assuming! Hindi kita type!" Umusog na ako at nilagay ang bag sa gitna namin dalawa.
Ayaw kong dumikit sa kanya. Pakiramdam ko kung madidikit ang balat ko sa balat niya ay nakukuryente ako rito. Rinig ko lang din ang bahagyang tawa niya. Nakakatawa nga naman siguro ako!
"Which one bothers you, love? Is it the kiss or the other way around?" he stares.
I chuckled and shook my head while staring at him. I can't be bothered to give him my answer. Kaya ininom ko na lang ang soda ko. Bahala na siya sa kung ano man ang gusto niyang isipin ngayon. All I want is to get home and to be in my own room. Gusto kong maligo at mag toothbrush ng tudo para mawala ang lasa niya sa labi ko.
Naging tahimik kami at pati na siya. Tumayo ulit siya para ayusin ang takbo ng yate at nagtagal na siya rito. Nakatayo na mag-isa. Hindi ko na tinitigan at tumalikod na ako sa bahagi niya. I don't care! Hindi nga naman mahalaga.
Nang makarating kami sa resort ay hapon na at papalubog na ang araw. Si Manong Primo pa ang sumalubong sa amin na bitbit ang mga isdang nahuli niya. Nangisda siya.
"Boss!" Saludo niya kay Lorenzo at napatingin agad siya sa akin.
"E-Este, S-Sir Lorenzo," utal na tugon niya at hindi ko naman maintindihan ito kaya napailing na ako.
"Hello, Miss Viola." Lawak na ngiti niya at ngumiti na rin ako.
"Anong gusto mong gawin ko sa isda, sir? Iihawin ko ba? Ikaw Miss Vioala? May special request ka ba? May nahuli akong pusit. Malaki ito!" Pakita niya sa akin at napakurap lang din ako.
BINABASA MO ANG
A Knight To Remember (DFM#2)✅
RomanceMatured content (R18) Under DFM#2 I know exactly what I want, and it has nothing to do with the weirdo guy who claimed he was my fiancée. Really, Penelope? Yes, it doesn't! Whenever he got closer to me, I felt he was a danger and could not be trust...