30- Image

970 86 21
                                    

Isa-isang tiningnan ni Linus ang nakahilerang mga Apprentice. He went out to call them and to let Fenris rest.

He may appear calm and composed in the outside pero sa loob-loob n'ya ay halos literal na kumulo na ang kanyang dugo dahil sa galit.

He was not just angry. He was furious and he could kill whoever did that to Fenris.

Poor Fenris.

Una niyang tiningnan si Elliot, the obvious suspect. Nakatingin lang ito sa mga paa nito. He didn't even lift his eyes. He looked very suspicious.

Sunod niyang tiningnan ay sina Folk at Big Arm. Sa langit naman nakatingin ang mga ito.

The three suspects couldn't even meet his eyes.

Sina Kilmar at Kruz lang ang nakatingin sa kanya. Nag-aalala ang itsura ng dalawa at alam niyang nangangati na ang mga ito na malaman ang kalagayan ng kaibigan.

Muli niyang tiningnan ang grupo ni Elliot at sabay-sabay na nag-iwas nanaman ng tingin ang mga ito. Very very suspicious. And yeah, very obvious.

But he knew that he couldn't accuse them right now. He didn't have any evidence. All he had was a hunch, a solid hunch. But still not enough.

"Apprentice Paynes is alright. She'll live," panimula niya at agad na nakahinga ng maluwag sina Kilmar at Kruz.

Hindi nagsalita sina Elliot at hindi rin nagbago ang itsura ng mga ito na parang walang pakialam sa nangyayari.

"Remember this, I will not tolerate this kind of behavior under my watch. We are one system here, one organization. We protect each other. How could we protect our land if there was division within the Order? Sa oras na nalaman ko kung sino ang may kagagawan nito, I will not hesitate to make the culprit suffer."

Nang wala siyang natanggap na reaksyon mula sa kanyang mga suspects ay agad na siyang tumalikod. He would be watching them. Sa ngayon, kailangan niyang bumalik sa kanyang cabin para muling alagaan si Fenris. Sana ay nagpapahinga ito ngayon.

"Knight Blood!" napatigil siya sa paghakbang nang sumunod sa kanya si Kilmar. Sa likuran nito ay si Kruz. Yeah, he knew something special was going on between the two. Sana lang 'wag paghiwalayin ng Grand Knight.

"Yeah," aniya na nagpatuloy sa paghakbang at agad namang sumunod ang dalawa.

"Pwede po ba naming makita si Fenris?" tanong ni Kilmar habang nanlaki ang mga mata.

"Yeah," simple niyang sagot. For some reason, naiinis siya sa biglaang pangyayari na 'to. Akala niya, masosolo niya si Fenris ngayon, 'yun pala may mga kulangot na i-eksena.

Natigilan ang binata. Teka lang, bakit ba siya naiinis? These were Fenris' best friends. At alam din niyang walang feelings ang dalawang 'to sa dalaga maliban sa pagkakaibigan. Napailing si Linus. Inaamag na yata ang utak n'ya dahil hindi na nagfa-function ng maayos.

Nang narating na nila ang kanyang kwarto ay hinarap na muna niya ang dalawang Apprentice.

"First of all, 'wag kayong maingay. She might be resting right now. Ayokong maisturbo s'ya," aniya. Ayaw niyang tingnan ang dalaga gamit ang kanyang remote viewing kapag nasa pribadong lugar ito. He respected her privacy. Isa pa, hindi siya manyakis.

Mabilis at sunud-sunod ang naging tango nina Kilmar at Kruz sa sinabi n'ya. Mukhang nag-aalala nga ang mga 'to.

"Alright," ani Linus saka hinawakan ang doorknob. Pagkabukas na pagkabukas niya n'on ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata.

"Manyakis!" malakas na sigaw ni Fenris na nakatayo sa harap ng pintuan at inihagis nang malakas papunta sa kanyang direksyon ang isang itim na mug. Tila nag-slow motion pa 'yun dahil sa kanyang mabilis na vampire sight.

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon