Epilogue

1.1K 60 14
                                    

Cole

"Collier Darius Bloodworth! Saan ka pupunta? Bumalik ka rito!"

Tawa nang tawa si Cole habang mabilis na tumatakbo palabas ng mansyon ng kanyang pamilya. He used his vampire speed to stay far from Tiana as much as possible. Kinain n'ya lang naman kasi ang paborito nitong chocolate na galing pang Blackbourne.

It was the last one.

Makakarating na sana siya sa bayan nang bigla na lamang niyang naramdaman ang pwersang humihila sa kanya pabalik sa Upstate.

"No!!!" nanlaki ang kanyang mga mata nang tuluyan na nga siyang nawalan ng kontrol sa sarili niyang katawan.

He tried to fight the force pero nakatalikod siya sa direksyon ng Upstate kaya hindi niya kita ang pinagmulan n'on. Paniguradong si Deus ang may kagagawan nito.

"Ugh!" 'yun lang ang nagawa niyang ingay nang bumagsak siya sa foyer ng kanilang mansyon kasabay ng pagsara ng double doors. Locking him inside with the tigress, a very furious pregnant tigress.

Heads started to gather around him. Dalawang ulo ang nakikita niya specifically.

"I got him, Kambal. Make sure to wire me one million dayals," narinig niyang sabi ni Deus na isa sa mga dumungaw sa kanya habang nakahiga pa rin siya sa sahig.

Cole groaned. "Traydor ka, bro."

Tumawa lang si Deus saka tuluyan nang lumayo. "Pera pera lang 'yan, bro."

Lumabi si Cole. Kung makapagsalita kasi si Deus ay para bang naghihikahos na ito.

"So..." Tiana looked down to see his face. "how do you want to die?"

Mabilis na tumayo si Cole sabay taas ng mga kamay. "Tiana naman. Magpadala ka na lang ng maraming tsokolate sa asawa mo. Tsk."

"Nakita mo 'to?" itinuro nito ang malaking tiyan. "Gusto ng pamangkin mo ang tsokolateng 'yun. Ngayon!" umuusok ang ilong ni Tiana kaya muntik nanamang matawa si Cole. Pero nagpigil siya. Baka kasi bigla nitong tusukin ng takong ng sapatos nito ang mga mata niya.

"Sorry na. Hindi ko naman alam eh. Bakit kasi pakalat-kalat ang tsokolate mo? Alam mo namang hindi lang ikaw ang may gusto n'on eh," nagpaawa face pa si Cole pero irap lang ang naging sagot ng kanyang kapatid.

"Ano nanaman ba'ng gulo ito?" narinig nila ang malamyos na boses ng kanilang ina. Agad namang sumalubong si Tiana rito at yumakap.

"Mommy, ninakaw ni Cole ang last chocolate ko," pagsusumbong nito kaya napaingos si Cole.

"Collier, puro ka talaga kalokohan," anang maganda nilang Mama na si Savannah Bloodworth. Ilang taon na ba itong ina nila? Fifty three? Fifty four? Fifty five? It didn't really matter. She looked like she was still in her early thirties.

"Mom, tatawagan ko na lang si Xandros. Sasabihan ko s'yang magdala ng isang airship ng tsokolate para sa asawa niyang sobrang takaw," ani Cole saka yumakap din sa kanilang ina.

"Ako nauna yumakap kay Mommy. Mamaya ka na," Tiana tried to push his face away pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa kanilang ina.

"Uy, ano 'to? Umalis lang ako saglit to get my phone tapos ganito na. Payakap din," sumali na rin si Deus na kakabalik lang sa foyer.

"Naku! Mga anak ko," tumatawang sambit ni Savannah saka pilit na gumanti ng yakap sa kanilang tatlo kahit na pinalibutan nila ito. Ang tatangkad pa nila kaya nilamon ng kanilang height ang maliit nilang ina.

Nasa gan'on silang sitwasyon nang biglang bumukas ang double doors at nakita nila ang isang matangkad na silhouette ng lalaki.

"Titus!" biglang sigaw ni Savanah at sa isang iglap lang ay halos tumilapon silang magkakapatid dahil tumakbo na ang ina nila para yakapin ang kanilang ama na bagong dating.

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon